Kabanata 4

27 6 0
                                    


“May appointment ka mamaya,” tumango ito at tamad na nagpangalumbaba sa lamesa niya. “Ayusin mo 'yang itsura mo,” sabi ko.

Habang nakakunot ang noo n'ya'y hinarap ako nito. “What's wrong with my face?”

I rolled my eyes, “mukhang labag sa loob mo. Tapos mukha kang masama ang loob at ayaw makipag-usap sa bisita. ” Umingos ito sa sinabi ko.

Totoo naman kasi, simula ng magtrabaho ako sakanya'y kabisado ko na ito. Bawat buntong hininga at pagkunot noo. Mukha nga siyang asong gutom.

“I'm sleepy..” Aniya, napailing ako. Bakit ba naman s'ya papasok ng mas maaga sa dapat na oras ng pagpasok? Imagine anak s'ya ng owner pero kung pumasok ay parang college student na ayaw malate sa unang klase nito.

Nakapameywang ko siyang hinarap, ibinaba ang mga files na hawak ko. “Bakit naman kasi pumapasok ka ng maaga?!” Inis kong sabi. Magmula ng magtrabaho ako sakanya araw-araw nalang itong inaantok. “Gusto mo dito ka na tumira?!” Gigil kong sabi, sumimangot lang ito. “Ano sumagot ka!”

With his creasing brows. “I'm the boss,” tinaasan ko siya ng kilay. “You shouldn't talk to me like that...” Biglang naging bulong ang sinabi niya marahil ay natakot sa mukha ko. “Stop shouting at me...” At dumukdok sa desk n'ya.

At bakit ako titigil sa pang-aalipusta sakanya?! Aba'y swerte na ako sa trabaho ko at dapat career na career ko! Sayang ang pasweldo niya. “Hala, wala akong pake! Tayo at may appointment ka!” Ng hindi ito tumayo ay naglakad na ako sa may gilid niya at hinila ang mga kamay nito.

Naiinis ako sa pagmumukha ng lalaking 'to. Ang tamad at walang buhay kung tignan! Para s'yang tambay! Binabawi ko na ang sinabi ko dating pwede siyang gawing sugar daddy! Hindi s'ya pwede! Denied agad!

“Okay.. Okay..” Pagsuko niya. Inayos ko muna ang buhok at necktie nito bago kami sabay na lumabas ng office niya. Agad na sumalubong sa akin si Macarena na nagthumbs up pa, ngumiti ako sakanya.

“This way, sir. ” Pormal kong sabi  agad kong nakita ang naghihintay na bisita.  Nakaupo ito at may binabasang papeles. Pinasadahan ko siya ng tingin magmula ulo hanggang gitna–este baba. Napasipol ako ng mahina na sinuklian naman ng masamang tingin ni Ysmael. “Pogi, matcho pwedeng-pwede sa sugar daddy list..” Bulong ko.

Magkasalubong ang kilay na hinarap ako ni Ysmael. “What?” Mukhang pikon na ang tamad.

I rolled my eyes, “wala, chismosong tambay.” Ani ko.

Ng mapansin kami ng bisita ay napatayo ito at nakipagkamay kay Ysmael. Pumasok sila sa loob ng conference room at naiwan kami ng secretary ng bisita sa loob. Mukhang gigil si Ysmael kanina ng pumasok sila ng bisita sa loob, aba bakit naman gigil ang tamad na tambay?

Magkakrus ang mga hita akong naupo sa upuan at nagstraight body pa. Tinignan ko ang sekretarya ng bisita na naka-upo at abala sa kung saan sa cellphone nito. My inner competitive self is awaken ng makita ko ang pustura niya.

Naningkit ang mata ko ng makita ang name plate nito, Esmeralda. Sosyal bumaba ang tingin ko sa kung saan nakasabit ang name plate.

NakaumbokAni ko sa isip, malaki ang future niya at maging ang pinaka huling henerasyon ng hinaharap ay nasakanya. Sana all, nanlulumo akong napatingin sa akin. Hindi man lang napantayan ang future niya at mukhang pass lang ang akin.

Hindi kagaya sa mga romance sa television na kung saan pamatay batok ang pustura ng mga sekretarya ang itsura ko. Mukha pa rin akong naligaw.

“Huh?” Ani ng sekretarya kaya awkward ko siyang tinignan. “Why?” Anito. Nailing ako pero nasa kanya pa rin ang tingin. Nagtataka ko siyang tinignan ng tumawa ito ng mahina. “Now, I get it.”

“Ah?” Sabi ko.

Kumindat ito sa akin at mas shinowcase ang fourth generation future. “Pills lang 'yan at bra na may foam..” Lumaki ang mata ko. “Tapos after ilang months lumaki na ng kusa.” Napatango ako, ano kayang pills 'yon? Gusto ko rin!

Imagine maglalakad ako papasok sa company tapos kabog ko pa ang iba, pustura palang nakakamatay na. Ngunit naudlot ang plano ko ng pumasok sa isip ang mga bayarin sa upa kong apartment, bayarin sa pagkain at iba pa.

Siguro next time nalang. Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan ng sekretarya natapos ang meeting at nagkanya-kanya ng labas ang mga boss namin.

“Uy,” tawag ko kay Esmeralda bago sila umalis ng boss niya. “Ano pangalan ng boss mo? My girlfriend ba?” Tanong ko.

Umiling ito, “naku free 'yan. Sayang at may jowa na ako,” aniya, aba't aagawan pa ata ako ng gaga. “Xenvri Guevara ang pangalan, hot noh?” Tumango ako, hot na hot! “Naku, ba-bye na!” At kumaway na siya papaalis.

Abot tenga ang ngiti ko, Xenvri pala ah. Agad na kinapkap ang magic listahan na nakaipit sa bra ko, napapantastikuhang nakatingin sa akin si Ysmael. Dali-dali kong isinulat ang pangalan ni Xenvri Guevara sa listahan at nilagyan ng marka. Ayan, nakakakilig.

“What's that?” Tanong ni Ysmael habang nakadungaw sa listahan. “Huh?” Aniya.

Bumelat ako sakanya, “listahan 'yan ng mga pwede kong gawing sugar daddy!” His face crumpled, inagaw ang listahan sa akin at agad na binasa. Nangungunot ang kilay niya kapag nakakabasa ng mga pangalang pamilyar sakanya, siguro yung mga fafabol na nakameeting niya kagay ni Xenvri.

“Why I'm not in the list?” Mukhang badtrip na siya. “And why the hell my previous investors are here?! Even corrupt politicians!” He exclaimed.
Humalikipkip ako, pwede ba trip ko 'yon! Imagine hindi lang ako yayaman sisikat din ako. Charot only.

Umiling ako at muling inagaw ang mahiwaga kong listahan at agad na itinago sa bra ko. “Hindi ka qualified, mukha kang tambay.” Ani ko at naglakad na papaalis.

“You! Argh!” Natawa nalang ako sakanya.

Ng marating ulit ang office, agad akong umupo sa aking mahiwagang upuan at nagsimula ng magtipa para matapos ang trabaho ko. Ng tanghalian ay may naglapag ng paper bag sa mesa ko at ng mag-angat ng tingin ay sumalubong ang baftrip pa ring si Ysmael na may subo-subong ice pop.

“Oh?” Natatawa kong tanong, umirap ito. “Parang bata..” Ani ko at tumigil muna sa pagtra-trabaho para kumain. Pagkuwana'y bumalik na rin ako sa pagtitipa at pagbabasa.

Hindi ko na namalayan na gabi ng matapos ako. Ganito naman lagi, nakakahiya kasing hindi umakto ng tama. May hiya naman ako kahit papaano, inahire niya ako sa trabaho kahit na 'di ako tapos ng pag-aaral, nakakakain na ako ng tama at sapat higit sa lahat ay may pera na akong ginagastos kaya ito nalamang ang paraan ko para masuklian ang mga bagay na ibinigay sa akin ni Ysmael.

Iniligpit ko na ang mga kalat ko at nagtipa ng mensahe para kay Chielsea. Hindi na kami madalas magkita dahil na rin sa trabaho ko, babawi ako sakanya.

Tumayo ako't inilock ang opisina pero natigil ng makita ang boss kong nakaupo sa may waiting chair. Nakapikit ay animo'y antok na antok na ito.

Nagtataka ko s'yang nilapitan at marahang niyugyog para magising. “Hoy,” tawag ko pungas-pungas naman siyang tumingin sa akin.

“Why?” Tanong niya at humikab pa bago tumayo..“Let's go, I'm sleepy..”

Nangunot ang noo ko, “ah? Mauna ka na, malayo pa bahay ko. ” He didn't talk instead he help me carry my bag and stuffs. “At saka, hoy, secretary mo ako masyado kang feeling close.” Sagot ko.

“Who said you'll go to that apartment?” Hindi ko siya maintindihan, anong pinagsasabi nito? “I'm really tired sleeping late while waiting for you to come home, I'm tired waking up early just to see you on the office.. I'm pissed when you didn't include me on your potential sugar daddies. Fuck it, from now on you'll live on my condo. ” Nanlaki ang mata ko. “Don't worry, I bought new. There's two room separate to each other because you're my secretary. So I won't sleep late and wake up early just to see you... And hey, burn that list of yours because you don't need that...  I'm just here on your side,” he looked at me. “Willing to be yours–I mean willing to be your sugar daddy.”

Stop, Ready and Go Where stories live. Discover now