Vengeance 14

770 34 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang tuloyan na akong makababa ng hagdan. "Where's Tyrine? She's suppose to bring me my lunch."


Ipinakita niya saakin ang hawak niyang supot ng pagkain bago malayang pumunta sa kusina. Ipinatong niya sa counter top ang dala niya at inihanda iyon. I should be kicking his ass out my penthouse right?


"I went to your house and you weren't there which is new, mabuti na lang alam ni manang kung saan ka pumunta." Saad niya habang isa-isang tinitignan ang mga kabinet. "Eksaktong pagkapasok ko dito sa building naka sabay ko si Tyrine, may biglang tumawag sa kaniya emergency daw kaya saakin niya ibinigay itong pagkain mo. Sabi niya dalhin ko daw dito kasi nagugutom kana."


Napaawang ang labi ko, ni hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam pero ang sarap niyang pagmasdan habang ipinag-hahanda ako ng pagkain.


"Naihatid mo na kaya pwede kanang umalis."  Mataray kong sabi. Lumapit na rin ako sa counter top at umupo sa tool habang siya nakasandal paharap saakin sa kabilang parte nitong counter.


"Tomorrow is February 14th." Usal niya, hindi ko siya pinansin at sinumulan na lang kumain. "Do you what day is tomorrow?" Wala sa sarili akong tumango.


"It's Sunday."


Rinig ko ang mapakla niyang tawa kaya napalingon ako sa kaniya, hindi siya makapaniwalang nakatingin saakin. Did I say something wrong?


"It's Valentines Day." Sobrang sama ng tingin niya saakin, tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. "Can you be my Valentine?" Tuloyan ko nang itinigil ang pagkain ko, maingat kong inilapag ang kubyertos at pagod siyang tinignan.


"And then what? We've talk about this already, Vraxx. Bakit ba ang kulit kulit mo? Wag mo nang ipilit ang sarili mo saakin kasi aalis din ako, masasaktan ka lang." Tumayo ako bitbit ang pinggan at pumunta sa gripo. Naghugas ako ng kamay at uminom ng tubig.


"Hindi nga sabi ako papayag na umalis ka." Parang batang atungal, napapikit na lang ako ng mariin. Mabilis akong humarap sa kaniya pero agad din akong natigilan.


Nanlalaking mata ko siyang tinignan, he's too close. Too close. Ipinatong niya ang parehas niyang kamay sa sink at bahagyang yumuko para magpantay ang tingin namin. Halos maduling na ako sa sobrang lapit niya saakin, mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa lababo ng ilapit niya pa ang mukha niya saakin. Fuck my heart is beating too fast, I'm afraid he might hear it.


"A-Ano bang ginagawa mo?" Nauutal ngunit pagalit kong tanong. Pero ngumisi lang siya. "I will really punch you."


"Ngayon mo ako itulak palayo, Athena." Hamon niya. I bite my lower lip when I felt his warm breath. "See? Actions speak louder than voice, Love. Stop pushing me away when you heart wanted me to stay."


Love. He just called me love. Why did he even called me that? Shit I can't take this anymore. Naikuyom ko ang kamay ko at umiwas ng tingin. Hindi ko na kaya. Nalulunod na ako at hindi ko na kayang sagipin ang sarili ko. Naputol na ang katiting na lakas na pinagkakapitan ko, tuloyan na akong nahulog.


Nakapikit kong isinandal ang noo ko sa dibdib niya. His heartbeat race so fast because of that, I can literally hear it and it's making me calm. Our hearts collide as its rhyme beats together the same.


"A-Athena." He uttered in disbelief. Maybe he was caught off guard with my move.


"Hmm?"


Vengeance From HellOnde histórias criam vida. Descubra agora