Special Chapter VII.

2 0 0
                                    

Special Chapter VIII.

Nagbago ang kulay ng buhok ni areum, naging dilaw ito at ang kahulugan nito ay may bagong katauhan mula sakaniya ang muling isinilang.

Nakatayo lang si taewoon sa harapan niya habang ang kaniyang sugat sa pulsuhan ay unti-unti na muling naghihilom.

Dahan-dahan 'tong lumapit sakaniya at saka hinaplos ang kaniyang mukha. Hinayaan lang siya ni areum na gawin 'yon.

Kahit na nagawa niya talikuran si taewoon para sa kaniyang sariling kapakanan hindi niya maipagkakaila sakaniyang sarili na magpahanggang ngayon mahal niya pa'rin ito.

Umiwas ng tingin si areum sakaniya. Ayaw niya na maulit muli ang lahat, alam niya na ang lahat ng mangyayari, alam niya na ang mangyayari sa kapalaran niya.

Ngunit...

Hindi nagdalawang-isip si taewoon na dukutin ang puso niya, napakapit ang dalawang kamay ni areum sa dibdib niya.

Ngumiti ng mapait si areum,
"Kanina pa k...k-ita hinihintay..."

"Thank y...y-ou. Salamat, d...d-ahil pinalaya mo na ako." She added. Walang reaksyon si taewoon, nakatingin lang ito sakaniya at tila ba hinihintay na lamang si areum na tuluyang mawalan ng buhay.

Dahan-dahang ipinikit ni areum ang kaniyang mga mata. Ibinalik niya sakaniyang ala-ala ang lahat.

"I love you." She repeatedly play taewoon's voice on her ears.

Dahan-dahan siyang bumagsak ngunit inalalayan siyang muli ni taewoon na tumayo. Niyakap siya ng mahigpit nito habang hawak-hawak ni taewoon ang puso ni areum, tumitibok-tibok pa 'yon at ang puso ni areum ay hindi kagaya sa puso ng mga mortal. 'Yon ay kulay itim, gano'n din ang kanilang dugo ay kulay itim.

Dumating si kaixin sa taas ng rooftop ng bahay nina areum, nahuli na siya ng dating. Nagawa na ni taewoon ang kaniyang kailangang gawin, unti-unti na rin nanghihina si areum, nawawala na ang kaniyang pagka-immortal. Ang liwanag ng kaniyang katawan ay unti-unti na rin nawawala.

Pinanood lamang ni kaixin si areum na yakap-yakap ni taewoon. Wala na siyang magagawa pa, kailangan na tuldukan ang bagay na matagal na sanang natapos noon. Napahalukipkip siya dahil hindi niya matanggap na naging gano'n ang kaniyang anak na si areum. Nagawa nitong agawin ang sariling mga buhay ng kaniyang mga kapatid para tulungang maisakatuparan ni Mr. Farillon ang lahat ng kaniyang plano, bukod ro'n na tulungan itong makapaghiganti sa mga mortal.

"T...t-aewoon, nanghihina n...n-a ako..." Nakangiting sabi ni areum sakaniya.

Tumulo ang mga luha sa mga mata nilang tatlo. 'Yun ang luha ng pagkamatay, pagkatalo at pagtataksil.

Sa malungkot na paraan unti-unting magtatapos ang lahat.

"Hanggang sa huling hininga ko, mahal pa'rin kita. Walang nagbago at walang magbabago, mahal kita, palagi." Muling saad ni taewoon sakaniya. Ramdam niya ang pagtibok ng puso ni taewoon, gano'n din ang pagmamahal nito para sakaniya.

Mas lalo pang bumilis ang pagbagsak ng mga luha ni areum nang muli 'yong marinig. Magkahalong saya at sakit ang nararamdaman niya ngayon.

She was happy because she was just waiting for it to happen. They are all immortal, they know what will happen to them in the future. She's just waiting for taewoon to free her from all this madness.

'Yon ang nakasaad sa libro ng laws of betrayal.

It was painful for her because the man she loved before, had to end her life.

Laws of Betrayal (COMPLETED)Where stories live. Discover now