CHAPTER 8: The Man who can't be moved

1.2K 16 5
                                    

Sorry for this short update guys! Babawi ako sa mga next Chapters promise!! :)

_______________________________________________

"Going back to the corner where I first saw you,

I'm not broke I'm just a broken hearted man,

I know it makes no sense, but what else can I do,

How can I move on when I'm still in love with you"

JERIC's POV

"Jeric! Oy jeric gumising ka! Tinatawag ka ni Miss Torres!" Naririnig kong ginigising ako ni Tasha. Medyo inaantok pa kasi ako. Late na kasi kami natapos sa training kagabi. "Kunin mo na yung Test paper mo dali!" Utos sa'kin ni Tasha

Oo nga pala. Ngayon ibabalik yung mga test papers namin nung long test namin last monday. Dali dali naman akong pumunta sa harap para abutin yung test paper ko. Pagkasilip ko sa papel ko, aba, nakapasa ako! 93% pa yung nakuha ko! Buti na lang magaling magturo 'tong si Tasha. 

"Wow naman Jeric! Ang taas ng nakuha mong score. Alam mo ba, lima nga lang daw pumasa sa class natin eh! At, kasama tayong dalawa sa limang 'yon!" Sabi sa'kin ni tasha.

"Ah ganun ba?" Sagot ko.

"Teka lang, kanina ko pa napapansin, parang masama pakiramdam mo Jeric... may sakit ka ba?" pagtatakang tanong ni Tasha

"Naku, wala 'to. Medyo pagod lang siguro sa training." sagot ko naman 

"Hala, magpahinga ka muna kaya? Tignan mo oh, parang tutumba ka na sa itsura mo ngayon." sabi sa'kin ni Tasha

"Siguro nga. O sige Tasha, una na muna ako. Dadaan lang akong clinic at magpapahinga bago kami mag-training ulit mamaya." Sabi ko naman.

"Ah sige, magpagaling ka ha?" Sabi sa'kin ni tasha

"Oo naman! Sige Tasha, sabihan mo na lang ako kung may kailangan para sa klase" pagkasabi ko niyan ay nagpaalam na ako kay Tasha at lumabas. 

June 27, 2012. 

Isang taon na rin pala. Grabe 'no? Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung nakilala ko siya...Oo, ngayong araw na ito last year ko nakilala yung babaeng gustong gusto ko. 

Aaminin ko, na-love at first sight ako sa babaeng 'to. Pagkapasok niya ng gym, nakuha na agad niya yung attensyon ko. Nakasuot lang siya ng simpleng jeans at plain yellow shirt, nakatali yung napakahaba niyang buhok, at dala dala yung napakaganda niyang ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero, hindi na naalis yung tingin ko sa kanya habang naglalakad siya patungo sa kinakaupuan namin.  Ang dami dami kong magagandang babaeng nakaksalubong dito sa USTe araw-araw pero iba talaga yung dating ng babaeng 'to eh. Siya yung tipo na, napakasimpleng babaeng palangiti, at yun yung nagustuhan ko sa kanya. 

"Pssst, Jeric!" Sigaw ni Kevin.

"Ano?" Napalingon kaming dalawa ni Forts. Ito na naman sila eh, nag-uumpisa na naman kaming pagtripan nitong si Forts. Maaga pa kasi para sa training kaya nakaupo lang kami sa mga bleachers dito sa gym. Medyo nakapagpahinga naman na ako sa Clinic kanina. Buti na lang at nakatulog ako, kasi kung hindi, wala na talaga akong energy para sa training namin mamaya. 

"Siyanga pala guys, Alam mo na ba yung balita na break na pala si Tina atsaka yung ex-boyfriend niya?" Singit naman  ni Aljon. 

Napatigil ako. Tama ba yung narinig ko? Break na si Tina at yung boyfriend niya for 3 years na si Dean? Antagal ko na rin kasing hindi nakausap si Tina kaya wala na akong balita tungkol sa kanya. Medyo busy na kasi siya  kaya hindi na siya masyadong nakakadalaw tuwing trainings.

"Since kailan pa? Bakit daw sila nagbreak?" Sagot ko. 

"Medyo matagal na pala bro, mga 3 months ago na, ngayon lang kasi nakwento sa'kin nung pinsan ko na kaibigan yung kapatid ni Dean. Yung lalaki daw kasi, parang nagsasawa na daw sa relasyon nila ni Tina. Ito naman kasing si Tina di na nakakalabas kasama na'tin kaya outdated na rin tayo sa mga nangyayari sa kanya eh"

"Siya pa ba yung magiging courtside reporter natin?" Tanong ni Forts.

"Hindi ko pa alam bro eh. Wala pa namang nasasabi sa'tin yung mga coach kaya abang abang na lang siguro tayo." sagot naman ni Aljon

"Sana nga siya pa, para inspire palagi maglaro at mag-training yung isa diyan!" singit naman ni Kim. Kahit kailan talaga, magaling 'tong si Kim Lo pagdating sa mga ganyan. 

Napatitig ako dun sa dating kinakaupuan ko nung una kong nakita yung babaeng gustong gusto ko. Doon yun sa isang sulok sa kabila ng kinakaupuan namin ngayon. Sa tuwing mapapatingin nga ako dun eh, naaalala ko siya.  

Nagtatanong siguro kayo kung bakit hindi ko siya niligawan kahit mahal na mahal ko? Isa lang yung sagot ko diyan, HINDI PWEDE. Hindi ko pwedeng ipagtapat sa kanya yung feelings ko. Hindi niya pwedeng mapansin na sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Hindi ko siya pwedeng ligawan. At Hinding hindi niya pwedeng malaman na mahal ko siya. 

Mahal ko siya. Kahit na hindi ko man nagawa yung mga bagay na yun nung mga panahong 'yun na magkasama kami, maghihintay ako. Maghihintay ako na mabigyan ulit ako ng isang pagkakataon. Wala akong pakialam kahit gaano pa ako kagatal maghintay upang mahalin niya din ako ng buong buo. 

Ito ako ngayon. Naglalakad papunta sa sulok kung saan ko siya nakilala. Naalala ko pa kung ano yung mga pinag-usapan namin dito nung araw na 'yun. Yun na yata yung pinakaswerteng araw na nagyari sa akin. Nakilala ko kasi sa araw na yun yung babaeng makapagpapabago pala ng buhay ko.

Andito na pala yung mga coaching staff. Parang meeting kasi namin ngayon para sa nalalapit na UAAP. First game na namin this July 14 kaya kailangan na naming magprepare. 

"Boys! Kilala niyo na ba yung magiging courtside reporter niyo this season?" Tanong ni Coach Pido.

"Coach, sino ba? Bago ba o si Tina pa rin?" Tanong naman ni Tata. 

"Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko din alam. Sabi sa'kin kanina sa meeting namin, ngayon daw siya ipapakilala sa Team." sagot naman ni Coach.

After 3 minutes, biglang bumukas yung pinto ng gym. Napatingin kaming lahat sa direksyon ng pintuan. Baka kasi yun na yung courtside reporter namin ngayong taon. 

Pagkakita namin kung sino yung pumasok, lahat kami napangiti. Ang ganda naman kasi ng courtside reporter namin. 

"Hello boys! Missed me? ;)" Tanong ng aming courtside reporter.

Nakatali yung buhok niya....

Nakasuot lang siya ng jeans at ng USTe shirt....

At syempre, dala dala niya yung ngiti niyang nakakatunaw...

 .

 ..

 ...

 ....

Siya pa din yung babaeng una kong nakita the dito sa gym the same date last year.  

 and...

......

 .......

 .........

I fell in love with this girl 365 days ago. 

The Perks of being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon