CHAPTER 3: Me and my girlfriend

1.4K 14 0
                                    


JERON’s POV


“Ano kayang mas bagay na sapatos ko para dito sa suot kong pulo? Itong dark blue o itong brown? Hay, ang hirap naman pumili. Itong hirap sa mga date eh! Kailangan maganda yung isusuot mo. I’ll ask Ahia na nga lang. He’s a pro when it comes to this. Sanay na sanay na yata yan makipag-date. HAHAHA!”



Bumaba na ako sa may living room. Andun kasi si Jeric eh, nanonood ng movie. Andun din yung older sister ko, si Almira. Advertising Arts student kasi yun sa UST kaya gumagawa siya ng mga plates niya ngayon habang nakikinood din sa movie na pinapanood ni Ahia. Si Papa naman andun din, nagbabasa siya ng newspaper. Yung eldest sister ko naman na si Alyssa, nasa work. Si Mama naman nagluluto yata…



“Anong meron Jeron ? bakit bihis na bihis ka? “ Tanong ni Jeric sa’kin. Nakita niya kasi ako habang pababa ako ng stairs.



“Monthsary kasi namin ngayon ni Julianne eh” sagot ko.



“Ah, monthsary niyo pala ni Julianne“ Singit naman ni Achi Almira.



“Ahia, anong magandang terno nitong polo ko?”



“Aba, hanep! Nag-aayos itong shoti ko para sa isang date” Sabay tawa nila ni Almira.



“Yan ka na naman Jeric eh. Niloloko mo na naman si Jeron. Tulungan mo na nga siya, alam mo namang di yan sanay sa mga date date na ‘yan eh!” Sabat naman sa kanila ni Papa

Wala nang nagawa si Jeric kasi si Papa na ang sumabat sa kanya. Hahahaha! Bully kasi siya sa’kin eh. Yan tuloy palagi siyang sinusuway ni Papa. *evil grin*



“Ahia, okay na ba talaga itsura ko?”



“Oks na yan Jeron. Teka baka nga mamaya yang girlfriend mo di man lang nag-ayos, samantalang ikaw inistorbo mo pa ako sa panonood para lang tulungan ka sa isusuot mo…”



“Ahia naman! si Julianne yun. Kilala mo naman siya, kahit na di na yun mag-ayos maganda pa rin siya…” Napangiti naman ako. Cheesy ko ‘no? Sorry naman.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” Yan na naman yung tawang napakalakas ni Jeric eh. Nakakaasar pa. “Ano ba naman yan Jeron! Ang korni mo ha! Ma-tweet nga!”  Sabi niya habang tuloy pa din sa pagtawa.



“Palibhasa kasi wala kang girlfriend kaya nakokornihan ka sa sinabi ko! Ganyan ka nga noon eh nung kayo pa nung ex mo, mas malala pa!”


Napatigil siya sa pagtawa. Bitter kasi siya sa ex niya. Hahahaha!


“Aba aba Jeron! Bakit mo naman sinali sa usapan yung mga kakornihan ko noon?! Wag mo na ngang ipaalala!”



Natawa ako. Bihira kasi ako manalo sa kuya ko tuwing mga ganitong asaran. Main weapon ko talaga yung ex niya eh. HAHAHA.

“Sabihin mo talo ka lang!” Nag-“:p” naman ako. Parang bata pa kami kung mag-away eh. Cute diba?



“Ako? Natalo? In your dreams Jeron. Hinding hindi yon mangyayari! Bahala ka na nga diyan. Badtrip ka naman kasi!” Nakanuot na yung noo niya habang sinasabi niya sa’kin yan. Halatang na-badtrip dahil sa akin. Hahahaha! I won! Woohooooo!



--------

TO: Julianne Teng (Oo, yan pangalan niya sa phone ko. Corny ko diba?) 


Babe, I’m here na sa resto. Where are you?  Text me if you’re already here! I love you :)


Nagkasundo kami ni Julianne na dito sa Rockwell magkita. Kahit na 12 pm yung napakasundua naming time para magkita, 11 am pa lang andito na ako. Minsan lang kasi kami lumabas nitong girlfriend ko kaya inaagahan ko pagdating. Short-tempered kasi siya at pinaka-ayaw niya yung pinaghihintay siya tuwing may lakad.



1 message received



FROM: Julianne Teng


I’m here na sa parking lot. I’ll be there in 5 minutes…



Ewan ko ba, this past few weeks napaka-cold na niya sa’kin. Madalang ko na nga lang siya Makita at makausap eh. Ang tipid tipid pa ng mga reply niya sa’kin sa mga texts. Siguro kasi busy nga lang talaga siya masyado. Di na nga kami nakakapagsama madalas dahil sa mga activities niya. Active student leader kasi ‘tong girlfriend ko. Mataas kasi expectations sa kanya ng Papa niya kaya ginagawa niya lahat para maging proud sa kanya yung parents niya. Naiintindihan ko naman siya eh.

“Hey Babe!” bati ko sa kanya

“Oh, Jeron!  There you are! So, what do you want to eat?” She replied.

“Happy Monthsary!” I smiled to her.



“Yeah, so what do you want to eat? I’m Hungry!”



Bigla akong napasimangot. Di man lang ba niya ako babatiin ng “Happy Monthsary”? Nahalata yata niya na bigla akong natahimik…..



“Uy joke lang! Happy Monthsary!” Napangiti ako sa sinabi niyang yun. Akala ko naman wala na siyang balak na batiin ako. HAHAHAHA



Dito kami kumain sa Chef Jessie. Paborito niya kasi dito. 6th monthsary nga pala namin ngayon. Tagal ko ring siyang niligawan eh. 2 years ang tanda niya sa’kin. 4th year High school siya nun sa ICA habang 2nd year High school naman ako nung sinimulan ko siyang ligawan. Sinagot niya naman ako last year the day before ng birthday niya. 

“Bakit siya? Bakit nagtsaga kang manligaw sa kanya ng 2 years?” ‘Yan yung palaging tanong sa’kin ng mga tao. Bakit nga ba ako naghintay sa kanya ng 2 years? Lakas din kasi ng tama ko sa kanya eh. Andami ngang babae na pinakilala sa’kin yung mga kaibigan ko pero si Julianne lang talaga yung gusto ko. Sekreto pa yung relationship namin sa parents niya . All these years palihim ko siyang niligiwan at napasagot. Mga kaibigan lang naming at pamilya ko yung nakakaalam. Gaya nga ng sabi ko kanina, napakalaki ng expectation sa kanya ng mga magulang niya.  Yung family nila kasi, isang typical rich Chinese family. Yung tipong bawal mag-boyfriend yung mga anak nila hanggang di pa nakakagraduate. Kapag nalaman kasi nila, gagawin nila ang lahat para lang mapaghiwalay yung dalawa. O kaya, baka ipakasal din siya sa iba… Eto naman ako, taking risks in love. Mahal ko siya eh; mahal na mahal.

The Perks of being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon