22. World Stopping

179K 4.3K 425
                                    


"Hera, anong feeling ng palaging kasama si Hades?"

I was inside Hera's mansion in Tagaytay that morning. Doon ako naka-stay sa loob ng dalawang araw. Nililibang ko lang ang sarili ko dahil talagang nagtatampo ako kay Adan. Noong nakaraang gabi - matapos naming mag-stay sa Pangasinan, bigla na lang siyang tumawag. Akala ko ay sasabihin niya sa akin na na-miss na niya ako at gusto na niya ulit akong makita but when I answered the phone, he told me that he was back in Moscow for an emergency. I was sighing. Nakaramdam talaga ako ng sakit noon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala naman akong kwenta sa kanya.

Hera smiled while looking at me. "Masaya. I feel complete whenever he's around. Kahit nga yata nasa kitchen lang siya at nasa nursery ako, nami-miss ko itong si Hades. It's funny how we survived years without in each other's life, tapos ngayon parang hindi naman kami mabubuhay nang hindi magkasama. Masaya, Casi."

Nakadama ako ng lungkot. Ako, masaya ako kapag kasama ko si Adan, pero doble naman ang lungkot kapag naiisip ko na saglit lang ang oras lang iyon tapos ay aalis na naman siya - na matagal na naman akong maghihintay, na hindi ko na naman alam kung kailan ko siya makikita.

Tulad ngayon. Hindi ko na naman alam kung kailan kami magkakakitaan sa mata. Ni hindi siya tumatawag. Nakita kong kumunot ang noo ni Hera.

"Bakit? Where's your boyfriend?"

"Nasa Russia. Nagtatanim ng kamote." Tumaas ang kilay ng pinsan ko. She shook her head. Huminga naman ako nang napakalalim. "May boyfriend ako, absentee naman. Hindi ko na alam, Hera. Alam mo iyong nami-miss mo iyong isang tao tapos wala kang magawa kundi ang umiyak. Ganoon kasi ang nararamdaman ko, naiiyak ako. Gusto ko siyang makasama pero dahil sa nakakayamot niyang trabaho, hindi kami pwedeng magkasama, tapos may kasama pa siyang babaeng puke. Akala niya ba. Nagseselos na nga ako, gusto kong pumatay ng puke kung pwede lang sana pero wala! Hindi ko magawa dahil unfair kasi, Hera,l wala akong karapatang magselos dahil trabaho iyon!"

"Anong wala kang karapatang magselos?" Lalong nakataas ang kilay ni Hera. "You have every right! Trabaho man o hindi meron lalo na kung alam mo na may gusto siya sa boyfriend mo! Did you know that I fired Hades' secretary? Not only because she mispronounced my name but also, had I seen her winking at my husband! Sinakal ko iyong babae at sinabi kong she's fired! Casi, bullshit iyang hindi pwedeng magselos!"

I felt fire in my chest. Umayos ako ng upo. "Nagsend siya ng pekpek sa cellphone ni Adan!" Sigaw ko!

"Then you have to let him know whose boss!" She made a face.

"Hay, hindi naman pwede. Nasa Russia siya."

"Anong ginagawa ng social media?" Hera laughed evilly. Kinuha niya ang kamay ko at itinayo. We walked together hand in hand. Hera seemed so excited. Nang makababa kami sa lobby ng bahay ay nakita namin si Hades na karga si Percy at binabawalan ang kambal nila.

"Achilles! Stop pulling your brother's hair!" He yelled. Achilles ran around his brother. Si Apollo naman ang nanghatak ng buhok.

"Oh! Kids! Stop fighting!"

"Honey!" Hera called.

"Yes, dear?" Humarap siya sa amin. Naalala ko si Mama at si Papa. Iyon din kasi kung minsan ang tawagan nila.

"Ilalabas ko lang si Casiel, you watch over the kids and I'll give you a reward when I get back okay? I love you!" Hinagkan ni Hera si Hades.

"Momma! Achil! Dead!" Apollo yelled. Tumingin kami kay Achilles na nakahiga sa sahig. Sumigaw si Apollo.

"Achil! Roll over!"

"Pamangkin! 'Wag mong gawing aso ang kakambal mo!" Napahagikgik ako. Hera just shook her head.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon