Chapter 9

450 33 4
                                    

Madaling -araw na natapos ang sayawang 'yun.Sobra ang saya na naglalaro sa puso ni Roni dahil sa kilig sa pagkapanalo nila ni Borj.Pagdating naman sa bahay,ay nagkainuman ang mga kalalakihan sa halip na magsitulog.

"Walang tulugan" ---masayang anunsiyo ni Allan habang nakangiting nagsasalin ng beer sa may pitsel.

"Game kami diyan" ---nakangiting tugon naman nina Angel at Sam.Nanatiling tahimik lang sina Roni at si Michelle sa isang tabi.Tahimik lang silang nagmamasid sa nag-iinuman at nakikinig sa usapan ng mga ito.Kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Borj na nakaupo sa may -di kalayuan sa kinaroroonan nila.

Minsan ay manaka-naka niyang sinusulyapan ang binata.Napakagwapo talaga ni Borj.Bahagya na ring namumula ang pisngi nito dahil marahil sa tumatalab na epekto ng alak sa katawan.

Nagsisimula nang magsitilaok ang mga manok sa paligid.Senyales na nag-uumaga na.Subalit,mukhang wala ngang balak magsitulog ang tropa niya.Kahit nakakaramdam na siya ng antok,pinipigilan niya ang sarili.Kailangang mapaglabanan niya ang antok at pagod para ma-enjoy pa rin ang sandali na kasama niya si Borj.

Sila na lang ni Michelle ang magkasama sa isang sulok dahil gaya niya hindi din ito umiinom.Maya-maya ay nakita niyang tumayo ang makulit na si Eric at may dala itong baso na may lamang beer.Lumapit ito sa kanila ni Michelle at umupo sa gitna nila.

"Hi Mitch,tagay ka muna sis" --at iniabot nito ang dalang baso na may lamang beer.

"Sorry,Eric ha,hindi naman kasi ako umiinom" --narinig niyang tanggi ni Michelle.

Maya-maya naman ay sa kanya bumaling ang lalaki nang tumanggi si Michelle.

"Roni oh,pagbigyan mo na ako,1shot lang para happy naman tayo"--at iniabot nito ang dalang baso.

" Hindi rin ako umiinom Eric eh"--wika niya dito.Makulit na si Eric saka madaldal.Sumasanib na ang ispiritu ng alak kaya nagtatransform na ito sa kakaibang kaanyuan.

"Roni naman,hihiyain mo pa ba naman ako.Sige na isa lang" --pamimilit na muli ni Eric sa kanya.

Mariin siyang umiling at todo tanggi talaga siya sa kaibigan,dahil hindi naman talaga siya umiinom.Nang makulitan na siya ay tumayo na siya para lumayo sa lalaki,ngunit pinigilan pa rin siya nito sa may braso.

"Sige na Roni,pagbigyan mo na naman ako oh,kapag natikman mo 'to tiyak hahanap-hanapin mo ako" --nakangiti pa rin si Eric habang nakakainsultong nakabungisngis sa kanya.

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Eric.Nakaramdam siya ng pagkairita.Para kasing nababastos na siya ng lalaki.

"Eric,bitiwan mo nga ako.Hindi nga ako umiinom di ba!Kayo na lang kung gusto ninyo" --mataray na salita na niya sa lalaki.

"Roni isa lang naman eh--" muling pangungulit ng lalaki sa kanya.

"Pare,narinig mo naman di ba.Hindi umiinom si Roni.Kanina pa siya tumatanggi,kaya kung ok lang, huwag mo na silang kulitin pare"--mariin at seryosong wika ni Borj na tumayo din mula sa kinauupuang pwesto nito.

Nakaramdam ng tensyon si Roni.Feeling kasi niya mainit na ang dugo at ulo ni Borj.Tapos si Eric naman,lasing na rin.Baka hindi magkatantiyahan ang dalawa ay biglang magkagulo.

Maya-maya nga ay nakita niyang naiinis na tumayo na rin si Eric at humarap kay Borj.

"Alam mo ikaw pare, hindi ko alam ang problema mo.Nagka tsekot ka lang naman,yumabang ka na" --mataas ding wika ni Eric na bahagyang lumapit kay Borj.Mabilis namang pumagitna ang mga kalalakihan sa dalawa upang umawat sa namamagitang tensyon sa dalawa.

"Pare,tama na 'yan.Bukas na lang kayo mag-usap kapag malamig na" --sabay alakbay ni Allan kay Eric.

"Eh,eto kasing kaibigan mo eh.Nakakalaki na.Akala mo lagi kung sino.May gusto ba 'yan kay Roni?Lagi na lang nakabakod eh.Lagi na lang epal.Sisiguraduhin ko sayo 'tol,ako ang gugustuhin ni Roni at hindi ikaw" --hirit pa ni Eric na titig na titig kay Borj habang halatang iritado ang boses.

Hindi na nga nakatiis si Borj.Nagdilim na ang mukha nito at mabilis na naundayan ng isang suntok si Eric.Nakapiglas ito sa mga umaawat na lalaki at napahagingan ng isa si Eric sa may panga.

Nagtilian silang mga babae.Mabilis na muling umawat ang mga kalalakihan.

"Guys ipasok ninyo muna sa loob si Eric please" --naiiyak na utos ni Angel dahil marahil sa tensyon.Agad namang ipinasok nina Mike at Jason si Eric sa loob ng bahay.

" Borj,ano ka ba bakit mo sinuntok si Eric?"--tila napataas ang tono ng boses niya sa tanong na 'yun.Hawak naman ni Allan ang nagpupuyos na binata.

Seryosong tumingin si Borj sa kanya.Madilim pa rin ang mukha nito at nagtatagis pa rin ang bagang sa sobrang galit.

"Roni,binabastos ka na eh" --sagot nito.na halatang pilit pinakakalma ang boses.

"Eh,bakit mo nga siya sinuntok?Borj hindi naman tama 'yun?" --naiiritang wika ni Roni.

"So,ako pa ang mali ngayon Roni,ganun ba" --halata na naman ang irita sa boses nito.

"Gago ka kasi" --wala sa sarili na nabigkas niya ang salitang 'yun.Lalo niyang nakita na nagdilim ang mukha ni Borj.Inayos ang buhok at saka humarap sa kanya.

"Oo nga Roni.Gago ako.Pero tandaan mo.Ang gagong 'to ang nagmamahal sayo ng sobra.Mahal kita Roni.Pero hindi naman ako umaasang mamahalin mo rin ako ,kasi gago nga ako di ba!"--'yun lang ang winika ni Borj at ibinaba na nito ang beer na hawak at saka tumalikod na sa kanilang lahat.Walang salita itong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon palayo sa lugar nila.

Naiwang nakamaang silang lahat.Lalo na si Roni.Hindi niya nagawang pigilang umalis si Borj dahil sa labis na pagkagulat sa sinabi nito.Mahal nga ba siya ng lalaki?Seryoso ba ito sa sinabi niya.Hindi siya makapaniwala.Nanlalambot siyang napaupo.

"Ang haba ng hair mo girl" --naiiling na tudyo ni Sam.

"Guys si Borj!" --punong-puno ng pag-aalala ang tinig niya.Madaling araw pa lang kasi.Mag-aalas kuwatro pa lang ng umaga.May tagay pa si Borj kaya't labis siyang nag-aalala para dito.Hindi nito kabisado ang lugar .Bukod dun,pagod at puyat na rin ang lalaki.

Tahimik siyang nagdarasal na sana naman ay maging ligtas si Borj saan man ito patungo sa oras na iyon.Labis na nag-aala ang kanyang puso para sa binata.

Mahal na din ba niya ang lalaki???

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now