Prologue: Runaway Casiel

384K 5.6K 210
                                    

"Casi, halika na! Maglaro na tayo nila Yna."

Ngumuso lang ako sa pinsan kong si Gianna Franceska habang nakaupo sa may hagdan. Hawak ni Gianna ang limited edition niyang Barbie doll habang pink na pink ang suot niya. Gianna and I are of the same age - we're both twelve but I hate playing with dolls.

"Dolls are so lame." Bulong ko pa. Bumaba ako ng hagdan at nagpunta sa labas - sa garden kung saan natagpuan ko ang mga kapatid ko at ang mga pinsan namin na nagba-basketball. Magkaka-team na naman sila Ares, Hermes, at si Kuya Gab ang kalaban nila ay si Kuya Yto, Yllak at si Kuya Yvo. Si Kuya Javier ay nakaupo sa gilid ng flower box habang nanonood sa kanila. Naupo ako sa tabi ng kuya Javier ko.

"Sinong lamang?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang sombrero niya at isinuot iyon sa akin.

"Casi, akin na nga iyan!" Kuya Javier is two years older than me. Ako ang bunso sa aming tatlo, si Kuya Gab at si Javier, eleven months lang ang pagitan nila. Binelatan ko siya at saka ninoohan. Napahagikgik ako. Iniisip ko ngayon iyong sinabi ni Kuya na gusto daw niyang maging pari samantalang pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa eskwelahan nila ni Kuya Gab. Si Kuya Gab naman, kung magpalit ng babae akala mo nagtatapon lang ng tissue. Madalas kong marinig si Dalaga - si Mama. Dalaga kasi ang tawag ko sa kanya - na pinagagalitan si Kuya Gab dahil imbes na pag-aaral ang atupagin nito ay ayaw naman niyang tigilan ang pambababae nito.

"Kuya, seryoso ka? Gusto mong mag-pari?" Tanong ko pa. Tumango siya.

"It's my calling, Casi. Pagkatapos ko ng high school, papasok ako ng semenaryo. Ikaw, anong gusto mo? High school ka na sa June. Kailangan alam mo na ang gusto mo."

Goal - oriented si Kuya Javier, isang bagay na hindi naman nakahiligan ni Kuya Gab. Si Kuya Gab kasi ang happy-go-lucky sa kanilang dalawa.

"Gusto kong maging mekaniko. I like cars, Kuya." Ngumisi ako. Tiningnan ko lang siya habang nakatitig din sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko gusto ang mga makina pero na-realize koi yon noong nakaraang taon habang tinitingnan ko si Binata - ang papa ko - na ginagawa ang isa sa mga sasakyan niya. My father is Adam Consunji and he is one of the most renowned architect in the country, maliban doon ay may collection siya ng mga kotse.

I like cars but I love fast cars - lalo kong mahal ang mga vintage cars - I also dream of customizing my own car when I come of age. Pero ngayon, kuntento na muna ako sa mountain bike na regalo ni Uncle Lukas sa akin noong birthday ko - doon ko sinisimulan ang customizing prowess ko.

Years have passed, I was sixteen when I first got my real car. Binata gave it to me as my sweet sixteenth birthday gift it's a vintage car - a 1945 mustang model and I'm so happy. Nayakap ko si Papa noon sa sobrang galak. Si Mama naman, nagagalit kay Papa pero wala rin siyang nagawa dahil masaya ako. Binilinan na lang niya ako na mag-ingat. Tinuruan ako ni Papa na mag-drive, after a month, I got my student's permit and I felt like I was queen. Sinabi ko kay Papa ang gusto ko. Noong maka-graduate ako ng high school, I took up Mechanical Engineer. Kapag tinatanong ako ng mga kaklase ko kung sinong first love ko, isa lang naman ang sinasagot ko sa kanila - Machines. Iyon ang first love ko at kung papalarin, iyon na rin ang magiging great love ko.

While everybody was dating, I was inside our garage, experimenting, building and assembling. While everyone was crying over their break ups, I was crying because the clutch got stock or a wiring in my car shot circuited. Ganoon lang ang buhay ko, habang nakapapagandahan ng buhok si Hera at Gianna, o nagpaparamihan ng dress ang dalawa, I was on the sides and I'm happy with my skinny jeans and my v-neck shirt.

My life is simple.

After five years, nakapasa ako sa board exam. Tinanong na naman ni Papa sa akin kung anong gusto ko sa buhay and I told him that I want my own auto-shop and my father, being Adam Consunji gave me the money I needed for a capital. Hindi madali - ako lang kasi mag-isa but I managed to make it work.

And here I am, years later. I have my own successful auto-shop. Kumikita ako, masata ako sa kung anong meron ako but like what everything in this world, hindi pwedeng walang down side.

Isang gabi, umuwi ako sa bahay. Sinalubong ako ni Papa. Galing ako sa bahay ni Gianna. I was testing her new hot pink car. Nabigla na lang ako nang ibato sa akin ni Papa ang mga litrato na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

Mama was behind him pero nang yumuko ako para pulutin ang mga litrato ay nagsalita si Mama.

"Adam, just let her explain. Baka naman hindi si Casi iyan."

"She's our daughter, Aura! Don't you I don't know her?"

What is happening? Tanong ko sa aking sarili. Nang tingnan ko ang litrato ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko. It's me on the picture - kissing Samantha - the girl I met on my pole dancing class. Lesbian siya pero kinaibigan ko siya dahil mabait siya sa akin. Habang nakatingin ako sa mga larawan ay nanginginig ang buong katawan ko. Alam ko gabing iyon. Iyon ay noong ayain niya akong lumabas, then we went to a pub and I woke up the next morning in her bed - naked. Pero alam kong walang nangyari dahil kung meron magigising ako! Hindi naman ako ganoon kalasing.

"Pa..." I looked at him. Sinampal niya ako. Sumigaw si Mama.

"Adam naman!"

"Nakikipagrelasyon ka sa kanya, Casiel?!" Dumagundong ang boses ni Papa sa buong kabahayan. "I gave you everything! I treated you like a princess and here's what I get?! Wala kang utang na loob!" Umigwas ang kamay ni Papa pero pinigilan iyon ni Mama. Natagpuan ko ang sarili kong umiiyak. Tiningnan ko si Papa.

"Walang nangyari sa amin, Pa! This is a frame up!"

"Did you sleep in her house?!" Tanong niya pang muli.

"Y-yes! But nothing happened. I'm sure!"

"Putang ina!" Nagmura si Papa.

"Adam, please, kakausapin ko na lang ang bunso mo. Kumalma ka..." Napapahikbing wika ni Mama. Tumalikod si Papa at umakyat sa hagdan. Naiwan kami ni Mama doon pero hindi pa naman siya nakakalayo ay hinarap niya ako.

"Ipadadala kita sa America, Casiel. Doon ka hanggang sa hindi kita pinauuwi. Kahihiyan ito sa pamilya." Malamig ang boses na wika niya. Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko si Mama. Sumunod siya kay Papa.

Naiwan ako sa sala na hawak ang mga litratong iyon kasama ang walang-hiyang si Sam. Tumulo ang mga luha ko.

How could she?!

Tumakbo ako paakyat sa silid ako. Hindi ako mapakali. Wala na. Isa lang ang naisip ko - ang tumakbo and that's exactly what I did. I runaway

I left the Aura Consunji mansion. Kinuha ko lang ang pundar ko at iniwan ang lahat nang bigay ng mga magulang ko. Alam kong galit si Papa at sa ngayon hindi niya ako pakikinggan at sa tingin ko hindi ko pa kayang harapin ang problemang ito kaya mabuti na muna ang umalis ako...

Kung saan ako pupulutin...

Hindi ko alam....

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon