Vengeance 4

1.2K 54 0
                                    

I am currently busy with my laptop doing some basic research about them when Manang Sally suddenly talked, I haven't even notice her appearance.


"Kilala mo siya ija?" Tanong niya, nasa laptop and kaniyang paningin. Napabuntong hininga na lang ako para maitago ang katotohanan na kilala ko nga itong tinuturo niya. Kilalang-kilala.


"Hindi po manang. Nakita ko lang na isa siya sa mga may-ari ng mga sikat na kompanya dito sa Pilipinas." Pagsisinungalin ko. "Ikaw manang? Kilala niyo po siya?" Tanong ko nang mapansin kong titig na titig siya sa litrato. Tumango siya kaya naman medyo nabuhay ang interes ko.


"Naalala kong siya yung nagsumbong sa polisiya tungkol doon sa kaibigan niyang nakidnap at na-gang rape. Hindi niya nakita ang pangyayare ngunit nakita niya yung lalakeng biktima sa isang lumang bodega na isa sa mga pag-aari ng kaniyang magulang." Para akong binuhosan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Kalat na kalat ba noon yung nangyareng iyon?


"M-Manang yung biktima pong babae?" Nauutal kong tanong.


"Ang sabi noong lalakeng biktima na nobyo pala noong babae ay ginahasa daw at pinatay, ngunit nang balikan nila ang lugar kung saan naganap ang krimen ay wala na silang naabotan na bangkay. Hanggang ngayon ay di parin nahahanap ang katawan. Hanggang sa tuloyan nang ibinaon sa limot ang nararapat na hustisya." Malungkot niyang kwento. Parang may kung ano sa dibdib ko ang bumigat. Masyado kong pinipigilan ang emosyon ko. "At alam ko rin na ikaw ang babaeng iyon, ija." Dagdag usal niya na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mga mata  at maluha-luha akong napatingin sa kaniya, ngunit nginitian niya lamang ako.


"A-Alam niyo po?" I asked in disbelief. Akala ko si Lucifer lang ang nakakaalam. Tumango siya.


"Di ikaw ang una kong naalagaan ngunit ikaw naman ang huli. Alam kong mahirap sayo na gawin ang iyong tungkulin kaso iyon ang nararapat, kaya nga nandito ka para roon." Umupo siya sa tabi ko masuyo akong niyakap, dahilan kung bakit tuloyang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Wag kang mag-alala, magiging maayos rin ang lahat. Wag mong pigilan na gawin ang kung anong mag papasaya saiyo, ngunit wag mo rin kakalimutan ang dahilan kung bakit ka nandito."


Para akong batang humagulhol sa balikat niya. Yung mga haplos at yakap niya ay parang isang ina. Inilabas ko ang lahat ng poot at galit sa pamamagitan ng luha.


"Maging matapang ka, Athena." Humiwalay siya saakin at pinunasan ang pisnge ko. "Nandito lang ako para saiyo."


"S-Salamat po." Saad ko na ikinangiti niya kaya napangiti rin ako.


Pagkatapos nang pangyayareng iyon ay iniwan niya na ako dahil may trabaho pa siya. Ilang minuto pa akong natulala bago ko ipinagpatuloy ang pagre-research ko.


He also own a company. Have a fiancé. Right, it was only two person who manipulated me. Ibig sabihin, this guy was also there. A look out, I guess. And after doing the crime, he's the one who reported it to the police. Bobong mga pulis, ni hindi ba sila nagtaka kung bakit nadoon din siya? Kung bakit sa lahat ng lumang bodega e doon pa talaga sa pag-aari ng mga magulang niya? Tsk mga bobo.


"Oh you're doing some research huh?"Muntik ko nang mabitawan ang laptop ko dahil sa biglaang magsulpot ni Lucifer.


"Gosh Lucifer, you could at least walk through that door and act like a goddamn normal person!" Nanlalaking matang sabi ko.

Vengeance From HellWhere stories live. Discover now