Prologue

108 7 1
                                    

To: Aly Kancia
From: Macarena De Panglaba

Goodmorning, we're expecting for your resume tomorrow at 8 am sharp.

Goodluck Aly!

Napangisi ako sa text ni Macarena isa sa mga ichinismis ko sa isang kumpanyang inapplyan ko, noong una snobber ang gaga pero hindi rin nakayanan ang kadaldalan kong taglay at iyon nga, bumigay na at hanggang sa naging magkaibigan kami.

Strategy para updated ako kung kailan ulit sila maghi-hire ng empleyado. Mahirap ang buhay ngayon kahit nga tapos ka ng kolehiyo ay mahihirapan at mahihirapan kang mag-hanap ng trabaho. Opinion ko lang ah, mas mahal pa ang tuition fee sa private school sa college per course kaysa sa magiging sweldo mo rito. Naku, hassle is real.

Kung pwede lang maging trabaho ang kalandian siguro milyonarya na ako ngayon. Sa sobrang dami kong naging nobyo ay mahihiya na ang guardian angel ko sa akin, jusmeyo pero ni isa walang tumagal.

Pampalipas oras. Iyon lang, pampalipas oras.

"Aly are you going with us?" Napabaling ang atensyon ko kay Chielsea kaibigan kong mayaman. "Are you?" Tanong niya ulit, napatulala ako. May job interview na bukas, sasama ba ako o hindi?

Abala silang nakahilata sa mahabang coach dito sa bar, magagarang damit at mamahaling alak. Pero oo, wala akong ambag. Nakikiinom lang.

Hilaw akong nangiti, "oh, I'm sorry Chiels. I'm busy na kasi, you know.. I want to be independent na, because I feel like I need to strive harder at huwag magpapetiks-petiks.." I rolled my eyes, "you know, company ni dad." Maarte akong natawa pagkuwana'y napangiwi.

Napapagod din ako, nakokonsensya sa arteng 'to. Sarili ko lang ang niloloko ko at oo, pati na rin sila.

Sharine smiled, "oh? Is that so? Siguro next time nalang," aniya. Tumango ako at nagpaalam na. Susunod pa sana si Francis pero dali-dali akong lumabas para hindi na ito makasunod.

Lumakad ako papalabas sa bar, napatingala. Madilim na, kailangan ko pang umuwi at matulog para bukas another episode na naman ng kakapalang mukha. "Company, company. Amputa." Napatawa ako ng malakas, company daw. Ng makalayo na sa bar at nasiguradong wala ng makakakita sa akin, pabalya kong hinubad ang heels kong suot na hinarbor ko lang sa katrabaho kong janitress.

Ilusyonada ampota. Company daw.

"Aly, ayusin mo bukas gaga ka. Wala na tayong isasaing, wala ka ng makakain. " Ani ko sa sarili, hindi sa lahat ng oras ay may mahuhuthutan ako, may mauuto. Kailangan kong lumita dahil magugutom ako.

Kapag nagutom ka, mamatay ka. Cause of death ay ang walang makain. Pero syempre dahil patay gutom ako, marerevive rin ako. Cause of recovery ay Patay gutom to the max, thank you for the free food.

Napabuntong hininga ako, "wala mg libre sa mundo ngayon. Lahat binabayaran, mahirap magkaroon ng utang na loob dahil baka pagkurap mo sisingilin ka ng malaki. Pera, oo pera ang kailangan. " Ani ko.

At totoo 'yon, pera ang kailangan ko sa mundong ito. Dahil wala naman akong kakapitan kundi ang pera at ang sarili ko.

______________

Alas singko palang ng umaga ay nakaporma na ako. Blouse at skirt, mayabang akong nagikot-ikot sa malabo at basag na salaming naharbor ko lang. "Ukay-ukay is the best, " mura lang kasi sa ukay-ukay tapos marami pang pwedeng pangporma. "Pero ang walang pera is umay-umay everyday."

Stop, Ready and Go Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon