Chapter 4

508 37 1
                                    

Sa halip na mag-eenjoy si Roni sa overnight swimming nila mukhang hindi.Its a big "NO".Kasi,naiilang talaga siya.Ni hindi nga niyang magawang kumain ng maayos dahil nahihiya talaga siya kay Borj.Ni hindi rin niya magawang maki-ride sa usapan dahil naiilang siya.Para lang hindi obvious at para hindi siya ma out of place,nakikipag-usap na lang siya sa mga girls.

Hindi rin niya magawang pasadahan man lang ng tingin si Borj baka mamaya mahuli pa siya nitong nakatingin eh di ba mas lalong nakakahiya.

" Teka muna Borj,ano nga pala 'yung sinasabi mong business mo,pare?"--tanong naman ni Mark.

" Ah..May restaurant kami pare.Ako ang nagma-manage.One time guys,pumasyal kayo dun"--mahabang paliwanag ni Borj habang ang isang kamay ay may hawak na bote ng beer.

"Hindi ka na ba aalis pare?" --tanong naman muli ni Jason.

" Mukhang hindi na."--sabay hugot nito ng buntong-hininga.

" Mukhang,mawiwili na akong mag-stay dito satin.Kaya dito na lang ako" --seryosong sagot nito.

"Wow,mukhang magpapayaman ka pang lalo ah,baka hindi ka na namin ma reach" --sabay biro na naman ni Allan.

"Teka nga guys,napapansin ko,ako na lang lagi ang napapag-usapan dito.Wala naman bang iba?" ---at saka ito naiiling na tumawa.

"Eh sinong gusto mong pag-usapan natin,etong si Roniiiiii"--mabilis na sambot na naman ni Allan.

Nagulat siya sa sinabi ni Allan.Hindi niya akalain na siya ang tutukuyin nito.Nakaramdam siya ng matinding pagkapahiya.Pakiramdam niya nag-init ang mukha niya.Una, nahihiya siya kasi ano bang interesado sa buhay niya ang pwede niyang ikwento.Wala naman.Walang siyang trabaho,wala siyang asawa at anak,wala siyang boyfriend.Anong ikukuwento niya.

At ikalawa,nahihiya siya dahil nakita niya at nahuli ng mga mata niya na nakatingin sa kanya si Borj.Feeling tuloy niya nakaka conscious.Sus,kanina pa siyang wala man lang lagay na powder at lipstick.Ano na kayang hitsura niya ngayon???Hindi ba nakakahiya naman kay Borj kung oily na ang mukha niya.

OMG Roni,mag-ayos ka nga muna baka isipin ni Borj may lima ka nang anak.--tudyo ng utak niya.Kaya naisipan niya munang tumayo at pumunta pansamantala sa ladies room.

"Excuse me lang ha,punta lang ako sa ladies room" --at tumayo na nga siya at tahimik na naglakad patungo doon.

Tinitigan niya ang sarili sa harap ng salamin.Maganda naman siya.Kaya lang,hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla siyang nakakaramdam ng pagkailang .Dahil ba kay Borj.Pero hindi na siya dapat mag paapekto dahil matagal na niyang "crush" si Borj.Nawala na 'yung feeling na 'yun dahil ilang taon na ang mabilis na lumipas.Nagboyfriend na nga siya di ba!At sa gwapong 'yun ni Borj,hindi imposible na pamilyadong tao na ito.Malamang napakaganda at napakaseksi ng asawa ni Borj.Pati siguro ang mga anak nito,malamang gwapo at maganda din.Kasi,si Borj 'yung tipo ng lalaking makakasungkit ng babaeng sopistikada,o kaya nabibilang sa alta-sociedad.

Kasalukuyang tumatakbo ang isip ni Roni nang magulat siya dahil biglang bumukas ang pintuan ng ladies room.Nakita niya sina Sam,Angel at Michelle.

"Oh, Roni,tara swimming na tayo,magpalit ka na ng swimsuit" --masigla at halatang excited pang yakag sa kanya ni Sam.

"Ha.." --tila nagulat siya.

"Look Roni oh,tingnan mo ang swimsuit ko,alin kaya sa palagay mo ang mas bagay sakin"---tila kinikilig pang pagmamalaki ni Sam.

Inihanay nito sa kanyang harapan ang tatlong magagandang swimsuit na pwedeng pagpilian.

" Sus,heto talagang si Sam,pinaghandaan ang pagkikita nila ni Mr.President"--narining niyang biro ni Michelle na nagpapalit na din ng damit panligo.

" Sam,magaganda naman lahat,kahit alin diyan ang isuot mo,sure ako bagay sayo"--walang ganang sagot niya dito.

" Ok sige Mars,sinabi mo eh.Sige magpalit ka na din at ng makaligo na tayo"--tulak sa kanya ni Sam.Wala siyang nagawa kundi ang magbihis na din ng damit panligo.Halos hindi mapakali ang tatlong babaeng kasama niya sa mga suot ng mga ito.Kanya-kanyang tanungan kung maganda ba at bagay ba sa kanila ang suot nila.Maya-maya,hindi na rin nakatiis si Roni at lumabas na din siya. Laking gulat nang mga ito nang makita siya.Halos manlaki ang mata ng mga ito dahil sa sobrang gulat sa suot niya.

"Roni,ano ba naman 'yang suot mo?" --gigil na tanong ni Sam.

"B-bakit,ano bang masama sa suot ko?" --kunot noong tanong niya.

"Hello,magswi-swimming tayo Roni,hindi tayo magjo-jogging sa kalsada.Pwede ba hubadin mo yang t-shirt at shorts mo"--seryosong wika pa ni Sam sa kanya.Tiningnan din niya sina Angel at Michelle at tila sumasang-ayon ang mga ito na hubadin ang suot niya.

"Sorry ha,wala naman kasi akong ibang damit na dala eh.Isa pa,hindi naman ako sanay magsuot nang mga ganyang damit" --at tiningnan nito ang suot na damit ng tatlong kaibigan.

Ngumiti si Sam.Tila.nakaisip ito nang magandang ideya.Maya-maya ay tiningnan ang dalawa pang swimsuit na natitira sa dala niya.

"Heto Mars,for sure bagay 'to sayo" --at inilapag ni Sam sa harapan niya ang maliit na piraso ng tela na tanging private parts lang niya ang makakaya nitong takpan.

Naiiling na ngumiti si Roni.

"Sorry pero hindi ko kayang isuot 'yan'--tanggi niya sa tatlong kaibigan.

" Roni naman.Matured na tayo.Saka tropa tayong lahat dito.Walang ilangan.Magtiwala ka sakin Mars bagay sayo iyan.Ang seksi mo kaya?"--seryosong saad na naman ni Sam.

" Hindi nga kasi ako sanay eh.Nakakahiya baka pagtawanan lang ako ng boys"--naiilang na sagot niya sa mga kaibigan.

" Sasampalin namin ang tatawa sayo Mars.Sige na,magpalit ka na.Sige na,isuot mo na 'yan.'--sabay tulak na talaga sa kanya ni Sam para makapaglit na.

Ilang sandali pa nga ay lumabas na si Roni,suot ang seksing swimsuit na ipinahiram ni Sam sa kanya.

Halos hindi makapaniwala ang mga ito dahil bagay na bagay kay Roni ang swimsuit.

"Grabe Mars ang seksi-seksi mo,you're so hot.Kung ganyan ba naman eh di magkakajowa ka" --at sinabayan pa ni Sam nang malutong na tawa ang biro nito kay Roni.

"Sure ba kayo,bagay ba talaga sakin.Hindi ba nakakahiya?Pwede naman akong mag-tsirt na lng" --nauutal na wika na naman niya.

" Go girl,hindi nakakahiya.Thumbs-up ako Roni.Superduper bagay sayo.Ang seksi mo kaya"--wika ni Angel na nagthumbs-up pa talaga sa kanya.

"Second the motion" --nakangiting tugon naman ni Michelle.

"Let's go!" ---at sama -sama na nga silang lumabas ng ladies room.

Wala ng nagawa si Roni.Dahil sa ilang beses na pagkakataon nagawa na naman niyang makisakay sa trip ng kanyang mga kaibigan.Kahit nahihiya at naiilang siya sa suot na swimsuit,ipagdarasal na lang niya na sana walang pumuna o mang-okray sa kanya.Dahil kahit naman,hindi siya seryoso sa maraming bagay,pagdating naman sa usaping pansarili ay napakawhole some naman niya.

Palapit sila ng palapit sa cottage kung nasaan ang boys,patindi naman ng patindi ang nararamdamang kaba niya.Hindi niya alam kung makakaabot pa ba sa paglalakad hanggang cottage ang tuhod niya dahil pakiramdam talaga niya,nanlalambot na ang tuhod niya dahil sa tindi ng kaba.

"Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Borj kapag nakita siya?"
--nagawa pa rin niyang isipin ang tanong na 'yun kahit nasa kalagitnaan siya matinding pangamba at pag-aalala.

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now