Kabanata 1

50 5 0
                                    

"Kaya mo 'yan Aly!" Ani Macarena, pinapalakas ang loob ko. Oo malakas ang loob kong magback out na.

Marahas akong napalunok. Malinaw pa rin sa akin ang ginawa ko kanina, ang lakas pa man din ng loob kong sabihing ako ang may-ari ng kumpanya sa harap mismo ng totoong may-ari. Potangina Aly!

Magsasalita pa sana ako para magback out ng itinulak ni Macarena ang likod ko papasok sa interview room. Pagkapasok ko palang ay agad kong nadama ang malamig na simoy ng hanging mula sa aricon. Ang madilim na kwarto na animo'y walang kuryente.


Napalunok ako ng isarado na ni Macarena ang pinto dahilan para maiwan kami ng magiinterview sa loob ng kwarto.

“So... The owner...” Tuwid akong napatayo, kahit na hiyang-hiya ako sa nangyayari. Ramdam ko ang panunuyam sa boses nito. “Shall we start?”  Tumango ako't inabot ang envelope sakanya. Maangas niya naman itong tinggap at ibinulatlat pa. “What's your name?”

Kahit another episode na naman ng kahihiyan ngayon gora pa rin. Seryoso ko siyang tinitigan hanggang ito na ang kusang mag-iwas bg tingin. “My name is Aly.. Aly Kancia Bela Flores. ” Bigla itong tumawa ng malakas.

Napahampas pa ito sa lamesa. “Damn, really?” Hinayaan ko itong tumawa baka mautot pa kapag pinigilan niya. “Aly Kancia? It's like a piggy back!”

Kasalanan ko bang pinangalanan ako ng namayapa kong mga magulang ng ganiyan? Baka na sense nilang mukha akong pera paglaki.

Tinaas ko ang isa kong kilay, “first of all. You are fired.” Nanigas ito, “second maganda ang name ko, unique. ”

“Hey! I'm the owner you can't fire me–”

“––third, I quit, I'm fired. ” His mouth gaped open, wider. His eyes were shock. “I'm firing myself!” At tumawa pa na parang nababaliw.

“The fuck?” Hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari hinayaan ko lang siyang nakatulala sa may upuan. Agad akong lumabas ng interview room, binabawi ko na. Ang mahalaga makaalis ako rito dahil ibang level ng kashungahan ang ginawa ko.

Ano ba 'yan Aly! Trabaho na naging bato pa! Singkwenta pesos nalang ang budget ko, tangina.

“Oh, ang dali mo naman?” Nagtatakang tanong ni Macarena, taranta akong napa-ayos ng tayo at hinigit ang kanyang kamay papalabas ng building. “Anong meron?”

Bumuntong hininga ako, “quit na ako Macarena. Hanap na lang ako ng ibang trabaho, hindi ko keri rito.”

Bumakas ang pagtataka sa kanyang mukha. “Bakit? Ang taas kaya nila magpasweldo.” Anito.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at seryosong tinitigan siya. “Narealize ko lang na hindi pala ako bagay dito,” wika ko. “Kasi baka ma left out yung may-ari kasi mas mukha akong owner sakanya, hindi rin keri ng kagandahan ko ang company na 'to.”

“Gaga ka!” Sigaw nito, natawa naman ako.

“O'sya Macarena, hahanap ako ng sideline para may pangkain ako mamayang gabi, kung may alam kang ibang trabaho just contact me. Kung hindi ichichismis kong nakipaglaplapan ka sa ex mong janitor sa may locker room. ” Namutla ito, kumaway na ako sakanya at nagtatatakbong umalis.

Kamalasan! Walang pangkain mamaya, hay.

_____________

“Oh, I'm sorry kasi you know naman Chiels na I'm so busy..” Maarte akong natawa, pinagkurus ang legs kong naka expose sa halos kinulang na telang damit na hapit na hapit sa katawan ko.

Stop, Ready and Go Where stories live. Discover now