Twenty Second.

5.2K 117 30
                                    

Kharu's NOTE:

Hello po. Sorry it took so long. ANNOUNCEMENT po. Patapos na po ito. Not more than 5 chaps. Ako rin nagulat eh. HAHA! Salamat po sa lahat ng nag-tiyaga sa pagong na author. This month po tapos na ito. SALAMAT po talaga! Kung pahahabain ko pa kasi, magpapasikot-sikot lang since na-reach na naman ung climax, and, super bagal kong magUD. Sorry po ulit.

Yun. Medyo mahaba yata to. Medyo lang. HAHAHA! Godbless po! Spread love. :)))

***

22nd

DREI’s POV.

”My gosh! This is becoming soooooo long and boring, Andy! May bago na akong crush, hindi pa rin natin nakukuha yung babaeng yun? Baka mamaya nagka-boyfriend na ako, ikaw NGANGA pa rin!” Talak ng babae sa harap ko. Sino pa nga ba?


”Kelan ka pa naging flirt ha?”

”HOW DARE YOU! And for your information, I’m not flirting! Kelan mo ako nakitang nakipag-date sa kung kani-kanino? And anyway. Eto talaga ako. Ngayon ko pa lang naila-labas ang totoo kong ugali kasi alam mo naman. Parents ko masyadong strict dati. Oh well. Ano naaaa?”

”Anong ’ano-naaaa’?”
Ginaya ko boses niya.

”Hay naku Andrei Laroza. Hindi ka man lang ba gagawa ng move? Alam naman natin na mahal na mahal mo siya! Seriously ha. Kitang-kita ko. I know you more than anyone else does.”

”Tanga lang, Daphne? May syota yung tao, oh. Anong gusto mong gawin ko? T*ngna naman!!!”
Uminit na ang ulo ko, nasipa ko na yung upuan sa harap ko. Nagulat si Daphne.


Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko talaga siya magawang makuha e, o masulot, whatever (Daphne style).

Nasasaktan na nga ako, natatapakan pa pati pride ko! Lintek na pagmamahal naman ’to oo!

”Drei? Totoo bang, ikaw ’yan? Nasaan na yung Drei na kilala ko? Yung palaban at hindi sumusuko?” Lumapit siya sa akin. ”Hey. Look. Alam kong feeling mo siguro, or kung may makakarinig man sa ating iba.. Iisipin eh ang sama-sama ko. Sulsulera ako at bad influence sa’yo. Pero trust me, hindi ko naman sasabihin lahat ng ’to sa’yo kung walang sense, di ba? Hindi ako magma-maldita kung alam kong walang magandang results ’to. Malaki kasi ang tiwala ko na may pag-asa ka, may pag-asa KAYO. Marami lang pumipigil sa inyo. At tsaka, DUH. Alam ko naman na may gusto rin sa’yo si Saab, at alam kong hindi ka DENSE para hindi mo maramdaman yun! Tingin mo hindi pa ba kasalanan yun? Tingin mo hindi naguguluhan si Saab ngayon? At tingin mo ba healthy pa yung relationship nila? AND MOST OF ALL, TINGIN MO BA MASAYA PA SI SAAB NGAYON? HINDI, DI BA? KAYA WAKE UP!” Naramdaman ko na lang na pinitik niya ang noo ko.


Gagu. Natulala ako dun ah. Mantakin mong may mabuti palang maita-talak ang bibeng ’to.


OO nga naman. Tama nga naman. T*nga ko. Bobo pa. Hahaha.



”Hey hey hey! Saan ka naman pupunta? Ha!? Matapos kong kapusin nang hininga sa napaka-haba kong sinabi, lalayasan mo ’ko? How dare you!!”


”Daldal mo! Bunganga mo busalan mo! Sabi mo sa’kin, MAKE A MOVE. E di eto, gagalaw na ho! Bobo ne’to.”
Nang marinig niya yun, napa-ngiti siya.


Haha. Uy. Gusto niyang tinatawag na BOBO.


Pero seryoso. Nagpa-pasalamat ako na naging kaibigan ko ulit si Daphne. Alam ko naman na simula pa lang.. Hindi niya talaga gusto si Aldrin Villarba e. Gusto niya lang akong tulungan. Siguro nagi-guilty pa rin sa pangi-iwan niya sa’kin no’n. Anong akala niya? Masyado akong na-broken hearted? Bobo talaga nu’n. Haha.


So ngayon.. Saan ako magsi-simula? Ayoko nang patagalin ’to. Naiinip na rin ako. Napa-pagod na rin ako.


Kahit naman kasi gaano ka katatag.. Kahit pa sabihing lalaki ka.. Mapapagid at mapapagod ka, lalo na kapag alam mong naba-balewala lang yung mga ginagawa mo.

Ay, wala pa pala akong ginagawa. BUBU!



”So anong plano?”

”Anak-ka-ng-tatay-mong-pato naman Daphne! Bigla-bigla kang sumusulpot?!”

”Hindi pato ang tatay ko! At yun nga. Need some help? Hihi.”

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon