Fourth.

6.6K 160 39
                                    

4th

SAAB’s POV.

What to do, what to do??!!!

Nakaka-panic na ’to!!

Na-kilala niya kaya ako? Naka-eyeglasses naman ako tsaka naka-puyod..

Kaso tinitigan niya ako!! Malamang nakilala niya ako. Waa!

Eh ano naman? Hindi naman kesyo na-halikan ko siya eh required na akong i-date siya ’di ba? Mag-antay na lang ulit siya ng ma-diskarteng girl. Psh. Akala ko ba magaling siyang umiwas? Ang hina-hina ko naman tapos bakit hinayaan niya lang akong ma-halikan siya?

Sabagay, pag nagkataon baka na-sampal niya pa ako. Pero. Waaaa!!

May Babe na ako!! Manigas siya!!

”Hoooy Saab!! Ikaw na lang ang tulala diyan, ano ka ba!!?” Noon lang ako na-tauhan. Bumalik na ako sa upuan ko at sakto namang kababalik lang din ni Aldrin.

”Oh, ba’t ganyan pagmu-mukha mo?” Sabi niya sabay abot nung mga pinabili ko.

”Wala. Nevermind!! Ang dami lang kasing maa-angas sa mundo.” Sabay kagat sa sandwich ko.

”Lika nga rito.”  Sinandal niya ako sa balikat niya.] tapos hinalikan niya yung buhok ko. ”Maangas din naman ako ah? Ibig sabihin nai-inis ka rin sa’kin?”

”Sus. Ikaw naman ang nagi-isang maangas na love na love ko.” Nag-ngitian kami. Hihihi.

Naalala ko tuloy yung simula ng love story namin.

Crush na crush ko siya nun kahit freshmen pa lang kami. Sikat na rin kasi yan eh. Kahit first year lang siya halos kaging-tangkad na niya yung mga fourth years. Gwapo pa siya at magaling mag-piano.

Hindi ko naman akalain na nung second year eh liligawan niya ako, pagka-tapos niyang mag-propose in public sa awarding ng Mr. Intrams ng former school namin. After a month sinagot ko rin siya. Eeeeeh! Nakaka-kilig!

Ang laki ng effort ko para lang kay Aldrin ’no. At hinding-hindi ko hahayaang masira lang yun ng isang accidental kiss.

***

”Babe, tara na.” Aya sa’kin ni Aldrin pagka-tunog ng bell. Kinuha niya yung backpack at filecase ko, dalawang bag na naka-sakbat sa likod niya.

”Hala! Lockers muna tayo.. Iiwan ko yung iba kong gamit tutal wala anamn tayong assignments.. Mabibigatan ka..”

”Nakuu. Thoughtful talaga ng girlfriend ko oh.” Pi-nat niya yung ulo ko.

”Uy, CR lang ako ah. Babalik ako kaagad.” Sabi niya pagkarating namin sa lockers.

Pagka-bukas ko ng locker ko, nagulat ako kasi may papel dun, eh wala pa naman akong nilalagay na kahit ano sa locker ko.

Baka love letter? Oh my.Iba na talaga pag maganda. JOKE. Haha.

Buti na lang umalis si Aldrin. Baka-magselos. Wahaha.

Pag-basa ko, isang sentence lang ang laman.

”You’ll be getting your reward. That’s a promise.”

Uhh. Reward? Alam kong mabait ako pero, reward? That’s too much. Ahaha! Ano ba ’yan. Ang ambisyosa ko na.

Baka nanti-trip lang. Psh.

Tinapon ko na lang yung papel. Creepy eh. Dumiretso na kami pauwi ni Aldrin.

***

*Message tone*

1 message received.

Nakuu. Si Aldrin talaga. ’Di ako matiis. Sabi nang goodnight na eh. Hangkuleeet.

Pero nagulat at kinilabutan ako sa nabasa kong text, at the same time, nagalit.

From: 0907*******

     Simulan mo nang kalimutan ang boyfriend mo. Sooner or later, you’ll be with another guy. :)

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon