CHAPTER EIGHT

7 1 0
                                    

Raina's POV

Magmula nang mamatay si Lolo Porong ay mas lalo akong nagpursige sa pagtatrabaho. Isa akong athlete sa Kali Club. Sa umaga ay nagtatrabaho ako at sa hapon naman ako nakakapag-ensayo. Mahirap pala ang mag-isa ka na lang sa buhay. Lahat ng responsibilidad ay na sa iyo. Pero hindi naman namatay si lolo para sa wala lang. Masaya akong may natulungan siya kahit sa huli niyang sandali.




Kumusta na kaya si Karina?




Inilagay ko ang aking arnis sa lalagyan nito at isinuot ko ang bag na parang isang shoulder bag at lumabas na ako ng gymnasium.




Gabi na nang makarating ako sa karinderiang pinagtatrabahuhan ni Karina.




Wala ng mga customers.




Mula sa labas ay natanaw ko ang isang babae.




Hindi lalagpas sa balikat ang kanyang buhok. Medyo bilugan na singkit ang kanyang mga mata, may matangos na ilong at malarosas na labi. Ang laki niya ay tulad ng parang isang model.




Si Karina.




Binuksan ko na ang pinto at sinara ito nang ako'y nakapasok na.




"Raina?!" Gulat na sambit ni Karina subalit makikita sa kanyang mukha na masaya siyang makita ako ulit.




"Long time no see, Karina." Nakangiting sabi ko.




Umupo ako sa upuan at kinuha ko ang menu na nasa lamesa.




Tinignan ko si Karina ng nakangisi na kanyang ipinagtaka.




"Di ba... ang sabi mo sa akin na ililibre mo ako ng meals pag pumunta ako dito?" Tanong ko sa kanya.




"Ano ba order mo?"




"Diet ako ngayon eh..." Sabi ko at nagbuntong hininga. "Pero... gusto ko nito, ito rin, ito, ito, ito at saka nito. Yun lang."




"Ah... diet ka nga..." Pagsang-ayon niya habang pilit na ngumingiti at agad siyang nagtungo sa kusina. Natawa naman ako ng bahagya sa reaksyon ng mukha niya.




Maya-maya pa ay lumabas na si Karina mula sa kusina kasama ang isa pang babae.




Mataas ang pagkakatali niya sa kanyang buhok at mayroon siyang bangs.  Medyo bilugan ang kanyang mata, matangos ang ilong at may nunal siya sa bandang baba.




"Isang tao lang ang nag-order ng mga meals na to?! Napakatakaw naman non!" Sabi nung babaeng kasama ni Karina.




Nilapag nila sa table ang inorder ko at agad ko itong sinimulan kainin.




Pagkatapos kong maubos ang pagkain ay uminom ako ng maraming tubig. Nginitian ko sina Karina at yung babae at naglike sign ako bilang pahiwatig na nagustuhan ko yung pagkain. Dumighay ako ng malakas na ikinagulat nila.




"Ano ba yan, Raina?! Ang ganda mong babae, maskulado ka kung dumighay?!" Sita ni Karina habang nagpipigil sila nung babaeng kasama niya tumawa.




"Masanay ka na. Ganito talaga ako pagkatapos kumain!" Tugon ko naman.




"Nga pala, Raina, siya si Miya, ang kaibigan ko at ang anak ng may-ari nitong karinderia." Pagpapakilala niya sa akin dun sa babae. "Miya, siya si Raina." Pagpapakilala naman sa'kin ni Karina dun sa babae.




MARTIAL ARTS VENGEANCEWhere stories live. Discover now