Twenty Three

3.8K 155 92
                                    

No update tomorrow because it's Sunday. I hope you enjoyed this one, this is a long one. :))) Please keep safe and healthy!

Chapter Twenty Three

Warning: SPG

Rough

"You're kidding!"

"I'm not, Valerio!" Irap ko at marahas na hinawi ang buhok na tumatabon sa aking mukha. Sa likuran niya ay nakahalukipkip si Saturn, hindi rin makapaniwala at kanina pa nakatitig sa akin habang kinekwento ko sa kanila. Tahimik si Heaven at tila rin nag-iisip.

"Saan ka nakabili ng gayuma? Marami ba diyan sa Davao? Kaya ba diyan mo napiling tumira ha?"

Tumawa ako.

"I'm offended ha!"

"We didn't mean to offend you, Cadi." Si Heaven. "But it's just too surreal."

"I know right!"

I know that they are shocked as well. Never in our wildest dreams have we imagined this. It's easier to think that I am still the one chasing him.

"Anyway, let's not jump into conclusion." Si Heaven ulit. "Maybe he's just being friendly."

"Bumabawi siguro."

"I'm just going to make the most of it." Ngiti ko.

Buong week ay abala ako sa mga meetings namim sa private companies. Naghahanda na rin ang buonh institute sa pagpaplano para sa parating na anniversary nito sa Nobyembre pagtapos nom ay magpaplano na kami para sa Christmas party at year end party. Abala rin ang buong team ko sa pag-aayos ng funds para sa nalalapit na donation drive na isasagawa ng mga scholar na estudyante nh institute.

Inayos ko ang mga files na kailangan kong i-check bago kami makipag meeting sa Mayor's office mamayang alas tres. Pinatawag din ako kanina ng head namin at may iilang mga importanteng binilin.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at nag stretching sandali habang nirereview ang files. Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho rito, walang-wala ang lahat ng pagod ko kapag nakakapag close kami ng deals at nakakapagsilbi nang maayos sa mga mamamayan, nakakatulong at nakakapaghatid ng serbisyo na makakatulong sa mga tao at sa mismong siyudad.

Tumunog ang cellphone ko. Sinulyapan ko ito at napataas ang kilay nang makita ang pangalan ni Alder sa notification tab.

Alder:
Nag lunch ka na?

Napasipol ako at ngumisi. Sumandal ako sa aking swivel chair at tinitigan ang text niya.

I have never felt so happy upon receiving a certain text. Pakiramdam ko, biglang nagkaroon ng kuwenta ang sim ko.

Ako:
Hindi pa. Ikaw?

Alder:
I bought lasagna and steak.

Ako:
Para sa akin ba 'yan?

Alder:
Can I call?

Parang mistulang naging tarsier siguro ako habang nanlalaki ang mga mata nang makita ang mensahe niya. Tatawag siya?!

Nananaginip ba ako?

"Miss Cadi," Kinuhit ako ni Camilla at binigay ang panibagong tambak ng files.

Naalala ko bigla na nasa trabaho pala ako.

Ako:
I'm still at work. Mamaya na.

Alder:
I'm at the lobby though.

Napatayo ako sa upuan ko. Marahas tuloy napatingin sa akin si Veron at Camilla.

Be My DaddyWhere stories live. Discover now