Chapter 7

484 33 2
                                    

"Guys..Pasyal naman tayo sa bahay ng mga tita ko.Fiesta sa Saturday"--aya ni Angel sa group chat nila.

" Masaya dun,promise!"--dugtong pa nito.

Nakita niyang nag-seen at nag thumbs up react ang mga kasamahan niya.Hindi na naman siya makapagdecide kung ano ang gagawin.

"Oh,Roni,pwede bang seen na lang" --sunod na message na naman ni Angel.

Una niyang naisip,ang hirap na namang umalis ng bahay.Ang hirap na namang magpaalam kay Mama niya.Haiiist,naiiling siyang muling binuksan ang messenger niya at magtatype na sana siya para mag sorry dahil hindi siya makakasama.Pero nakita niya ang isang message dun,at nakamention na naman siya.Pero hindi galing kay Mr.President o kay Angel ang message.Kundi galing kay Borj.

"Sasama ka ba @Roni???" --message ni Borj.Bumilis na naman ang tibok ng puso niya.Sa kauna-unahang pagkakataon,nagmessage si Borj sa gc nila at nakamention pa siya.

My God,bulong niya sa sarili.Kinikilig talaga siya.Ano bang gustong ipahiwatig ni Borj.Ano naman sa lalaki kung sasama ba siya o hindi.Ups,nalumbay na naman ang puso niya.May girlfriend na nga pala si Borj.Ano pang aasahan niya sa lalaki.

"@Roni sasama ako, kung sasama ka.Sasama ka nga ba?"--muling mention na naman nj Borj  sa kanya.

Pikit mata siyang nag thumbs-up sa message na yun ni Borj.Bahala na.Basta nag-ok siya.Hihingi na lang ulit siya ng tulong sa papa niya kung paano ba siya makakapagpaalam sa kanyang mama na hindi siya mapapagalitan.

"Ok @Roni,see you💞"

Yun na ang huling message na nabasa niya galing kay Borj. Wala na ulit.Seen na lang ng seen ang lalaki kapag may time ito.

Napaisip siya.Pwede naman siguro siyang i private message na lang,bakit kailangang sa gc pa itanong ni Borj kung sasama ba siya o hindi.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.Kinikilig siya pero hindi naman niya maiwasan ang malungkot sa tuwing maiisip na may girlfriend na ang lalaki.

NAKARATING sila sa bahay ng tiyahin ni Angel.Mukhang tahimik subalit masaya naman sa probinsiya ng mga ito.Pumasok sila sa malaking bahay.Malinis at maayos ang mga kagamitan.Langhap na langhap ang sariwang hanging-probinsya.Iba talaga kapag nasa probinsiya ka.Malamig.Nakakarelax ng utak.Saglit na mawawala ang anumang alalahanin mo sa buhay.

"Salamat sa inyo at nakarating kayo dito sa lugar namin.Mabuti pa,kumain na kayo.Mamayang-gabi may sayawan.Pasasamahan ko kayo sa mga pinsan ni Angel para makapag-enjoy kayo"--nakangiting wika ni Tita Hilda.Ang tita ni Angel.Kahit may edad na ang babae,halata pa rin ang taglay na kagandahan nito.Palagi kasing nakangiti at napakalumanay magsalita.Parang hindi na stress sa buhay.

"Ok guys,tara,kain tayo!" --aya ni Angel at sabay-sabay na ngang dumulog ang magkakaibigan sa hapag-kainan.

Sumapit na nga ang gabi.Nagkayayaan na ang magkakaibigan para dumalo sa sayawan.Sabik na sabik silang makita ang sinasabing sayawan sa probinsiya.Malawak ang sayawang pagdadausan.Nababakudan pa ito ng kawad upang makontrol ang mga taong papasok.Sa loob ng bulwagan ay may ilang naggagandahang mga dalaga ang nakaupo.

"Girls.Tara na sa loob,dito lang muna kayo boys.Pag nag-start na 'yung music,saka pa lang kayo pwedeng pumasok sa loob para isayaw 'yung type ninyong girl.Ok" --at mabilis na silang nahila ni Angel papasok sa loob ng sayawan.Kinakabahan siyang umupo sa isang plastik na silya.Iniisip niya,paano kung may makipagsayaw sa kanya pero ayaw naman niyang makasayaw 'yung lalaki.Kinakabahan siya sa isiping 'yun.Baka magkagulo o kaya may mangyaring hindi maganda.Napakagat labi na lang siya.

"Ahm..Angel,pwede bang sa labas na lang ako.Wala din naman ako sa mood sumayaw eh" --maya-maya ay nasabi niya sa kaibigan.

"Roni naman,katuwaan lang 'to.Minsan mag -enjoy ka din.Marunong ka namang sumayaw di ba!Tanggalin mo yang mga negative sa utak mo.Just enjoy the night"--sagot sa kanya ni Angel.

" Oo nga Roni,malay natin,dito mo matagpuan si "Mr.Right"--segunda naman ni Sam.Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga.Sumulyap siya sa tumpok ng mga kalalakihan kung saan nila iniwan ang mga tropang lalaki.Nandun si Allan,si Mike,si Eic at si Jason.Pero nasaan si Borj?

Nagkandahaba na ang leeg niya sa paghahanap kay Borj Pero hindi talaga niya ito makita.Hanggang sa nagsimula na ngang tumugtog ang raggae music,at nagpatay-sindi na nga ang mga disco lights.Tumindi ang kaba niya nang makita niyang nagsisimula nang magpasukan sa loob ng sayawan ang mga lalaki.Maya-maya nga ay nasa harapan na niya si Eric.Nakangiti ito sa kanya at maginoong inilahad ang mga kamay sa kanya.Nangangahulugan na magsasayaw sila.Nahihiya pa siyang sumama sa binata.Tumingin siya sa paligid,mas nakakahiya naman pala kung maiiwan lang siya sa upuan dahil walang lalaking gustong makipagsayaw sa kanya.Napangiti na rin lang siya at malugod na tinanggap ang kamay ng binata.Sa gitna nang malikot na tugtog,inaliw ni Roni ang sarili.Isa sa talent niya ay ang pagsayaw.Hindi lingid yun sa mga kaklase at kaibigan niya.Dancer din si Eric nung highschool.Natatandaan niya.Kaya naman,nung humataw na si Eric sa dancefloor,nakipagsabayan na din siya.Pakiwari ni Roni ay nakalaya siya noong gabing iyon.Tuwang-tuwa ang mga nanonood sa kanila.Maliban na lamang kay Borj na tahimik at palihim na nakamasid sa kanila.Dahil,mahusay si Eric sumayaw,na-enjoy na din niya ang makipagsayaw dito.Nakailang tugtog sila at tila nakaramdam na rin siya ng pagod.

"Eric,tara upo muna tayo.Pagod na ako eh" --aya ni Roni sa binata.

"Ah ok sige.Pahinga ka muna Roni.Thank you" --magalang na paalam pa nito sa kanya.Kaya nagtataka siya kung bakit,masama ang tingin ni Borj dito samantalang mabait naman ito sa kanya.Maya-maya ay lumapit naman si Jason sa kanya para makipagsayaw.Gustuhin man niyang tanggihan ang lalaki,hindi na rin niya nagawa dahil tropa naman niya ito.

"Baka magalit ang asawa mo ha?!" -nakatawang biro pa niya dito.

"Hindi na niya malalaman 'to" --nakangiting sagot naman ni Jason.Simple lang naman sumayaw si Jason kaya simple lang din ang galawan niya.Isa pa,pagod pa rin siya.Habang sumasayaw,hinahanap ng kanyang paningin si Borj.Hindi niya talaga ito makita.Ayaw ba ni Borj,makipagsayaw sa kahit sinong babae?Kahit man lang ba sa kanya?Baka naman ang business pa rin nito ang inaatupag o kaya naman eh,kausap ang girlfriend sa fon hindi sila magkaintindihan dahil maingay kaya lumayo muna.Haiiist,hindi niya ma-enjoy ang pagsayaw kasama si Jason dahil si Borj ang iniisip at inaaalala niya.Gusto na lamang niyang mainis.Kala pa naman niya,makakasayaw niya si Borj sa buong magdamag.Ang hirap talagang mag-expect.Nakakasakit.

Maya-maya ay niyaya na rin niya si Jason para magpahinga.Nakakailang tugtog na pero wala pa ring Borj ang nagpapakita sa kanya.

Maya-maya ay huminto ang malikot na tugtog.Napalitan ito ng lovesong.Ang spotlight na kanina ay nakakahilo dahil sa sobrang likot,ngayon ay naging marahan at umaakma sa tugtog.Kinakabahan siya.Heto ang iniiwasan niya eh.'Yung makipag sweet.Tumungo na lang siya at nanalangin na sana matinong lalaki naman ang makipagsayaw sa kanya sa tugtog na iyon.Maya-maya ay naramdaman niya na may isang lalaki na nga sa harapan niya.Maginoong naglahad ng kamay at saka nagsalita.

"May i dance with you,Roni" --dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.Kilala siya ng lalaki.At gusto niyang magtatalon sa tuwa nang mapagsino ang lalaking nasa harapan niya.

"Borj" --at nahihiya siyang ngumiti sa lalaki.Pero kahit naiilang,tinanggap niya ang kamay nito at nakangiting sumama sa lalaki sa gitna ng bulwagan .Gusto na niyang mawalan ng malay nang hapitin siya nito sa bewang.Ang init ng katawan ni Borj.Ramdam niya dahil magkalapit na magkalapit ang katawan nila.Gusto na sana niyang yapusin ang lalaki,kaya lang siyempre,nagpipigil siya.

"Be a good girl Roni.Huwag kang marupok" --bulong ng utak niya.At ninamnam niya ang sandali na magkasayaw sila ni Borj.

Hello mga Sissy🤗Dont forget to leave your comments and hit the 🌟Enjoy Reading😚#Proud StefCam fan💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now