CHAPTER SIXTEEN

7 1 0
                                    

Raina's POV


Pagkagising ni Jurieta ay nagtaka ito kung bakit pa siya nasa karinderia kaya ikinuwento ni Miya ang nangyari pagkatapos ay pumunta si Miya sa kusina. Agad din siyang bumalik dala ang tasa na may marinig na sabaw na ginawa ni Nanay Mila at ibinigay iyon kay Jurieta para mainitan ang sikmura nito.






Pagkatapos mainom ni Jurieta ang soup ay nagtali siya ng ponytale na mababa lang dahil tila nainitan siya at tumingin siya kay Karina.






Nagkatinginan sila sa mga sandaling iyon.






"Have we met before?" Tanong sa kanya ni Jurieta. Napakunot naman ang noo ni Karina na tila nagtataka.






"Malakas ata ang drugs na ipinainom sa artistang to." Pranka ni Karina. "Oo talagang nagkakilala na tayo. Yung una, akala ko hinoldap ka kaya tinulungan kita pero malay ko bang shooting lang yun. Sinungitan mo pa nga ako non. Tapos kanina, inakusahan mo pa akong stalker. Eh dito kaya ako nagtatrabaho!" Inis na pagkukwento niya na ikinagulat namin ni Miya. Maya-maya pa ay parang may nararamdaman siyang sakit sa bandang kanyang tiyan. Pagkaangat niya ng kanyang damit ay nakita naming may sugat iyon at dumugugo ito.


"Karina!" Sigaw ni Miya sabay lapit kay Karina para alalayan ito nang makaramdam ng hilo. Lumapit din ako kay Karina at inalalayan namin siya ni Miya hanggang sa siya ay makaupo. "Bakit hindi mo sinabing nasaksak ka pala?" Tanong ni Miya na naiinis pero sa kabilang banda ay mayroong pag-aalala.






"Daplis lang naman ito..." Tugon ni Karina.






"Grabe init mo, Karina!" Sabi ko nang mahawakan ko siya sa kamay at noo. Inangat ni Jurieta ang damit ni Karina para tignan ang sugat niya sa tiyan.






"Hindi naman malalim pero sa palagay ko ay may tetano ang kutsilyong napanaksak sa kanya." Sabi ni Jurieta. "My first aid kit ba kayo?" Tanong niya.






"Meron." Sagot ni Miya.






"Sige, kunin mo nang maagapan pagkatapos ay dadalin natin si Karina sa ospital." Utos ni Jurieta.






Nagmadali si Miya sa pagkuha ng first aid kit at agad na bumalik at iniabot iyon kay Jurieta.






"Bakit kailangan niyo pa akong dalhin sa ospital?" Tanong ni Karina habang nililinis ni Jurieta ang sugat niya.






"Maganda nang sigurado." Tugon niya.






Pagkatapos malapatan ni Jurieta ng gamot ang sa sugat ni Karina ay inalalayan na naming tumayo si Karina subalit masyado na siyang nanghihina kaya tuluyan siyang nawalan ng malay.

MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now