CHAPTER 15: The Tigers

1.1K 12 4
                                    

Author's message:


This is a short update. Sorry guys, bawi ako next chapter :)

TASHA's POV

One message received


From: Jeric Teng

Seatmate! Can I borrow your notes in stat? 



To: Jeric Teng

Uy seatmate! Sige sure :)


From: Jeric Teng

Thanks Tasha! meet me later sa gym. okay lang? :)



To: Jeric Teng

Okay! See you there. :)




--- 

May laban na naman pala ang Tigers bukas. Kalaban naman nila ngayon yung NU Bulldogs. Medyo nakakabahala kasi malakas yung kalaban nila eh, lalo na andun si Bobby Ray Parks. Oo, aaminin ko, hanga din ako  kay Parks dahil ubod siya ng galing. Alam niyo yung feeling na, karamihan sa mga tira niya pumapasok. Kaya yun, hindi ko maiiwasang mabahala sa kahahantungan ng game bukas. Hay nako Tasha, be positive! May tiwala ka sa mga tigers diba? Kaya nila 'yan. Sadyang kailangan lang talaga ng support niyong mga Tomasino para mas lalo silang maganahan at mamotivate... Nga pala, bago ko makalimutan sabihin, Ateneo-Lasalle nga pala bukas. Ito yung first Ateneo-Lasalle game simula nung mag-college ako. Ewan ko ba, bakit kinakabahan din ako para sa game na 'yun. Kahit nga last year na sa tv lang ako nanonood, kabado na ako eh, pero iba talaga ngayon eh. Siguro kasi andun si Jeron? Hahahaha. Wait lang tasha. 'Wag kang masyadong ma-excite. Tandaan mo, wala kayong ticket ni Marga para sa game na yun. Eh naman kasi, wala naman kaming close friends sa Lasalle o kaya sa Ateneo para magpabili ng ticket. May mga kaibigan naman kami dun kahit papano, eh kaso siyempre, yung ticket na makukuha nila is para lang sa kanila. Wala na, wala na Tasha. Bye bye Ateneo-Lasalle. Sa tv ko na naman kayo mapapanood. 

---

"Miss, saan po kayo?"  Sabi ni Kuya Guard. 


 "Ah Manong, may hinihiram po kasi sa'kin si Jeric. Ibibigay ko lang po sana" Sabi ko. 



Hindi pa man nakakasagot si Manong guard, may bigla na lang akong narinig na nagsalita habang papalapit sa kinakaroonan ko. 
 

"ANO DAW? SI JERIC?!" Narinig kong sabi ng isa. Grabe ate ha, napalakas pa pagsabi mo nun ah. 
 

"Sinong Jeric daw? Si Teng ko o si Fortuna na Kyla?" Rinig ko namang sabi ng isa. 'Tong mga 'to, ganyan ba talaga sila magbulungan na pati yung pinagbubulungan nila, nakakarinig?
 

"Ganun ba. Ahh, oo nga pala. Ikaw ba si Tasha?" Tanong ni Manong guard.
 

"Opo, ako po si Tasha" Sagot ko naman.
 

"Ah sige. Sorry miss ha, di kita mapapaakyat ngayon. Alam mo naman si Coach Pido, istrikto. May laban kasi sila bukas eh. Bawal na daw muna manood ngayon o kaya naman magpapask dun ng outsider. Mahihintay mo pa ba sila? Bababa naman na sila mga ilang saglit na lang." Sabi ni Manong guard.
 

The Perks of being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon