Vengeance 10

902 46 0
                                    

It's Tuesday. Nagising akong nagkakagulo ang lahat ng stations ng news sa television. Halos pareparehas ang highlights ng balita ngayon, nakakaumay pero nakakatuwang pakinggan at pagmasdan. Papatayin ko na sana ang t.v pero,


"Wait boss! Gusto kong manood ng balita." Pigil saakin ni Tyrine. Nagkibit-balikat na lang ako at ibinigay sa kaniya ang remote. Naupo siya sa pang single sofa at tumutok sa t.v.


"Alas dose ng madaling araw kanina isinugod sa Hospital ang dugoan at walang malay na si Clyde Martinuez, may-ari ng isa sa mga malalaking kompanya ng bansa. Sinususpensyahan na ang kriminal mismo ang tumawag ng ambulansya para rito. Kasalakuyan iniimbistigan ng mga polisya ang bahay ng biktima kung saan mismo naganap ang krimen. Sa ngayon ay walang kahit naano silang nakukuha at nahahanap na maaaring tumukoy sa kriminal."


Hindi ko binigyan pansin ang binalita ng reporter, halos paulit ulit ko na iyang narinig. Pareparehas ang laman ng balita. At hindi naman din ako gulat sa nangyare.


"Uhm boss diba kaibigan mo din siya?" Nag-aalangang tanong ni Tyrine na ikinalingon ko. "I-I mean, we could at least visit him at the hospital."


"Okay. Ihanda mo ang kotse." Yun lang ang sinabi ko at pumunta sa kwarto para magpalit ng damit.


Pagkalabas ko ng bahay nakahanda na nga ang kotse, si Tyrine ang driver. I don't mind. Pagkasakay ko ay agad kaming umalis. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe. Pagod ako at kulang sa tulog.


"By the way, kumain kana boss? It's lunch time, kung hindi pa pwede tayong kumain muna bago pumunta sa hospital." Suhesiyon niya na agad kong ikinailing.


"I haven't eaten but I'm not hungry. Dumeretso na lang tayo sa hospital." Tumango lang siya. "Kamusta ang kompanya? Hindi ba ako kailangan doon?" Tumikhim siya.


"As of now, hindi pa naman. Wag kang mag-alala boss, I'll update you from time to time."


Tumango na lang din ako at muling tumingin sa labas. Halos kalahating oras ang itinagal ng byahe bago kami nakarating sa hospital. Agad kaming pumasok at nagtanong kung saan ang kwarto ni Clyde. Of course he'll be confined in a private room.


"Oh shoot! I forgot to buy something for the patient." Problemadong saad ni Tyrine.


"Hayaan mo na. Next time na lang. Kumatok kana para makapasok na tayo." Utos ko. Dalawang beses siyang kumatok at agad naman bumukas ang pintoan.


"S-Satana..." Haven uttered in shock. I remained my expression blank. "P-Pasok kayo."


Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintoan kaya tumuloy kami. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintoan habang deretso ang tingin kay Clyde na nakaratay sa hospital bed. May benda sa ulo at kung ano-ano pa ang nakasabit sa kaniya.


"We heard what happened. I hope he'll wake up soon." Malungkot na sabi ni Tyrine na nasa tabi na ni Clyde.


"Satana, maupo ka muna." Nanginginig ang boses ni Haven kaya napatingin ako sa kaniya. Namumugto ang mga mata niya. She look so stress.


"What is his condition?" Tanong ko nang makaupo ako. Wala pa man ay nanubig na ang mga mata niya.


"He's in the deep coma. Walang ideya ang mga doctor kung kailan siya gigising o kung magigising pa siya. Ang alam lang namin ngayon ay humihinga siya." Maluha luha niyang sabi habang nakatitig kay Clyde. "Clyde is my bestfriend, our best friend to be exact. I know he'll be happy to know that you visited him."


Vengeance From HellWhere stories live. Discover now