Chapter 5

503 40 4
                                    

"Sam,Roni,pupunta na kami ni Michelle sa pool ha.Sumunod na lang kayo!" --at humiwalay nga ang dalawang kaibigan sa kanila.Pakiramdam ni Roni mas tumindi ang kaba niya.Palapit nang palapit sila ni Sam sa umpukan nina Borj kaya patindi ng patindi ang kaba niya.

"Hi guys, ready na kami maligo, kayo ba?" --narinig niyang bati ni Sam sa mga boys.
Kahit nahihiya,pinilit ni Roni na magtaas ng tingin para makita man lang sana ang reaction ni Borj.And upppsss...Hindi niya akalain na nakatingin din si Borj sa kanya.Hindi lang basta tingin,kundi titig na yata 'yun.Napatungo na lang siya dahil sa naramdamang pagkaphiya sa pagtatagpo ng mga mata nila.

"Sige,Sam susunod kami dun wait mo kami ha" --nakangiting sagot naman ni Allan na halatang nagpapaapnsin lang kay Sam.

"Eh ikaw Borj,maliligo ka din ba?" --narininig niyang muling tanong ni Sam sa lalaki.Sinubukan niyang tingnan muli si Borj,at hindi niya akalain na nakatingin pa din pala ito sa kanya.Ni hindi nito nagawang sumagot sa tanong ni Sam dahil mukhang abala yata ang lalaki sa pagtitig sa kanya.Nakita niyang bahagya pa itong siniko ni Allan para manumbalik sa katinuan.

"Uy Borj,kung maliligo ka din daw" --makahulugang tanong ni Allan sa bestfriend Borj niya.

"Huh" --tila nagulat pa ito.

"Oo-oo..mamaya maliligo ako." --at tumalikod na ito sa kanila at naupo sa sulok na bahagi ng cottage sabay tungga sa hawak nitong beer.

"Ok sige,see you later.Bye guys!lika na Roni" --at hinila na nga siya ni Sam patungo sa swimming pool.

Hindi na niya nagawang tapunan pang muli ng tingin si Borj baka mamaya magtagpo na naman ang nga mata nila at baka hindi na niya kayanin pa ang nararamdamang bahagyang kilig na kumikiliti sa puso niya.Tama kaya ang nararamdaman niya.Na-attract si Borj sa kanya.Haiiist Roni,huwag kang mag-assume.Masaya at sabik na sabik na din siyang lumusong sa pool.Sa wakas,ang sarap sa pakiramdam nang dampi nang malamig na tubig sa kanyang katawan.Kasingsarap sa pakiramdam kapag tinitingnan siya ni Borj.Lihim siyang nangingiti sa isiping tinitingnan din siya ni Borj.Kaya lang hindi niya alam at wala siyang idea kung single pa ba si Borj hanggang ngayon.Hindi naman napapag-usapan ng tropa.Hindi rin nagiging topic sa gc nila.Nahihiya din naman siyang magtanong sa mga kaibigan niya.
"Ah,basta,maging masaya ka na lang muna Roni" --wika niya sa sarili sabay ngiti niya.

Samantala
" Wow,pare nakita ninyo ba 'yun.Ok na ok.Ang seksi.Pare,totropahin o jojowain"--maluwang ang ngiting biro ni Eric nang makalayo sina Roni.

" Pare,ang kay Mr.President ay kay Mr.President.Ok..Para walang away.Ipalamang ninyo na sa akin si Sam"--nakangiting sagot naman ni Allan.

" Eh,hindi naman si Sam eh.Si Roni pare.Nakita ninyo ba?Ang sexy pare,Naku ang sarap ipasok sa hotel 'yan.Nakita mo ba,ang ganda ng katawan.Mukhang virgin na virgin pa."---biro muli ni Eric.

" Pare naman.Tropa tayo dito.Wala namang bastusan"--seryosong wika naman ni Borj.Tahimik lang itong nakaupo sa sulok ng cottage at dun tahimik na umiinom.

Sabay-sabay napalingon ang magkakaibigan kay Borj.Napagtanto nila na seryoso ang lalaki sa sinasabi nito.

" Pasensiya na pare,nagbibiro lang naman ako!"--hinging paumanhin naman ni Eric.

" Sorry guys!"--at humarap din ito sa iba pang kaibigan.

