Vengeance 3

1.4K 60 18
                                    

Satana McDebil's POV


Hingal na hingal akong napabalikwas sa kinakahigaan ko. Para akong nagising sa isang napakalalim na bangungot. Pumikit ako at hinawakan ko ang dibdib upang pakalmahin ang sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko at mamasa ako dahil sa malamig na pawis na meroon ako.


"Shit." Bulong ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Tinignan ko ang kabuohan ng kwarto. It's huge and bright. Ibang-iba sa lugar kung saan ako nang galing.


Matunog akong napangisi sa aking sarili. Tumayo ako at dumeresto sa isang bukas na pinto which is ang banyo. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. I'm still the Athena, but different. Not the 17 years old ten years ago. Nakakita ako ng gunting kaya kinuha ko iyon, I just need to confirm something. Idiniin ko ang gunting sa gitna ng palad ko at dahan dahan kong inihiwa, nakangiwi kong binitawan ang gunting ng dumugo ang palad ko at nakaramdam ako ng kirot. Wala sa sarili akong natawa. Napakatuso talaga.



"What the fuck are you doing?" Gulat akong napatingin sa pinto. His clenching jaw and furrowed brows makes my fear creep into my system. "Just what in the fuck are you doing? Are you trying to kill yourself?"


"L-Lucy." Kinakabahan kong banggit ng pangalan niya. "Tinitignan ko lang naman kung wala talaga eh." umiwas ako ng tingin. Damn! He's so intimidating.


"Tsk. Stupid." Lumapit siya saakin at marahas na hinugasan ang kamay ko. Pagkatapos ay hinawakan niya ito at hinila ako palabas ng banyo. Pagkabitaw niya sa kamay ko, wala na yung sugat.


"Why are you here?" Tanong ko. Umupo ako sa kama at deretso siyang tinignan.


"What do you mean why am I here?"


"I asked you first." Giit ko.


"I am your guardian." bored niyang saad.


"I don't need a guardian, Lucifer." Okay, to be honest hindi ko alam na magkikita kami dito.


"I need to secure that you're doing your thing successfully and completely."


"At pagkatapos?"


"Kung anong mangyayare sayo pagkatapos ng  yun din ang mangyayare saakin." Casual niyang sabi.


"You're one of the most powerful right hand of the Gods down there, you should live forever." Lucifer is powerful, kaya medyo takot talaga ako sa kaniya. Pero siya lang din naman yung nakasama ko doon sa loob ng sampung taon ko sa lugar na iyon, I can tell that we're a bit close.


"I choose not. And you're my last job." Tinalikoran niya ako at pumunta sa pinto, "Prepare, I will wait for you at the dining. Marami pa tayong dapat pag-usapan." And just like that, he left.



Malalim akong napabuntong-hininga. Tumayo ako at muling bumalik sa banyo, hinubad ko ang mga damit ko at nag simulang mag shower.



Bakit nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? 10 years ago, they killed me, mercilessly. I died, but then, hell took me. They told me that my death wasn't acceptable. Hindi ako naniniwala noon na may impeyerno at langit, when we die we just sleep without breathing. Pero nang mapunta ako sa lugar ng mga demonyo, doon ko na napag-alaman na totoo ang langit at ang impyerno. And then, I asked the Gods why, why am I down there? I've been good to people and I served and feared God. At ang sabi lang nila saakin;



"We're giving you the chance  to seek revenge."



Noong una ayaw ko, kasi bakit ko naman iyon gagawin? I mean, yes, my death was cruel but that doesn't mean I should be evil and seek revenge, pero sa mga araw, buwan at taon na nagdaan, parang unti-unting nabuo ang galit ko. Nakikita ko ang mga nangyayare at hindi ko iyon nagugustohan. They closed my case, my boyfriend proposed to my bestfriend, and they failed to find the criminal. They failed to find justice for me, kaya naman ako na lang ang gagawa ng paraan. I'll hunt them one by one. Buhay sa buhay. At walang sino man ang makapag-pipigil saakin.


Vengeance From HellWhere stories live. Discover now