Tenth.

5.9K 152 29
                                    

Kharu's Corner:
Tapos na ang Prelims! Sa wakaas! UGH.

Guys. Pag-pasensyahan niyo na ang flow ng story nito ha? May plot naman siya, pero nab-blanko ako palagi kapag magt-type na ako. Kaya hindi ko alam kung okay pa ba yung mga naii-post ko dito.. Sorry po!!

Thank you po sa patuloy na nagbabasa! Sana pumasok na sa utak ko yung mga dapat na mangyayari dito. T__T Godbless po!

***

10th

SAAB’s POV


”Oh, ano? Magha-hamon-hamon ka tapos iiyak ka naman?” Sabi niya sa’kin habang nagpi-pigil siya ng tawa niya.

”Eh malay ko bang wala ka palang kiliti!!” Sagot ko habang nagpi-pigil din ng tawa at hinahabol ang pag-hinga.

”Hahaha!! Ang manang ng itsura mo. Yak.” Hinampas ko pa siya sa braso.


Hay, Drei. Hindi ko alam ang mangya-yari sa’kin kung wala ka sa tabi ko.

Sa mga panahong depress ako kay Aldrin, siya yung nagpapa-ngiti sa’kin.

Pero okay naman kami ni Aldrin e.


Hindi ko na naman siya nakikitaan ng mga bagay na kahina-hinala. In fact, super sweet niya sa’kin these past few weeks. Mukhang bumabawi siya. :”)

Kinausap ko na rin kasi siya tungkol sa saloobin ko. Sobrang umiyak pa ako sa harap niya. Medyo napahiya nga lang ako sa naging sagot niya,

***

”Ikaw naman, nagpapa-miss lang ako e! Tingnan mo nga ako..” Ini-angat niya yung mukha ko para magka-tinginan kami. ”Sabihin mo nga, gaano na tayo katagal?”

 

”One year and five months..”

”O, tingin mo basta-basta ko lang itatapon yun nang walang dahilan? Babe, mahal kita. Hangga’t hindi nangga-galing sa bibig ko na hindi na kita mahal, tandaan mo na MAHAL KITA.”
Hinalikan niya ako sa noo ko.
***

 

 

Grabeeee. Mamamatay na ako sa kilig pag naa-alala ko yun. Hahaha! Napahiya ako sa sarili ko, kasi feeling ko ako lang yung nag-kulang ng tiwala. Pero ang mahalaga, OKAY na OKAY na kami.


Break time ngayon, hindi naka-sabay si Aldrin sa’kin kasi sabi niya may aasikasuhin daw siya. I trust him naman. Nadala na ako e.


 

 

”Oy. Tama na. Ansakit-sakit na ng tiyan ko katatawa!” Sabi ko.

”Haha. Mas gusto kong nakikita kang nasasaktan sa kasi masaya ka..” Natigilan ako sa sinabi niya. Napaka-out of the blue kasi!

”H-ha?” Yan lang ang nasabi ko.

”Kasi mukha kang t*nga. Sarap mong pag-tawanan. Bwahahaha.” Nahablot ko kaagad yung hawak kong libro at nai-hampas ko sa kanya.

”Panira ka ng moment! Kikiligin na ako dapat eh!”

”Hahaha! Assuming ka kasi. O. Tara na. Magta-time na.”

 

Tumayo na kami. Inakbayan ko siya, kahit na hamak namang mas matangkad siya sa’kin. Haha. Walang basagan ng trip.


”Drei.”

”Oh.”

”Salamat.”

”Ha?”

”Salamat sa lahat-lahat.”
Napa-tigil siya sa pagla-lakad, kaya napatigil din ako. Naka-akbay nga ako sa kanya eh.


”Ehem.” Napa-lingon ako nung narinig ko yun.


Agad kong inalis yung pagkaka-akbay ko kay Drei.


”B-Babe!” Napa-takbo ako kaagad sa tabi niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin sila okay sa isa’t-isa ni Drei.. Natatakot sko kasi iba yung tingin ni Aldrin kay Drei. Eh mainitin pa naman ang ulo ni Drei sa ganito.

”A-ah! Drei, una na kami ni Aldrin ah? Sige. Thank you!” Nagulat ako kasi pagka-sabi ko nun hinatak na ako ni Aldrin.
Nakaka-guilty.


”Babe.. Hindi naman yata tama yun.. Hindi man lang ako nakapag-paalam nang maayos kay Drei.”


Tumigil siya sa pagla-lakad.


”Edi bumalik ka na sa kanya!!” Nagulat ako nung sinigaw nya yun, tapos iniwan na lang niya akong naka-tulala.

”Eh ano bang problema mo ha?!!” Napa-sigaw na lang ako. Buti walang tao dito kasi malapit lang sa abandoned Economics Room ’to.


”Tinatanong mo ba talaga sa’kin ’yan ha?” Sabi niya sa’kin. Lumapit ako sa kanya.

Ewan ko ba, nagi-init ang ulo ko. Kasasabi ko lang na okay na kami e!

”Oo! Ang labo e. Bakit bigla ka na lang nagalit? Dahil kasama ko si Drei? Matagl ko nang sinabi na kaibigan ko siya! BESTFRIEND ko siya!”

”BESTFRIEND mo LANG siya, at BOYFRIEND mo ako!”

”Teka nga, ano bang pinu-punto mo, ha? Wala naman kaming ginagawang masama! Bakit ikaw, kahit marami kang ka-close na babae, nagre-reklamo ba ’ko? Nagagalit ba ’ko? Di ba hindi naman? Si Drei na nga lang yung nalalapitan ko kapag may problema ako sa mga pagkakataong WALA KA SA TABI KO eh!”


”Bakit naman na-punta sa’kin ang usapan? ’Wag mo ngang isumbat sa’kin yon! Nasabi ko na sa’yo dati, bahala ka kung anong gusto mong isipin! Bwisit!” Pagka-sabi niya nun, iniwan niya ako ng tuluyan.


Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Eto yata yung unang beses na nag-away kami ng ganito, yung nagkaka-sagutan at sigawan talaga.


Hindi ko naman isinu-sumbat sa kanya yun e.. Hindi ko rin intensyon na maging ganun.


Bakit ba hindi niya maintindihan? Oo, alam kong nagse-selos siya. Pero, patas pa ba ’yun? Ako nga, kahit sobrang nasaktan ako nung akala ko nagkaka-labuan na kami, hindi ako umimik. Hindi ako nagreklamo. Tapos siya, ganito? At alam niyang bestfriend ko si Drei!


Naramdaman ko na lang na may yumakap sa’kin. Mas lalo akong napa-iyak.



”G*go yun a.”


”Drei..”

”Shh. Iyak ka lang. Kahit pangit ka kapag umiiyak.”

”Drei, please..”
Tinulak ko siya nang marahan para maalis yung pagkaka-yakap niya sa’kin.

Nakita kong nagulat siya.


”Drei.. Alam kong alam mo naman kung anong nangyari ’di ba..”

”Oo. Walang tiwala sa’yo yung syota mo. Tapos akala mo napaka-linis niya?!”


”TAMA NA!”
Natigilan siya, ”Tama na, Drei.. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal ’di ba?”

 

Hindi siya sumagot. Naka-tingin lang siya sa’kin.


”Mahal na mahal ko siya, at hindi ko kayang magalit siya sa’kin.” Habang tinutuloy ko yung gusto kong sabihin, bumibigat yung dibdib ko. Nasasaktan ako.


Then, nasabi ko yung mga salitang kahit kelan, hindi ko akalaing lalabas sa bibig ko.





”Kaya please.. Layuan mo muna ako..”




You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon