Special Chapter I.

5 0 0
                                    

Special Chapter I.

Third Person's P.O.V

"Miss, mahirap ito. Sapagkat tatlo sa sanggol ay kambal at ang isa naman ay normal. Sigurado ka ba na kakayanin mo 'to?" Saad ng nurse na nasa loob din ng ambulansya kasama ni Kaixin, ang ina nina areum, wooyeon, sua at semi. Hindi lubos akalain ng mag-asawa na sobra siyang mahihirapan ngayon sakaniyang panganganak dahil ngayon ay kabuwanan niya na. Wala siyang pakeelam kung siya man ay malagay sa peligro basta't mailigtas niya lamang ang buhay ng kaniyang mga anak.

Kinaya niyang mag-isa at naging matapang hanggang sa pagdating nila sa emergency room ng hospital. Kagaya ng kaniyang anak na si semi, naging pareho ang kapalaran nilang dalawa.

Nagdalang-tao siya sa murang edad at hindi 'yon naging katanggap-tanggap para sakaniyang pamilya. Isa 'yong malaking kahihiyan sapagkat ang kaniyang ama at ina ay parehong sikat na mga abogado sa pilipinas at balak pa tumakbo ng kaniyang ama sa pagiging presidente nung mga panahong 'yon. Kaya bago pa man masira ang lahat ng pangarap ng kaniyang mga ama sa sarili nito, pinalayas at itinago nila sa publiko na sila ay may pangalawang anak. Tinuring lamang nilang anak ang panganay na kapatid ni kaixin na lalaki.

Sa ilang oras na takot at pangamba sa loob ng emergency room, matagumpay niyang naisilang ang apat na sanggol. Lahat sila ay mga babae. Labis ang kaniyang pagkatuwa sapagkat sa kabila ng hirap na kaniyang naranasan sa buong buhay niya habang dinadala ang nga ito sa sinapupunan niya, tanging ang mga ngiti lamang nito ang nagpawi ng pagod niya mula sakaniyang puso.

"Ang mga anak ko, ang gaganda ninyong lahat. Mahal na mahal ko kayo." Saad niyang habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak sa loob ng babies room.

Ngunit sa kasamaang palad nang malaman ni Mr. Farillon na matagumpay nitong naipanganak ang kanilang mga anak, dahil sa galit at poot nito noon kay kaixin dahil sa pagkalat nito ng mga katotohanan tungkol sakaniya noon naisipan niya itong gantihan ngayon. Ayaw niyang matalo sa labang 'yon, gusto niya na makitang lumuluha at nagmamakaawa si kaixin sakaniya para sakanilang mga anak. Ngunit hindi nangyari ang kagustuhan niyang 'yon.

Huli na ang lahat. Naunahan na siya ni kaixin na kumilos. Itinago niya ang kaniyang nga anak sa orphanage kung saan alam niyang ligtas ang mga bata roon.

"Mahal na mahal ko kayo, babalikan ko kayo sa takdang panahon pangako 'yan mga anak. Sa ngayon, kailangan ko muna kayong iwan para sa kaligtasan ninyo. Patawarin ninyo 'ko, sana mapatawad ninyo ako." Lumuluhang sabi niya habang pinagmamasdan ang mga ito na mahimbing na natutulog sa kama. Dahan-dahan siyang tumayo mula ro'n upang hindi magising ang mga 'to, nilapitan siya ng madre na nando'n at tinapik-tapik ang kaniyang balikat, "Sigurado akong sa pagdating ng panahon, mapapatawad ka nila, iha. Magingat ka, kami na ang bahala sakanila." Saad nito sakaniya. Huminga siya ng malalim at saka muling binalik sa isipan ang pagtataksil na ginawa ni Mr.  Farillon sakaniya noon, ngayon mas lalo pa lumakas ang kaniyang loob na maghiganti at protektahan ang mga anak laban dito.

"Ngunit nakalagay sa utos ng law school na 'to na labag dito ang pakikipag-ibigan sa isang school director bukod ro'n menor de edad pa lang ako, Mr. Farillon. Hindi ko makita na tama ang lahat ng mga ginagawa natin." Saad ni kaixin habang hawak-hawak ni Mr. Farillon ang kaniyang mga kamay.

"Walang mali rito, kaixin. Hanggat walang nakakaalam, walang mali rito. Ibigay mo ang sarili mo sa'kin at pangako ko sa'yo na hinding-hindi kita papabayaan."

Kinuha ni kaixin ang inaabot nitong juice. Ininom niya 'yon at maya-maya pa ay nakaramdam ng pang lalabo ng kaniyang mga mata, "Sa tingin mo ba ay minahal kitang talaga? Hindi ako papayag na ikaw ay maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Hindi ako papayag!"

'Yon lamang ang huling mga sandaling natatandaan ni kaixin bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Samantala nagising siya na walang saplot at nag-iisa sa silid kung saan sila nando'n kanina ni Mr. Farillon para mag-usap.

Hinanap niya ito at sinilip niya ang kaniyang mga hita mula sa kumot na bumabalot dito, umaagos ang dugo niya mula sa maselang parte ng kaniyang katawan. Humikbi siya sa sobrang sakit at naisip na pinagtaksilan siya ng lalaking kaniyang pinagkatiwalaan.

Words are sugar coated.

Puno ng kasinungalingan at pagtataksil na nababalutan ng mga matatamis na salita.

"Kaixine, nasa'n ang mga anak ko?" Mahinahong tanong nito sakaniya.

Tumawa siya ng bahagya at saka hindi nagdalawang-isip na sugatan ang mukha nito gamit ang kaniyang ballpen na hawak-hawak niya.

"Bakit ko sasabihin? Hindi ba't makapangyarihan ka? Bakit hindi mo sila hanapin?!"

Umaagos na ang dugo sa pisngi ni Mr. Farillon ngunit hindi niya 'yon nararamdaman sapagkat may karamdaman siya na congenital insensitivity to pain, hindi siya nakakaramdam ng physical pain. Gano'n din ay namana ito ng kanilang mga anak.

Sinugod nito si kaixin at saka sinakal, "Sa oras na mahanap ko sila, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay nila."

Kaixin smiled bitterly, "And that's the end of you, Mr. Rody Farillon."

Mas lalo pa nitong diniinan ang pagsakal nito sakaniya, humalakhak lang siya habang ginagawa 'yon sakaniya ng lalaking pinagtaksilan siya.

"Nakakatuwa ka, hindi mo ba talaga alam na kaisa mo na rin ako ngayon? Immortal na rin ako ngayon kagaya mo. Salamat sa dugo ng pagtataksil na ipinasa mo sa'kin noon."

Nanlaki ang mga mata nito nung ito ay kaniyang narinig. Mabilis niyang inialis ang mahigpit na pag-sakal kay kaixin.

"The end of you is near, my love. Gawin mo ang bagay na makakatapos sa sarili mong buhay at mga pangarap, hahayaan lang kita at papanoorin. Tignan natin kung sino ang magiging talunan sa huli. Hanggang sa muli." Bago umalis si kaixin ay inilapit niya muna ang mukha niya kay mr. farillon at dinilaan ang mukha nitong may umaagos ang dugo, "Your blood is flows on their blood too. You should be careful. The game can also be reversed." She added.

Laws of Betrayal (COMPLETED)Where stories live. Discover now