Natapos ang overnight swimming nila.Nanibago siya dahil ang tahimik ni Borj noong gabi.Naging kapansin-pansin yun sa kanilang lahat.Kung dati-rati ay nagiging tampulan si Borj nang biruan at laging paksa nang usapan,kagabi ay tahimik lang ito at mas piniling humiwalay sa karamihan.Hindi ito nag-aatempt maki-join sa paliligo nila.Nakaramdam tuloy si Roni ng konting pagkadismaya dahil hindi niya nakasama si Borj sa pagsasaya nung gabing 'yun.Hindi nila alam kung bakit hanggang umaga at mag-uuwian na ay tahimik pa rin si Borj.Binalewala na lang niya ang anumang katahimikang namamagitan sa mga kasama niyang kalalakihan.Baka naman napagod at puyat lang ang mga ito.Nagkakarga na sila ng mga gamit para umuwi nang tumunog ang cellpohone niya.Tawag mula sa kanyang Papa.Bahagya siyang lumayo s karamihan upang sagutin ang tawag na 'yun.Maya-maya ay madilim ang mukha na lumapit siya sa mga kasamahan at saka nagsalita.

"Eric,pwede din ba akong sumabay sa jeep hanggang crossing.Dun na lang ako maghihintay ng sasakyan papunta samin.Hindi daw ako masusundo ni Papa eh" --nakasimangot na wika niya sa mga kaibigan.

"Ok sige,kaso hanggang crossing nga lang.Iba ang ruta namin eh" --sagot naman nito.

"Ok lang,dun na lang ako maghihintay ng sasakyan pauwi sa bahay" --seryoso pa ring wika niya.

"Hayaan mo na lng sila Roni,ako na lang ang bahalang maghatid sa'yo" --sabay-sabay silang napalingon kay Borj.Nasa likod pala nila ito at nakikinig sa usapan.

Hindi makapaniwala si Roni sa narinig Tama ba na kinausap siya ni Borj at nagprisinta pa na ihahatid siya sa bahay.

"OMG" --sigaw na naman ng utak niya.Ilang beses siyang napalunok saka nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Ahm..H-hindi na lang Borj,nakakahiya naman sayo.Maabala pa kita"--nauutal na paliwanag niya sa lalaki.

" Roni.Iba ang dadaanan nila pero sa kanila mo gustong sumabay.Ako,at ikaw,isa lang ang ruta nating dalawa,pero ayaw mong sumabay sakin.Hindi ba nakakatampo naman yata 'yun Roni."--tila naningkit pa ang mata nito sa pagsasalita.

" Oo nga naman Roni,kay Borj ka na lng sumabay.Dito na lang ako sasakay sa jeep kasi ihahatid ko si Sam sa bahay nila"--maluwang ang ngiting saad naman ni Mr.President Allan.

"P-Pero" --mangangatwiran pa sana siya.

"I insist Roni.Isa pa delikado sa isang magandang babae ang magbiyahe" --sabay binuksan nito ang pintuan ng kotse upang pasakayin si Roni.Pinagdiinan pa talaga ni Borj ang salitang "magandang babae".Lihim tuloy siyang kinilig.

Kahit naiilang,sumakay na nga si Roni ng kotse.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at iisipin sa mga sinasabi ni Borj sa kanya.Concern ba sa kanya ang lalaki.Natutuwa din siyang malaman na naapreciate ni Borj ang kanyang taglay na ganda.Lihim siyang napapangiti sa sarili.

Maya-maya nga ay katabi na niya si Borj sa kotse.Amoy na amoy nito ang bango ng lalaki.Lihim siyang nagkaroon ng pagkakataon na mapagmasdan si Borj.Ang "first crush"niya .

Malinis pa rin si Borj.Mestisuhin ang balat.Ok pumorma.Bagsak pa rin ang may kahabaang buhok na dumadagdag sa kaguwapuhan nito.Halatang mayaman na nga ang lalaki sa mga suot nitong alahas sa katawan.

"OMG Roni,ganyan ang lalaking pangarapin mo.Gwapo na mayaman pa" --kinikilig na wika na naman ng makukulit na utak niya.Napakagat labi siya.Ang tagal ding panahong hindi sila nagkita ni Borj.Ano kaya ang mapapag-usapan nila sa loob ng sasakyang ito???

Maya-maya nga ay umandar na ang kotse nang makasiguradong nakaayos na ang lahat ng gamit ganundin ang lahat ng kanilang mga kaibigan.

Maya-maya nga ay umandar na ang kotse nang makasiguradong nakaayos na ang lahat ng gamit ganundin ang lahat ng kanilang mga kaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now