Seventeenth.

5.5K 130 21
                                    

Kharu's Corner:

Hala. di ako confident dito. Feeling ko, messed up to. haha! Nakakalimutan ko na ang plot..

Actually, wala na nga yatang plot! Hahaha! Sorry po ah? Sana kahit paano pwede muna to sa ngayon. Thank you po! Godbless!

**

17th

SAAB’s POV.

Weeeeeee!!

Ang saya naman.

Ayos na kami ng boyfriend ko, tapos ayos na rin kami ng bestfriend ko!!

These past few days, nagkaka-usap na naman sila nang maayos.. medyo nawawala na yung tensyon tsaka awkwardness kapag magki-kita kami.

Ewan ko ba pero..

Dapat talaga masaya na ako ’di ba? Yung as in MASAYANG-MASAYA NA?

Kasi syempre, ayos na lahat. Wala na akong dapat problemahin..

Pero feeling ko, may kulang.

Hay! Praning lang siguro ako. Smile na lang!

”Oo na. Kahit pa’no. Pwede na rin.” Sagot sa’kin ni Drei. Mag-kasama kami ngayong breaktime kasi bumalik saglit sa bahay nila si Aldrin. Sa lahat naman ng mai-iwan, yung labgown niya pa. E required sa Lab namin yun. Hay Babe.

”Pwede lang? Choosy ka.” Sabi ko. Tinanong ko kasi sa kanya, kung ano na ang tingin niya kay aldrin ngayong medyo maayos na naman sila.

”Buti nga ’pwede’ na ang sinabi ko ’no. Tss.” Naka-simangot niyang sabi.

”Eh bakit naka-simangot ka dyan?”

”Pake mo.” Tumalikod pa sa akin. Aba? Daig pa ako kapag meron ako ah!!

”Problema mo ba? MERON KA??” Sabi ko, sabay hampas pa sa likod niya. Napa-aray naman siya. Medyo natawa nga ako nun eh.

”WALA! Wag mo nga ako itulad sa’yo! Maka-hampas ka ha!”

”Eh ikaw eh! Bakit ba kasi parang galit ka. Akala mo ba hindi ka nakakatakot sa’kin porke’t bestfriend kita?”

Napa-nganga lang ako sa sinagot niya.

”Ang gwapo ko naman para katakutan no.”

”Yaaaak! Napaka-vain mo ha!!! Kadiri!” Sabi ko, with matching facial expression talaga.

Kahit na, totoo naman yung sinasabi niya. Wahaha.

”Sus. Ayaw mo pang amining pinagnanasahan mo rin ako bago ka matulog.” Sabi niya habang kunwaring hinihipan ang kuko niya. Gay. -___-

”Ang kapal mo ha! Napaka----” Naputol yung sinasabi ko nung nag-ring bigla yung phone ko.

”Saglit lang D’re..” Sumenyas lang siya ng ”Shupi”. -__-

Pag-tingin ko sa phone, si Aldrin pala. Sinagot ko na. Hindi na ako lumayo. Si Drei lang naman ang katabi ko eh.

”Hello, babe!” Bati ko.

”Hi, babe! Musta ka dyan? Sino kasama mo?” Napa-lingon ako kay Drei no’n, nakita kong nakatingin din siya..

Or naka-glare siya sa’kin? Umiwas kaagad siya ng tingin eh.

”Ah. Okay naman ako. Katatapos lang kumain. Kasama ko si Drei. Asan ka na?”

Matagal siyang hindi sumagot. Kinabahan ako. May mga kaluskos kasi akong narinig.

”Hello? Hello! Aldrin?”

Nagulat ako ng sobra nung may nagtakip ng mata ko. Syempre, kinakabahan ako dahil hindi sumasagot si Aldrin!

”Andito na ko, babe.” Naka-hinga ako nang maluwag nung narinig ko yun, swear!

”Nakakainis ka! Kinabahan ako dun!!” Sabi ko. Umupo na siya sa tabi ko.

”Hahaha. Sorry. Sinurprise lang kita.”

”Tse. Haha. Kumain ka na? Gusto mo ba—”

”Alis na ’ko ah.” Bigla na lang sabi ni Drei, tapos walang pasabing umalis na lang sa table namin.

”Hala? Anyare dun?” Bulong ko.

May binulong din si Aldrin.. Pero para fair, hindi ko na lang din tinanong.

Ano bang meron kay Drei ngayon? Napaka-moody niya! Hindi ko siya ma-gets!! Grr.

Nagk-kwentuhan lang kami ni Aldrin, since may 20 mins. pa bago mag time. Nahagip ng mata ko sa may fields si Drei.. Aba! Kanina lang sobrang moody niya, maka-ngiti naman ngayon, wagas!! Naiinis ako!!

Pero yung inis ko, napalitan ng kung anong emosyon..

Nung nakita kong si Daphne pala ang kasama niyang tumatawa.

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon