Chapter 3

608 39 4
                                    

Mr.President: Tara guys,overnight swimming naman tayo.
---bungad na naman ni Allan ang kanilang classroom president nung highschool sa messenger.

"Game!" --mabilis na sagot nang ibang  members sa gc nila.

Hindi agad siya makasagot.Pinag-iisipan niyang mabuti na tama bang makipagkita siya sa mga dati niyang kaklase.Wala naman siyang trabahong maiipagmalaki.Wala siyang asawa at anak na maiipakilala.Wala siyang boyfriend na pwedeng ipagyabang.Natatakot siya na baka mamaya ma-out of place lang siya.Haiiii Roni,sasama ka ba o hindi???---bulong ng isip na naman niya.

Mr.President: oh,ikaw ba Miss @Ronalisa Salcedo,game ka din ba???
--mention na naman sa kanya ni Allan.

"Oo nga naman sis,sama ka na..pwede bang seen lang ng seen" --segunda na naman ni Sam.

" Ok sige,kelan ba 'yan?"
--wala nang nagawa si Roni kung hindi ang maki-ride.Bahala na lang.

KANINA pa siyang naghihintay sa lugar na napag-usapan nilang magkakaklase.Ni isa wala pa ring dumarating.Nag-aalala na siya kung may pupunta nga ba sa outing na napag-usapan nila sa group chat.Tahimik din ang cp niya.Walang nagme-message kung may "on the way na ba" o may  nagback-out na ba sa napag-usapang lakad nila.Naiinip na siya sa paghihintay.Maya-maya ay may tumigil na dyip sa harapan niya.Nagsibaba ang mga nakasakay doon at halos nananabik na  nagsigawan nang makita siya.

"Ronnniiiiiii" ---sabay sabay na wika ng mga ito.Halata ang labis na pananabik na makita siya.Isa-isa pa ang mga itong bumeso sa kanya at ang mga lalaki naman ay pasimpleng nakipagkamay at ngumiti sa kanya.

"What's up girl,kumusta ka na?" ---maluwang ang ngiting bati sa kanya ni Sam.Ang bestfriend niya noong highschool.Minsan ay nakakachat pa din naman niya ito pero wala na nga lang silang bonding dahil busy ito sa work na tulad niya ay single pa din.

"Ok lang ako." --at nahihiya siyang ngumiti sa  dating kaklase at mga kaibigan.Masaya din siya na muli niyang nakita at nakasama ang mga ito.

"Teka,tingnan ko lang ha kung kilala ko pa kayong lahat."--at inisa-isa niya ang pangalan ng dating kaklase.

" Ikaw si Mark,si Eric,si Jason,Siyempre si Sam,si Angel at si Michelle."---

" Wow,kilala pa  kami "--nakatawang saad ng mga kaklase niya.Nagpalakpakan pa ang mga ito at sinundan nang tawanan nang maisa-isa niya ang pangalan ng mga ito.

" Teka!asan na ba si Mr.President?"--tanong ng boys na kasama nila.

Kasalukuyan nga silang nagtatanungan at hinahanap si Mr.President nang maya-maya ay tumigil ang magarang pulang kotse sa harapan nila.

Nakangiting bumaba ng kotse ang naka sunglass pang lalaki.

"Mr.President,late ka na naman" --sabay-sabay na nagkatawanan sila sa birong iyon kay Allan.

Nakangiti at mayabang pang inalis nito ang suot na sunglass saka nagsalita.

"Sorry guys,i'm late.Heto kasing driver ng kotse ,ang bagal kumilos eh.Boss,,bumaba ka nga diyan"--sabay hampas pa nito sa  kotse.

Bumukas ang pintuan sa may driver seat.Bumaba ang may katangkarang lalaki,na may kalaguan ang buhok.

Lahat ay nakaantabay sa lalaki.Ubod- lakas nitong isinara ang pintuan ng sasakyan.Humarap sa kanilang magkakaklase ang lalaki at saka inalis ang sunglass at saka ubod-tamis na ngumiti sa kanilang lahat.

Lahat ay natigagal nang mamukhaan kung sino ang  lalaking bumaba ng magarang kotse.Halos iisa ang naging reaksiyon ng lahat.Namangha.At sabay-sabay nilang naisigaw ang pangalan ng lalaki.

"Boooooorrrrrj" ---sabay -sabay na wika ng lahat.

" Sorry guys,were late.Hindi naman sana ako aatend kasi medyo busy.Makulit lang talaga itong bestfriend ko. "--at tinapik nito sa balikat si Allan a. k. a. Mr. President.

" Teka bro, kotse mo na ba 'yan. Astig ah" --humahangang wika naman ni Eric sabay lapit pa sa sasakyan.

"Oo, pare.. Sinuswerte lang ng konti sa business."

Habang nag-uusap-usap ang mga boys.Tahimik naman na kinakabahan si Roni.Member ba si Borj sa Gc nila.Hindi na nga niya tsinek nun kasi hindi naman active ito.Wala siyang nababasang comment at reaction galing dito.Paano kung nakita ni Borj ang inilapag niyang picture na magkasama silang dalawa.Hindi ba nakakahiya.Napakagat-labi siya.Kinakabahan talaga siya ngayon at unti-unti nang  kinakain ng hiya ang dating lakas ng loob niya.

"Pare,bakit hindi man lang kita nakikitang nag cocomment sa gc."--takang tanong naman ni Jason.

Bahagyang kinamot pa ni Borj ang pisngi bago sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Tsk.Pasensiya na talaga kayo guys ha,sobrang busy ko lang talaga.Pero kapag may free time naman ako,binabasa ko naman 'yung napapag-usapan ninyo dun eh."--sabay ayos pa nito sa buhok.

Hindi alam ni Roni kung ano ang magiging reaksiyon sa narinig.Pero,ang sinisigurado niya ay nahihiya siya sa lalaki.Kamakailan lamang ay naglapagan sila ng picture ng mga "crush"nila nung highschool .Akala niya noon,ok lang sa kanya.At game siya.Pero bakit ngayon,ganito ang pakiramdam niya kinakabahan siya na hindi niya maintindihan.

"Ibig bang sabihin Borj,lahat ng topic sa gc alam mo" --narinig niyang muling paglilinaw ni Sam kay Borj.

"Oo naman" --narinig niyang sagot nito.

"Ibig sabihin, pati yung topic  about sa mga teachers natin nung highschool alam mo din."--Sabat naman ni Angel.

"Oo nga" --matipid pa ring sagot ni Borj.

"Eh di pati yung lapagan ng crush alam mo din" --nakangiting wika naman ni Allan na noon ay makahulugang nakatingin kay Roni.

Naiiling ngunit nakangiting tumingin sa wristwatch si Borj at saka muling nagsalita.

"Lahat nga di ba!Ano,mabuti pa guys tara na."--nakangiting aya nito sa lahat.

" Let's go!"--sabay sabay na wika ng lahat maliban kay Roni.

Nagsimula nang maghakot ng mga gamit ang kasamahan niya samantalang siya ay napatda sa kanyang pwesto.Kinakabahan lang ba siya talaga o hindi lang talaga niya ine-expect na makikita niya si Borj ngayon.

At talagang nagulat siya na muling makita si "crush".Sobrang gwapo nito ngayon. Grabe!!!

"Uy mars, hindi ka na kumibo diyan. Tara na!" --naramdaman niya ang  marahang tapik sa kanya ni Sam, na nagpabalik sa kamalayan niya.

"Mars, nandiyan lang si Borj, natameme ka na" --narinig pa niya ang mahinang tudyo ni Sam.

Agad na nga siyang tumayo at naghakot na rin ng mga gamit.Kailangang walang makahalata o di-dapat mahalata ng sinuman na apektado siya sa muling pagkikita nila ni Borj.

Kailangang walang makahalata o di-dapat mahalata ng sinuman na apektado siya sa muling pagkikita nila ni Borj

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit kasi ang gwapo mo?Paano pa kami makakamove-on sayo?🤪" --me💖

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now