Ninth.

5.9K 135 17
                                    

Kharu's corner:

Guuuuuys!! Kung lame UD man ito, pag-pasensyahan nyo na ha? Guiltyng-guilty na ako sa almost one month na yata na hindi pagu-UD. Sorry po!!

And. Masyadong nasasaktan ako ngayon dahil sa lovelife ko. Feel na feel ko yung yung-mahal-ko-taken-na theme. XDD

Ayun. Wish me luck sa prelims this Tuesday. Maybe then I could post more UDs and better UDs. I'm sorry! Thanks po sa lahat ng sumusuporta, kahit sa iba kong stories ha? Lovelots!!!

*More on SAAB'S thoughts po ito.

***

SAAB's POV

Ilang araw ang nagdaan pagka-tapos nung 'araw' na yun, okay naman kami ni Aldrin. Normal lang.

Normal lang ba talaha?


Ang sakit-sakit na kasi ng nararamdaman ko.

Alam kong wala naman akong sapat na dahilan, o basehan sa nararamdaman ko e. Tanging "instinct" ko lang ang pinanghahawakan ko. Mali ba na pag-dudahan ko siya? Ni minsan naman, hindi ako nawalan ng tiwala sa kanya e..

Kahit ngayon na nasasaktan ako. Hindi nawawala yung tiwala ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero, baka nagkaka-mali lang naman ako. Siguro paranoid na lang ako kasi matagal na kaming hindi nagkikita..

Nanggaling na mismo sa kanya na MAHAL niya ako e. We kissed pa nga. Siguro nung hindi ko naramdaman yung dating nararamdaman ko kapag nagk-kiss kami, kasi nanibago lang ako.. Kasi matagal kaming di nagka-lapit nang ganun. Di ba? Love is about trust nga raw, sabi nila.

Pero kahit ganun..


Natatakot ako. Sabi nila, naabot na raw namin yung average length ng relationship na naabot ng age group namin. Eh, hindi naman yun ang basehan nun, di ba?

Magta-tagal pa naman kaming dalawa, di ba?

Hay. Ang dami kong tanong na alam ko namang wala ring makaka-sagot, kung hindi siya. Mahal na mahal ko talaga siya.. Na kahit isipin ko pa lang na mawawala siya sa'kin, parang namamatay na kaagad ako.

OA na kung OA, pero yun ang totoo.

Hindi ko naman matanong sa kanya nang harapan, kasi baka magalit or mainis siya. Hay! Baka nga kasi praning lang ako!

"Bwisit naman e. Imik ako ng imik dito tapos yung kausap ko lumilipad na naman kung saan ang utak." Nagulat ako nung may biglang mag-salita sa tabi ko. Hala, kausap ko nga pala si Pare.

"Eh. Sorry Drei. Alam mo naman kung bakit e.."

"I-break mo na kasi."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"AGAD NA??"
"Itsura mo. Hahaha."
Napa-ngiti ako nung tumawa siya. Ina-absorb ko pa rin kasi na isa ako sa mga taong nakaka-kita ng ngiti niya. "Kausapin mo kasi nang masinsinan. 'Pag ako nainis, ako na susuntok dyan."

"Aww. Nakaka-tats ka, Pare." Teary eyed pa ko nyan.
"Oh. Wag kang assuming. Nari-rindi lang ako sa kaka-ngawa mo dyan."

"Hmp. Panira ng moment."
Sumandal na lang ako sa balikat niya. Walang malisya 'to ah. Parang bestfriends na rin naman kaming dalawa. Sumandal din siya sa ulo ko. Sweet :")

"Eh kung ituloy na lang kaya natin yung RULE ko?"

"DREI??!!!!"
"O, Chill. Haha. Osiya. Balik na ko dun. Bahal ka na maglinis ng kalat dyan. Takaw-takaw mo. Bye."
Tapos umalis na siya.

Habang nagli-linis ng lumang Economics room, napa-isip ako.

Paano nga kaya kung na-tuloy na lang yung 'rule' ni Drei sa akin?
Posible kayang nahulog na ako sa kanya?
Posible kaya na mahalin ko siya?
Masasaktan kaya si Aldrin?

Magse-selos kaya siya kung ituloy ko ngayon?

Ano ba 'yan. Ang sama na nung ini-isip ko. Parang gagamitin ko naman si Drei nun. AAH! Umayos ka nga, Saab!!

Titiisin ko na lang 'to. Imbis na ubusin ko yung oras sa pagmu-mukmok ko, uubusin ko na lang oras ko sa pagpapa-kita kung gaano ko kamahal si Babe. That way, baka bumalik na yung dating kami, yung dating SIYA.

That way, baka mawala na lahat ng pagdu-duda ko.

Tama, titiisin ko na lang.


Kasi kung tutuusin, kaya ko naman nang wala siya e.


Hindi nga lang ako masaya. <///3

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon