Chapter 8

494 38 5
                                    

Halos malula si Roni sa nararamdamang kilig sa sandaling iyon.Magkasayaw sila ni Borj at halos magkadikit ang mga katawan nila.Amoy niya ang bango ni Borj.Damang-damang niya ang lakas ng kaba sa kanyang dibdib.Marahil ay kung gaano kalakas  ang dagundong ng tugtugin sa bulwagang yun,ganundin ang dagundong ng dibdib ni Roni.Sobrang lakas.Sobrang kaba.Sinulyapan niya ang binata.Mukhang wala ito sa mood magsalita.Subalit,mukhang nag-eenjoy naman itong kasayaw siya.Kahit nag-aalinlangan ay sinubukan niyang kausapin ang lalaki.

"May iniisip ka ba?"--tanong niya dito na bahagya niyang nilakasan ang tinig upang marinig ng lalaki ang sinasabi niya.

"Wala na kami Roni" --maikling sagot nito .Bahagya pa nitong inilapit ang bibig sa punong tenga niya upang masigurong maririnig niya ang sasabihin ng lalaki.

"Huh!S-sorry ha!" --hinging paumanhin niya na inilapit na din niya ang bibig malapit sa tenga ng lalaki upang mas madali silang magkaintindihan.

"Ok lang 'yun.Matagal na kaming may problema Roni.Matagal na niyang gustong makipag split sakin.Ayokong pumayag,kasi umaasa ako na isang araw,pipiliin niya ako over her career.Pero nagkamali ako.Kaya nag-usap na rin kami.Pinakawalan ko na siya.Malungkot.Masakit.Pero,siyempre,nagdadasal ako na isang araw,matatagpuan ko 'yung isang babae na mas deserving sa pagmamahal ko"---seryosong wika ni Borj.

Hindi mapigil ni Roni ang lihim na ngiti ng puso.Malaya na pala si Borj.

"Borj,paano kaya kung ako ang babaeng deserving sa pagmamahal mo" --bulong ng utak niya.

Lihim siyang kinikilig sa kapilyuhan ng utak niya.Pero pinigilan niyang ipahalata sa lalaki ang nararamdaman.Kumaswal na lang siya at saka muling nagsalita.

"Hayaan mo na Borj.Isang araw darating din 'yung right girl for you" --wika na lang niya dito.

"'Di ba sinabi mo sakin ,na baka busy lang sa career 'yung  lalaking para sa akin,malay mo sayo din pala."--at ngumiti siya dito.

" Hihintayin ko na lang dumating si Mr. Right ko."--nakangiting wika niya na tumitig pa sa gwapong mukha ni Borj.

"Roni,paano pala kung ako si Mr. Right?" --nagulat siya sa winikang 'yun ni Borj.Muli siyang sumulyap sa lalaki.Nakita niya na seryoso ito.Ngumiti na lang siya dito.Hindi na siya nagbigay ng anumang komento.Naramdaman na lang niya na muli siyang hinapit ni Borj sa bewang habang nagsasayaw.Mas naging malapit sila sa isa't-isa.Mas lumalakas ang dagundong ng dibdib ni Roni.Mas tumataas ang level ng kilig.Mas nararamdaman niya ang kakomportablehan sa mga bisig ni Borj na kumukulong sa kanya habang nagsasayaw.Nakailang tugtog na nang sweet and romantic music pero hindi pa siya niyayaya ni Borj maupo at magpahinga.Hindi naman nakakapagod ang sweet dance kaya inenjoy na lang din niya.Nakakakilig kaya paano niya magagawang maupo at magpahinga???

Haiiiii ...Ang sarap kasayaw ni Borj.Para kang nakalutang..Haiii sana hindi na lang mag-umaga para kasama ko si Borj sa buong magdamag.-bulong niya aa sarili.

Nasa kasarapan ng paglipad ang imahinasyon ni Roni nang biglang lumiwanag ang bulwagan.Bumukas lahat ng ilaw at ang ibang sumasayaw ay nagkanya-kanya na ng upuan.

Hindi natinag si Borj.Nanatili itong nasa gitna.Pero,siya.siyempre,nahihiya na siya dahil nakatingin na sa kanila ang mga tao kaya niyaya na rin niyang maupo si Borj.Maya-maya ay dalawang bakla ang masiglang nagsalita at pumagitna sa bulwagan.

"Hello,ladies ang gentleman,and now,we are glad to announce the winners for tonight's event.
Let's start with the Special Award...

Sari-sari na ang nga awards na binanggit ng mga baklang host sa gabing 'yun.Pero hindi naman mahalaga kay Roni 'yun.Nakikipalakpak lang siya kung may tinatawag at nakikitili kung may tumitili.Busy lang siya sa palihim na pagsulyap kay Borj.Nakakatuwa kasing nakawan ng sulyap ang napakagwapong mukha nito.Si Borj ang ultimate crush niya noong highschool pa lang siya at hanggang  ngayon pa ba naman eh buhay pa rin 'yung kilig sa puso niya.

Napukaw lamang ang pagmumuni-muni niya nang muling magsalita ang mga bakla.
Now,let's proceed to the major awards.Our "Best  Male Dancer of the Night" is no other than,Mr. Eric de los Santos.
Malakas na tilian nang ilang baklang naroroon ang pumaimbabaw nang tawagin si Eric.Nakangiti itong pumunta sa gitna ng bulwagan upang tanggapin ang munting regalo na iniaabot sa mga nagwawagi.
"Wait lang pogi.Tatawagin natin 'yung kapartner mo." --pigil ng baklang host nung makitang babalik na muli si Eric sa pwesto nito.

"Siyempre,kung may best male dancer tayo,of course,we also have," Best Female Dancer of the Night" and she is no other than,Miss Roni Salcedo" --umugong ang palakpakan sa paligid niya.

Napangiti siya nang marinig ang kanyang pangalan. Sumulyap siya kay Borj sa pag-aakalang masaya ito dahil nanalo siya.Pero kabaligtaran pala 'yun sa inakala niya.Madilim at seryoso ang mukha ni Borj.Hindi na lang niya pinansin ang anyong iyon ni Borj.Malamang na malungkot lamang ito sa pinagdadaanang break-up kaya hindi nito magawang magdiwang at magsaya ngayong gabi.

Nakangiti siyang  nagtungo sa gitna ng bulwagan at lumapit sa nagbibigay ng papremyo.Maya-maya ay muli silang pinigilan ng bakla nang magtangka silang babalik na sa pwesto.

"Wait lang po.May special request lang po sa ating winners para sa Best Dancers.Show down daw po."---malakas na tili at halatang nanabik na wika ng mga bakla.

Nagkatinginan sila ni Eric.Ngumiti ito sa kanya na nangangahulugan na game ito sa request ng mga bading.Nagkibit balikat naman siya na ang ibig sabihin ay willing din siyang paunlakan ang request ng mga ito.

"Ok mukhang ready na ang ating mga dancers.Dahil diyan,music please!" --at natuon lahat ang mata ng mga nanonood sa gabing 'yun sa kanilang dalawa ni Eric.Humataw na nga si Eric sa pagsayaw at nakipagsabayan na din siya.Kailangan din naman niyang panindigan ang award na natanggap niya.Parang namiss din nga niya ang pagsayaw.Ang tagal na ring panahon na hindi niya nagagawa ang mga ganitong bagay.Kaya napakasaya niya sa gabing 'yun dahil naenjoy niya talaga lalo ang sandaling kasayaw niya si Borj.

Pagod subalit masaya ang naramdaman ni Roni matapos ang dance showdown nila ni Eric.Inihatid pa siyan ng binata sa silyang kinauupuan niya.Nakaramdaman siya ng sobrang init ng katawan dahil sa pagod at pawis ng katawan dahil sa pagsasayaw.Hinanap niya ang kanyang panyo para ipamunas sa ilang butil ng kanyang pawis subalit hindi niya ito makita.Hindi niya alam kung saan na napalagay ang panyo niyang dala.Lumingon-lingon siya sa paligid at tiningnan baka nahuhulog lang.Maya-maya ay narinig niyang nagsalita si Borj mula sa kanyang likuran..

"Roni,heto ang panyo,huwag kang magpapatuyo ng pawis sa katawan"--seryosong wika ni Borj.Ni hindi man lang ito ngumiti sa sinuman sa kanila.Pero,na appreciate niya ang ginawa ng lalaki.Tinanggap niya ang panyo ng binata at ipinunas sa basa niyang katawan.

" Sana all,binibigyan ng panyo"--narinig niyang tudyo ni Sam.Lihim siyang napangiti.Kinikilig na talaga ang puso niya.

Muli niyang nilingon si Borj.Pero hindi talaga niya maintindihan kung bakit ba napakaseryoso nito.Hindi man lang iwaglit sandali ang anumang pinagdadaanan at pansamantalang makisaya sa kanila.

Maya-maya ay narinig nilang lahat na muling nagsalita ang mga bading na host sa gabing 'yun.

"Thank you so much once again,sa ating Best Male and Female Dancer of the Night.And now,another award will be given.Let's proceed to the " Most Romantic Pair of  the Night"--tila kinikilig pang paliwanag ng mga bading.

" Nakakakilig sila promise!"--sabi ng isang bading sa partner host nito.

" Oo nga sis.Nakita mo ba 'yung tinginan,grabe nakakakilig .Tapos bagay na bagay pa sila"--kwento pa ng isang bading.

" So hindi na po natin patatagalin pa.The winners for "Most Romantic Pair of the Night " goes to Mr. Borj Jimenez and Miss Ronaliza Salcedo"---masayang-masayang anunsiyo ng mga bading.Nagtilian naman ang pangkat ng mga bading nasa labas ng bulwagan.

Napamaang siya sa narinig .Hindi niya ine-expect na muling matatawag ang pangalan niya at sila pa ni Borj.Maya-maya ay nakita niyang papalapit sa lugar niya si Borj.Nakangiti pa nitong inilahad ang isang kamay nito upang sunduin siya.
Gumanti siya nang ngiti sa binata at nakangiting inabot ang nakalahad  na kamay nito.Narinig nila ang malakas na tilian at palakpak ng pangkat nang mga bading nang pumagitna na sila sa gitna ng bulwagan.

Kung ang mga bading na 'yun nga kinikilig.Siya pa kaya na kasama at kahawak kamay ni Borj.Sus,Roni...Tibayan mo ang tuhod mo.Baka mamaya bumigay na yan sa sobrang kilig.
Tudyo na naman ng utak niya.

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now