34. Pictures Perfect

176K 4.6K 562
                                    

“That’s the reason why I don’t like the guy, he keeps on making you cry. Wala na nga siya dito, umiiyak ka pa rin! This is not acceptable, Casiel!”

I look like Rudolph the fucking red nose reindeer. Ang pula-pula na ng ilong ko, kanina pa ako iyak nang iyak para bang walang tigil ang luha sa mga mata ko. Wala namang ipinagbago ang dahilan ng iniiyak ko. Si Adan pa rin. Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari iyon kay Papa. Si Adan pa rin ang hinahanap ko. Si Adan pa rin ang dahilan kung bakit hindi pa rin maayos ang mundo ko. Si Adan. Si Adan. Sawang-sawa na ako sa kakaiyak dahil sa kanya. Hindi ko pa rin naman alam kung nasaan siya dahil kahit iyong mga kaibigan niyang si Azul at ang iba ay walang maibigay na eksaktong lokasyon kung nasaan siya.

Siniko ni Gianna si Hera. Nag-irapan ang dalawa. Nasa loob kami ng isang restaurant – kaming apat lang ang naroon. Hera paid the manager para makaiyak ako nang malaya. Hindi naman nila ako pinigilan kahit na mukha talaga akong tanga doon. Ate Yza told them to let me cry – para mailabas ko ang lahat ng nasa loob ko.

Sa tingin ko naman ay hindi naman iyon nakakatulong. Lalo lang bumibigat ang loob ko. Ang sakit kasi. I feel like I’m not good enough. Hindi ko man nakakausap si Adan ng personal, pakiramdam ko ay rejection na iyon. Wala siyang sinasabi pero dama ko na ayaw na niya ng kahit na anong may kinalaman sa akin. Inutil tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Bobo kasi ako, I feel so alone. I feel so rejected. Why can’t he just reveal himself? Talaga bang mahirap akong harapin? Iniligtas niya ang Papa ko. Pero ayaw niyang magpakita? Why is that?

Noong nakaraan ay pinuntahan kong muli ang bahay ni Azul kung saan naroon ang maraming cctv monitors na konektado sa bahay ni Adan pero sa tagal ng oras na ipinaghintay ko ay wala namang kahit na anong nagbago sa mga nakikita doon. Kama lamang, sala, kusina at lahat ng kung ano lang ang makikita sa bahay. Walang sensyales ni Adan. Walang kahit na ano and that frustrates me even more.

“Hera, two years na. That’s enough time to heal all the wound. Siguro naman time na para patawarin si Adan. Ako nga napatawad ko na siya, parang kay Zeus lang. I forgave him after I forgave myself. Isa pa, hindi ninyo ba nakikita kung gaani kamiserable si Casiel sa mga ginawa niyang desisyon? Siguro, noong una, tama ang ginawa niyang hindi muna patawarin si Adan sa mga ginawa niya. We still have to consider the fact that he slept with someone else but, do we really have to see him as the man whose very malandi forever? Like what Bathseeba said last time, hindi naman natin masasabi na hindi natin gagawin ang ginawa niya because we are not in his place.” Binalingan ako ni Gianna. She reached for my hand and squeezed it. “Umiiyak ka, Casi, bakit?”

I wiped my tears. Psychotic na yata ako. Kahit silang tatlo ay hirap na akong unawain. Kung sabagay ako lang ang nakakaunawa sa sarili ko, but right now, I didn’t want to be alone this time. Siguro kaya hindi nagpapakita si Adan sa akin dahil sa na-realize niya na mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa ang magpakita sa akin. Siguro hindi na niya ako ginulo kasi napakasama ng ginawa ko sa kanya. Hinayaan niya na lang ako sa loob ng dalawang taon kasi hindi niya matiis ang sakit na idinulot ko sa kanya dahil napakasama ng ugali ko.

I just want to see him. I just wanna know if he is okay, what about his shot. What about his life without me two years ago? Kung totoo na mahal niya ako, kung totoo ang mga bagay na sinabi niya sa akin noon sa ospital bago ko siya iwan, bakit hindi ko na siya naramdaman sa loob ng dalawang taon?

Ikakatwiran niya ba niya na itinago niya ang sarili niya mula sa society sa loob ng dalawang taon? I never asked him to do that for me! I asked for space but I want him to make me feel his presence! Gusto kong makita ang effort niya! Pero pinabayaan niya ako! Now he doesn’t want to see me? How dare him!

“Gusto ko lang naman siyang makita. Mahirap bang magpakita sa akin? Am I not good enough?!” Napahagulgol na naman ako.

“No! You’re good enough! Siya ang hindi good enough para sa’yo! Bakit, Casiel? May ginawa ba siya para sa’yo? He saved you’re dad’s life, yes but you didn’t ask him to do that so why are you feeling the urge of seeing him? Walang kwenta ang lalaking iyon? Sagutin mo na lang si si Ledesma! August is a good guy!”

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon