Twenty Six

3.6K 128 23
                                    

Chapter Twenty Six

Warning: Mental health triggers. SPG.

Relationship

The cold wind whispered as the sunset's blazing orange and purple pink hues illuminated the whole place. The stereo hummed my favorite hit as I danced to its beats. I freely let my arms spread as I feel the euphoric feeling that made me feel so vulnerable and free. I closed my eyes and allowed myself to enjoy this moment.

Slowly, I opened my eyes to welcome a set of familiar eyes, all smiling at me from ear to ear.

"Happy birthday, Cadi... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you..."

I listened as they sang the song, I am completely amazed that my favorite people are here... We may be far away from our home but they brought it here and for that I'm thankful.

"Make a wish, Cadi." Ngumiti si Heaven at nilapit sa akin ang red velvet cake. Ngumisi ako at tinignan sila isa-isa. Magkaakbay si Valerio at Saturn. Si Corly naman ay may hawak na cellphone at vinivideo ata ang mga nangyayari. Si Samantha naman ay nakangisi sa akin at pumapalakpak. Si Gelo ay may binuksan pang party poppers habang nag-uunahan naman si Veron at Camilla na ilagay sa ulo ko ang party hat.

I closed my eyes as I whisper my only wish. To be genuinely happy.

Taon taon kong hinihiling iyon at hindi pa naman ako binibigo. Maaaring simpleng hiling lamang iyon pero sa panahon ngayon, mahirap nang maging tunay na masaya. Iyong saya na may hatid na kapayapaan ng kalooban. Iyong saya na mararamdaman mong nanonoot sa bawat kalamnan mo.

I wished one more thing before blowing out the candles. Sana'y mahanap na rin si Kaia. Sana magpakita na siya.

"Happy birthday, bitch!" Sigaw ni Saturn at mabilis na binuksan ang Champagne.

Napatili kami nina Veron. Hinigit ako ni Gelo palayo roon at tinabi kay Heaven na ngayon ay abala sa pag-aayos ng mga pagkain.

"Kain muna tayo," Anyaya ni Heaven at sinulyapan si Gelo na ngayo'y sinesenyasan na akong ipakilala siya sa kaibigan ko.

"Heaven, this is Gelo." Natatawa kong pagpapakilala.

"Hi, sabi ko na nga ba na totoo ang langit eh." Si Gelo at naglahad ng kamay.

"That won't work on me, Sir." Tawa ni Heaven ngunit kinuha rin ang kamay nito.

"Pero tumawa ka." Si Gelo. "Gusto mo patawanin kita for the rest of our lives?"

Napairap ako pero natawa rin. Ang landi ha! Tignan natin kung effective ba 'yan kay Heaven.

Napuno sila ng asaran doon nang lumapit sina Veron. Chineck ko ang cellphone ko dahil kanina pa ito puno ng mensahe mula sa mga kakilala at siyempre kay Alder. Sinilip ko iyon habang abala na ang lahat sa pagkuha ng pagkain. Nilaksan din ni Valerio ang tugtugin at ilang ulit pang sinigaw na birthday ko.

"Looks like someone misses you so much." Corly smirked at me.

"That someone is my boyfriend, Corly."

"I still can't believe it, Cadi. Grabe... Like when you told me about it, I am literally happy for you. Finally... After all those years."

"Makapagsalita ka naman, parang ikakasal na ako!"

Humalakhak kaming dalawa at sinabihan ko na siyang unahin na ang pagkain. Tinignan ko ang mensahe ni Alder at agad na napangiti.

Alder:
Dinner time.

Alder:
Nag ce-celebrate na kayo?

Alder:
I want you to enjoy please.

Alder:
I know I said I want you to enjoy but can you call me, please?

Be My DaddyWhere stories live. Discover now