Kabanata 7

26 4 0
                                    

Jusko. Anong nangyari sa taong 'to?! Saan ko ba dapat idispose ang katawan?! Sa akin ba mapupunta ang kayamanan? Magtigil ka Ally Kancia! Kahit halos pumutok na ang mga ugat ko sa katawa'y hinila ko ito pahiga sa lapag. Mahirap na. Huwag na siyang choosy, sa panahon ngayon dapat thankful ka kahit hinila ka at pinahiga sa lapag. Oo ganoon na nga.

Naupo ako sa may silya habang hinihintay ang inorder kong dessert sa may cafeteria. Tutal at may 10k ako, why not treat myself right? Feeling ko deserve ko ito, oo deserve ko mag order sa shoppe mamaya.

“Salamat!” Nakangiti kong sabi sa may staff, “bayaran ni sir later, libre niya daw. ” Sabay turo ko kay Ysmael na nakahandusay sa sahig.

Nanalaki ang mga mata nito sabay nanginig, “m-ma'am buhay p-pa ba si sir?” Anito, nauutal. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, singtamis ng pag-iibigan namin dati. “T-Tawag na po ba ako ng pulis?”

I shooked my head, “ah, sabi kasi sa akin ni sir all his life hindi pa niya nararanasang matulog sa sahig kaya pinagbigyan ko siya..” Tumawa pa ako. “Kita mo! Saan ba pwede itago ang bangkay?” Mas lalo itong nanginig. “Joke lang! Ikaw naman!” Para itong nakakita ng krimenal dahil sa nanginginig na ito. “Hoy joke lang baka atakihin ka diyan ah!” Walang salita nalang itong tumango at umalis na. Bahala siya, basta ako inosente ako.

“Alam mo Ally! Sa lahat ng sa comi ay ikaw ang pinaka pilya! Idinamay mo pa si Mother Castera sa kalokohan mo..” Pangsesermon ni Mother Therese sa akin dito sa may ampunan.

Sumamingot ako. “Mother tinanong ako kung saan ako kumuha ng holy water kasi nga inutusan nila ako kahit na hindi naman dapat..” Ani ko napasapo ito ng noo. “Hindi ko naman alam na hugasan pala iyon ng kamay.” Katwiran ko.

“Hayy, nakung bata ka!”

Kumusta na kaya si Mother Therese? Strong pa rin kaya siya? Ang ampunan, naroon pa kaya? Iwinaglit ko na lamang ang kaisipang iyon, hindi na ako babalik. Hinding-hindi na si Mother Therese lang naman ang dahilan bakit ako nanatili at ng sabihin niyang tumakas na ako'y walang pagdadalawang isip ko itong sinunod.

“Hmmm..” Mukhang nagising na ang himatayin. Patuloy pa rin ako sa pagkain. Gumalaw na ito pagkuwana'y nagmulat na ng mata agad kong inilahad ang aking kamay. “W-What?”

I gave him a smirked. “Ten tawsan... Geb me, geb me..” Saglit siyang natigilan. “Hoy! Deal is a deal ah!” Pinagpagan niya ang suit nito, pagkuwana'y walang salitang pumasok sa loob ng office. Pero may napansin ako. “Namumula..”

_______________

Ysmael is ignoring me big time. Iwas ang lalaki para bang may malaking problemang kinakaharap sa buhay nito. Animal siya baka akala nito ay makakalimutan ko ang pangako niyang ten tawsan! Isasama ko iyon sa listahan ko ah.

Pa virgin pa hindi ata matanggap ang katotohanan na nahimatay ito at napatunayang wala siyang binatbat sa kalandian kong taglay. May appointment siya ngayon, kaya hala sige tiisin niyang iwasan ako hanggang sa matapos ang meeting.

“Miss––Ally?!” Napalingon ako sa boses na iyon, boses nageeskandalo. Napatigalgal ako dahilan para mabitawan ang envelope na hawak, punyeta, eto na ba ang katapusan ko?

Ngingiti ba ako o sisimangot? Dahil si Jeruso lang naman iyan! Ex boyfriend kong hiniwalayan ko dahil naghirap na at ang masama pa sa masama ay alam nito kung ano talaga ako, kung sino ba at saan nagmula. “Jeruso..” Masaya niya akong niyakap kaya't nagtatakang tinitigan kami ng lahat ng empleyado sa kumpanya ni Ysmael. “Hoy, bitaw, kadiri naman amoy kili-kili..”

“Grabe ka Ally hanggang ngayon ganiyan pa rin ang bunganga mo. Akala mo napatawad na kita sa ginawa mo noon?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Pero hindi bale maganda ka naman kaya pinapatawad na kita..”

Ang tagal ni Ysmael ah, ininom na ata ang tubig sa may inudoro. “Ikaw si Mister Tar? Grabe Jeruso Tar. ” Ani ko.

Nahihiya naman itong nagkamot batok. “Noong hiniwalayan mo ako nakahanap ako ng mayamang amerikana,” ah kaya pala, mahilig ang mga amerikanang sawi sa pag-ibig ng mga pinoy based on my opinion ah. “Ayon nga, sinuwerte namatay ng maaga napunta sa akin ang mana. ”

Ay sana all, ganoon din sana ako. “Wow..”

Tumango-tango ito. “Kaya ako na ang may ari ng TarTar company,” wala akong masabi. “Nasaan ba pala si Mr. Dela Serna?” Pagkuwana'y tanong nito.

“Mother Therese?” Nag-iwas ng tingin.

Dinig ko ang bigat ng atmospera dahil sa binanggit ko. Nanalangin na sana'y may malaman kay Jeruso patungkol kay Mother Therese. “Ah, dinalaw ko siya noong nakaraang linggo. Wala na ang ampunan, ” nanigas ako. “Nanghihina na rin si Mother Therese, wala na sila Ally.. Balita ko'y sabay-sabay silang nakulong... Kailan mo bibistahin si Mother?”

Kailan ba? Dapat pa ba akong bumalik? Natuturete ako sa sitwasyon, may kung ano sa akin ang gustong puntahan ang matanda ngunit nanaig ang takot na balikan nila ako.. Na ilagay ulit nila ako roon.

Bumuntong hininga ako. “K-Kapag kaya ko na..” Iyon nalang ang nasabi, kita kong may pagtutol nito ngunit isinantabi nalamang. “O-Osya tara na at pumasok na tayo sa office ni Sir.” Nanatili kaming nagkamustahan hanggang sa mabuksan ang office ni Ysmael, doon tumambad ang masaya nitong ngiti kasama ang isang babae.

Pinasadahan ko siya ng tingin, matangkad, supistikada, halatang mayaman at amoy mayaman. Masaya silang nag-uusap at naghahaplusan na para bang ilang daang taong hindi nakita ang isa't isa. Hindi ba kami napansin ni Ysmael? Talagang busy ito sa babae? Mas lalong nangunot ang noo ko ng bigyan siya ni Ysmael ng pamilyar na bracelet.

“Nuyan?” Tanong ko habang hinihiwa ang mga gulay. “Ay bingi.” He scratched his head and gave me apologetic look.

“A-Ah, for the girl I like..” He answered, my mouth turned into 'o'. “Gusto mo isukat?” My brows creased, my heart started beating fast.

“Sige..” I said. He smiled a contended one. “W-Wow..” Pinagmasdan ko ito, talagang namamangha. Siya mismo ang nagsuot sa akin. “Ang ganda..” Bulong ko.

I felt his stares, “mas maganda ka.”

I smirked. “Alam ko matagal na.”

Bakit ba ako nakakaramdam ng iritasyon? Hindi naman niya ibinigay sa akin iyon, pinasuot niya lang. Tangina mo Ally ano bang ginagawa mo? Maghunus dili ka are..

I faked cough causing for them to look at us, Ysmael eyes widened the girl looked at me with disbelief like I just ruined their moment. Ah, yes, I fucking ruined the moment. “Sir, Jeruso Tan is here..” I glance at Jeruso who's smirking probably notice my reaction. “Kanina ka pa niya inihintay. ” I said in a cool and moody voice. I don't know why he's incapable of thinking, he just stared us.

Ng makapasok na si Jeruso sa loob ay dali-dali akong tumalikod, mainit ang ulo sa hindi malamang dahilan.

“Letse ka Ysmael!”

Stop, Ready and Go Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon