Eighth.

6.5K 155 33
                                    

Pic ulit ni Drei sa external link. *U*

***

8th

SAAB’s POV.

Simula nung nalaman kong hindi naman si Drei ang nag-kalat nung picture, bumalik na yung tiwala ko sa kanya, at nadagdagan pa.

Kasi imagine, nasuntok at nasigawan niya yung bestfriend niya dahil sa’kin. Haba ng hair ko. Hahaha! JK.


Kahit pa may mga information na kumalat tungkol sa ”Mystery Second-Rule-Breaker”, hindi na namin pinapakialaman since alam naming tsismis lang yun. Madalas nga tinatawanan na lang namin ni Drei, kasi ang layo-layo ng description nung mga tsismosa sa totoo kong itsura!!



May nakapag-sabi ngang sobrang pangit daw nung naka-halik kay Drei kaya hindi nila kayang ipakita sa buong school population. Syempre, pikon na naman si Drei. Haha!!


Sa pag-daan ng mga buwan, naging close talaga kami ni Drei. May mga oras na natatakot pa rin ako na one day, ituloy niya pa rin yung tradition niya sa’kin. Hanggang ngayon kasi, wala pa ulit nakaka-halik sa kanya.

I swear muntik na akong mapa-sigaw nung isang beses na nakita ko kung paano siya manampal ng babae.

Pinagalitan ko nga siya nun. Nung una kasi wala lang sa’kin.. Pero nung nakita ko na, hindi ko kinaya.


Kaya ang ginagawa ko, sa tuwing may nababalitaan akong maga-attempt na halikan si Drei, gumagawa ako ng paraan para hindi siya matuloy. Pero minsan may nakakalusot pa rin sa’kin. Well, I did my part. Hahaha!


Masasabi ko ngayon na parang bestfriend ko na si Drei. Kahit na moody siya at madalas masungit, masarap din ’yan kasama.. Pero syempre hindi pwedeng palagi ko siyang kasama kasi baka mag-selos si Aldrin.

Kahit na this past few weeks eh madalas wala si Aldrin, kasi umuuwi raw siya sa Batangas. Napapa-dalas nga eh. Naga-alala ako, baka may problema na sa bahay nila. Pero sabi niya wala lang daw yun.


”Pare naman eeh! Apat na buwan na tayong mag-kaibigan pero ni minsan hindi mo pa ako nilibre. Paano mo nagagawa ’yan?” Page-emote ko. Nasa may lumang E.R. kami. Breaktime ngayon at wala si Aldrin kaya sa kanya ako sumama. Eh syempre kapag nakita kaming magkasama issue na naman yun, kaya dito na lang kami kumakain kapag sabay kami.


”May pera ka naman ah. Ano ka, palamunin ko?”

”Aray naman!! Palamunin talaga!! Syempre may pera ako!1 Pero syempre iba pa rin kapag libre. Hehehe. Sige naaaa!”
Sinundot-sundot ko tagiliran niya. Kahit wala naman siyang kiliti.


”’Tol, baka mag-wala na ’yan dito. Ilibre mo na! Haha!” Sumbat ni Emman.

”O, kita mo!! Agree sa’kin si Emman!! Dali na!!”


Napa-kamot sa ulo si Drei at mukang nai-inis na. Haha!

”Sige nga, kung ililibre kita, paano kung may makakita sa’tin na magkasama? Mag-isip ka nga!!”

Napa-pout na lang ako.


”Ay. Sige na nga. Ako na lang mag-isa ang bibili sa canteen. Bye.” Sabay walk-out ko. Andrama! Haha!


”Sht naman oh.” Bulong ni Drei. Oyeah, it’s working! Hahaha!! ”Akin na yang shades at cap mo, Nuke. Humanda ka kapag may nangyaring hindi maganda, Sabrine.”

 

”Oh, yes sir!! Hahaha!!” Sabi ko. Ang galing!! Ang lakas ko talaga kay Pareng Drei. XDD

Sinuot na niya yung cap at shades. Natakpan naman yung mukha niya. Nag-suot din siya ng jcket. Haha! Kung hindi lang siya gwapo, mukha na siyang snatcher. Crush ko na nga s Pare eh. Pero crush lang syempre. Haha.



Bumaba na kami. May mga napapa-tingin kay Drei pero hindi naman sila nagta-tanong.


Nung nasa canteen na kami, pina-bili ko kaagad lahat ng gusto ko. Aba! Minsan lang man-libre ’to!! Lulubusin ko na! Hahaha!


Nakaka-miss tuloy si Aldrin. Hayy. Akala ko sabi niya papasok na siya ngayon..


”Oh, ga-bundok na nga ’yang binili mo, naka-simangot ka pa rin? Anong gusto mo? Lollipop?” Tingnan mo ’to. Ginawa pa ’kong baby.

”Tse. Nami-miss ko lang si Aldrin. Huhu.”

”Corny mo. Bitbitin mo lahat ’yan. Ako na nga nag-bayad.”
Tapos nagsiretso na nga siya sa pagla-lakad.

Pag-tingin ko, magta-time na pala. Naku. Ang dami pa naman nito. Hahaha. Hanggang bukas na yata ’to eh!


Umakyat na ako sa room, mukhang naka-pasok na rin sa room niya si Drei.


Pag-pasok ko, nagulat ako nung nandun na si Aldrin. Waaaaaa! One week siyang nawala. Huhu.


”Babe!!!”  Sigaw ko. Medyo nagulat lang ako nung nakita kong magka-tabi sila ni Mashi.

”Uy!! Babe!!” Pumunta siya sa’kin. ”Andami naman ng dala mo ah. Tara upo na tayo, magta-time na! Haha. Na-miss kita.” Kinuha niya yung mga dala ko, tapos umupo na kami sa upuan namin. Si Mashi bumalik na rin sa upuan niya.

”Nagpa-turo ako ng lessons kay Mashi. Buong break kasi wala ka eh..” Sabi niya. Ay! Nagpapa-turo lang pala. Nag-selos kaagad ako. Haha. Ewan ko ba.

”Ah! Sorry, kasabay ko sina Drei eh..” Medyo nawala yung ngiti niya.

”Ah. Okay.” Tapos biglang dumating yung teacher namin. Naku. Nainis yata si Aldrin..

Hanggang ngayon naman kasi parang hindi sila okay sa isa’t-isa ni Drei.

Sana maging okay na sila.


Nung uwian, napag-kasunduan namin ni Aldrin na magde-date kami. Hihi.. Na-miss ko siya.


”Ah, Babe, kumusta naman sa Batangas?”

”H-ha? Ah.. Ayun. Okay naman. Bumisita ako sa bahay namin. Tsaka nag-sight seeing na rin.”

”Nakaka-miss ang Batangas!! Minsan sabay tayong bumisita dun ah?”

”Ah.. Sure.”
Sabi niya, tapos inakbayan na lang niya ako. Ang tipid niya yata mag-salita ngayon ah?


Pumasok kami sa isang restaurant. Nung nasa table na kami at dumating na yung order namin, napansin kong panay ang text niya.


”Babe, sino katext mo?” Sabi ko.

”Ah. Si Mommy. Kinu-kumusta ka rin niya.”

”Talaga?? Pa-text ako, dalii! Ako na magre-reply!!!”


”Ah, wag na!! Ako nalang, ano ba sasabihin mo?”
Inilayo niya pa sa’kin yung cellphone niya.. Nagulat ako pero.. Sige. Baka wala lang siya sa mood.

”S-Sige.. Sabihin mo okay lang naman ako.. Tsaka kumusta rin sa kanya..” Tumango lang si Aldrin.


Hindi ko alam pero nai-iyak ako. Para kasing... Ang layo niya sa’kin ngayon? Ayoko na ngang isipin! Baka pagod lang siya sa byahe.


Hinatid niya pa rin ako hanggang bahay namin.


”Thanks, babe! Na-miss talaga kita..”

”Ah. Na-miss din kita.”


”Babe.. Okay ka lang ba? Bakit parang.. Wala ka sa mood ngayon?”

”Ha? Paanong wala sa mood?”
Nag-lakad ako palayo at sumunod naman siya. Lumayo lang kami nang konti sa bahay.


”Ewan ko ba, Aldrin.. Basta kanina.. Feeling ko hindi mo na ako mahal.. Ang adik no?” Sabi ko. Nai-iyak na ako. Ano ba ’to! Baka naman masyado ko lang pinapa-laki!

”Ano bang sinasabi mo? Syempre naman mahal kita! Kung anu-ano naman ini-isip mo eh..”  Niyakap niya ako galing sa likod.


Humarap ako sa kanya, tumitig ako sa mga mata niya. Hindi ko mabasa ang ini-isip niya..

”Totoo ba ’yan? Hindi kasi ako sanay na tahimik ka..”

”Sorry na.. Napagod lang ako sa byahe..”


Nagka-titigan kami.. Unti-unti, napansin ko na nagla-lapit na yung mga mukha namin, hanggang sa nag-lapat na yung mga labi namin.


We shared a kiss. Long, passionate and sweet. Binuhos ko yung pagka-miss ko sa kanya sa kiss na ’yun.


Pagka-tapos nun, nag-paalam na siya.



Pagka-pasok ko sa kwarto ko, napa-hagulgol na ako ng iyak.



Yes, that kiss was passionate and sweet.





But I didn’t feel the same amount of love we used to have.

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon