Chapter 12

841 38 5
                                    

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Borj kay Roni.Hindi man lang nagtetxt.Walang phonecall.Walang seen sa group chat nila. Hindi na siya magtataka.Marahil,masama ang loob nito sa kanya.Pero,tama bang magalit si Borj dahil hindi niya sinagot ang tanong nito.Tama bang hindi ito magpakita sa kanya.Tama bang hindi man lang ito magtext or tumawag sa kanya.Sabagay,sino din ba siya para maghanap sa binata.May karapatan ba siya kay Borj?Wala naman di ba?!

Lumipas ang mga araw,at halos tumagal na rin nang isang Linggo na hindi na nga nagpaparamdam si Borj.Maging ang iba  niyang kaibigan ay wala nang balita nang kahit  ano pa man sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang labis na kalungkutan at pag-aalala para sa binata.

"Guys,alam ninyo ba kung nasaan si Borj.May balita ba kayo sa kanya?" --tanong niya sa mga kaibigan,isang araw na nagtipon-tipon sila sa bahay nina Allan a.k.a.Mr.President.

Tahimik lang ang lahat at malungkot na umiling.Wala din pala ang mga itong balita kung nasaan at ano ang labis na pinagkakaabalahan ni Borj.

"Guys,tulungan ninyo naman ako please.Baka alam ninyo kung nasaan si Borj,sabihin ninyo naman sakin please" --halos nagmamakaawa na siya sa mga kaibigan.

"Roni,hindi namin alam kung nasaan si Borj.Baka naman busy lang talaga sa business.Ganun  naman talaga kapag businessman eh,walang oras talaga sa mga ganitong gimikan." --mahabang paliwanag ni Sam.

" Eh ikaw,Allan,bestfriend ka niya di ba!wala ba siyang nabanggit na kahit ano sayo?!"--halos nagmamakaawa na siya at nanlilimos ng impormasyon sa mga kaibigan.

"Bakit mo ba kasi hinahanap si Borj?" --takang tanong ni Allan.

"Basta guys,help me to find Borj naman oh.Kailangan ko lang siyang makausap.Kailangan ko lang sabihin 'yung totoong nararamdaman ko sa kanya.Kailangan niyang malaman ang feelings ko.Guys,please kailangan kong makausap si Borj,dahil kapag hindi ko 'to nasabi sa kanya baka mabaliw na ako----

"Eh di sabihin mo sakin ngayon para hindi ka mabaliw" --

Napatigagal si Roni .Napatigil siya sa pagsasalita .

Napalingon ang magkakaibigan sa may pintuan kung saan nakangiting nakatayo si Borj.Maliban sa kanya.Hindi niya magawang lumingon sa binata.Parang naramdaman niya na nag-iinit ang kanyang pisngi sa labis na pagkapahiya sa lahat.Naiinis kasi siya.Napakataklesa naman kasi niya sa oras na 'yun.Malay din naman ba niya na darating si Borj sa oras na hindi niya inaasahan.Narinig kayang lahat ni Borj ang mga sinabi niya???Yun ang pinangangambahan niya.Paano siya haharap ngayon kay Borj???Napakagat labi na siya sa labis na nararamdamang tensyon.

"Ehem..ehem guys,i think kailangan muna natin lumabas.Kasi,mukhang may kailangang pag-usapan sina Borj at Roni" --tila nanunudyo ang ngiting 'yun ni Sam.Gusto niyang pigilan ang mga kaibigan,pero paano niya gagawin 'yun.Hindi na nga siya makakilos at makapagsalita sa kinaroroonan niya.Hindi niya magawang lumingon sa lalaki.

Maya-maya ay naramdaman niyang tumahimik na nga sa loob ng silid na 'yun.Naramdaman niya ang paglapit ni Borj.Naamoy na naman niya ang pabango nitong kay sarap amoy-amuyin.

Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang umupo pa ang binata sa harapan niya.Inayos nito ang bagsak na buhok at saka nagsalita.

"Ano ba 'yung sasabihin mo skin,Roni?" --maya-maya nga ay ungkat nito.

Nanatili siyang tahimik at walang kibo.Hindi pa rin niya magawang tingnan ang lalaki.

"Roni,ano ba 'yun?" --muli ay tanong ng lalaki.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at naglakas loob na tingnan ang lalaki.

Hindi siya nagkamali.Napakagwapo  talaga ni Borj.Sa kahit anong sitwasyon ay gwapong-gwapo siya sa binata.

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now