Sixteen

3.3K 123 18
                                    

Chapter Sixteen

Sister

I left Saturn an hour ago. Aniya'y doon lang muna siya at magmumuni-muni samantalang ako'y nagbibihis para sa dinner namin mamaya. Wala naman si Mama dito sa bahay. Sina Manang at mga kasambahay lang ang kasama ko. Si Valerio, siyempre kasama na naman si Heaven.

Maingat kong sinalansan sa kama ang mga dress na pagpipilian ko. Nag shower ako sandali at tinali ang buhok sa isang mababang ponytail. Naglagay din ako ng makeup. I smeared a dark red matte lipstick at my lips as I stare at the mirror.

I picked a black satin midi dress, with a v-cut neckline, thin straps and a deep cut in the back to show off my back. I also brought a small black clutch and a black trench coat to cover me while I'm outside.

I drove my car to one of the city's finest high end restaurant strips. Nang namataan ko ang restaurant na tinutukoy ni Mama ay agad akong namangha. At may naalala. I have seen this resto before. I'm not just sure.

Lumabas ako ng sasakyan at nakita ang logo at tatak ng kompanya nina Alder sa facade ng resto. Maybe, they own this block too? Maraming tao sa restaurant pero mukhang mayroong private room para sa amin. Isang sabi ko lang na I am with Antoninus Salvatore ay ginaya na ako paakyat patungo sa isang mahabang alley na mistulang wine cellar sa Italya.

Dahil concrete brick ang pader, hindi agad ako nakita ni Mama at Antoninus. Parehas na seryosong nag-uusap ang dalawa at lumapit ako nang bahagya para marinig ang usapan nila. I don't really do eavesdropping but I feel like right now, I need to.

"Alder's not answering your calls?" Rinig kong tanong ni Mama.

"Maybe he's still mad."

"I also texted him to apologize, Anton." Mama sighed.

Hinaplos ni Antoninus ang kamay ni Mama. "It's almost two years..."

"Kailan siya uuwi rito?"

Antoninus sighed and shook his head.

"Make him come home, hon."

"It's not easy, Cali. Alder is stubborn and a bit rude at times."

"Well at least for our wedding, hmm?"

"Wedding?!" Bulalas ko.

Napatingin ang dalawa sa akin. Tila gulat na gulat si Mana at si Antoninus naman ay napatuwid lalo sa pagkakaupo. Umalis ako sa pagkakatago at taas noo silang hinarap. Tinanggal ni Mama ang kamay ni Antoninus na nakapatong sa kamay niya.

Kunot noo akong lumapit sa kanila.

Hindi ko alam ito! Magpapakasal sila?! Bakit?! I cannot believe this! At tinago ni Mama sa akin? Kailan pa?

"Wedding, Mama? Can you repeat it? Baka nagkakamali lang ako ng pagkarinig?" Natatawa kong sabi pero walang humor doon.

"Calais, sit down." Marahan ngunit mariin niyang sabi.

"No."

"I want to know about the wedding."

She sighed. Antoninus stood up too, as if he's about to explain everything to me. But I don't want to hear him or what he has to say. My mother should be the one to explain things to me!

"Cadi-"

"Anton, let me talk to her." Hinawakan ni Mama ang kamay ni Antoninus at halos mapairap ako.

"Anton proposed to me last month."

"Last month?!" Gulat kong tanong. I cannot believe this!

"Wow, Ma. Gustong-gusto mo talagang sinusurpresa ako."

Be My DaddyWhere stories live. Discover now