CHAPTER 12: Here without you

1.1K 12 1
                                    

JERON's POV



It's been two days. TWO DAYS. Did I just survive 48 hours of living without her? Paano pa sa mga susunod na araw? Ngayon na nga lang masakit na eh, pano pa kaya bukas o sa makalawa? Kakayanin ko pa ba?

Andito ako sa locker room namin ngayon. It's our game today against FEU kasi. I admit, kahapon talaga napansin ni Coach na wala ako sa sarili ko, na hindi ako yung nakikita niyang naglalaro kahapon. Gustuhin ko mang mag-focus sa ginagawa ko, hindi ko magawa eh. Ang sakit eh, sobrang sakit. But since this is a game, I need to be focused. Forget about the pain you're suffering now Jeron. Yung Bola na lang muna ang pagtuunan mo ng pansin. Don't think of her later Jeron. Focus.... focus... that's all you need right now. 

TASHA's POV


"Tasha naman eh! Ang tagal tagal mong kumain! Bilisan mo magtwo-2 pm na oh! Bahala ka di mo makikita si Baby Teng!" Sabi sa'kin ni Marga
 

"OMG Oo nga! Wait lang Marga, malapit na akong matapos!" Sagot ko naman. May laban kasi ngayon, DLSU-FEU 2 pm. Shemay, 1:50 na pala. Sorry, matakaw talaga ako eh. 
 

Eksaktong 2 pm na nung nakarating kami sa Entrance ng MOA Arena, malapit lang naman kasi dun yung Bonchon. Buti na nga lang eh nakabili si Marga ng tickets nung isang araw, kundi sa mga scalpers na naman kami aasa. 
 

Pagkapasok namin sa loob, dali dali kaming tumakbo sa mga upuan namin. Sa Lowerbox na pala kami ngayon. O diba, improving? Hahaha. Buti na lang magkatabi yung nakuha ni Marga. Dito nga pala kami naupo sa DLSU side, Wala namang UST game ngayon kaya hindi mo kami matatawag na mga Traydor. Haha. Syempre dapat todo support kay Jeron <3

First time ko nga palang makakanood ng DLSU game kaya naman excited na excited ako. Hindi ako nakanood nung first at second game nila kasi may mga schoolworks akong kailangang gawin. Buti na nga lang medyo walang ginagawa ngayong week na 'to eh. 

Pagkaupo namin, nag wawarm-up na pala yung mga players. Ayun si Baby Jeron! Kinikilig ako kasi first time ko siyang mapapanood na maglaro live :"> Pero bakit parang ang lungkot niya? Nakasimangot lang siya. May problema kaya siya? 
 

Magsisimula na yung game. First 5 si Jeron. Yes naman :"> Pero nakasimangot pa rin siya. Hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti since kanina. Bakit siya nagkakaganyan? Nakakalungkot rin tuloy.
 

"Marga, bakit parang kanina pa nakasimangot si Jeron? May problema kaya siya?" Tanong ko kay Marga na nagpipicture. 


"Ewan ko! Malay ko ba!" Sagot sa'kin ni Marga. Ang ganda ng sagot niya sa'kin 'no? Kahit kailan talaga si Marga. -___-
 



JERON's POV
 

Badtrip naman oh! Bakit ba kanina pa hindi pumapasok yung mga tira ko? 
 

"Jeron! What's wrong with you right now? Kahapon ka pa ganyan ah!" Sigaw sa'kin ni Coach Gee habang naglalakad papunta kami  sa bench dahil sa time-out. 
 

"Sorry Coach." Yun na lang ang nasagot ko.
 

"You better do well instead of saying you're sorry!" Sabi ni Coach.
 

Totoo naman yung sinabi ni Coach eh. Kahapon pa talaga ako wala sa sarili. Ayaw ko namang sabihin na wala ako sa focus dahil sa nangyari two days ago. Ayoko naman kasing magbigay ng Personal na rason kung bakit ako nagkakaganito. Kahit naman kasi may problema ako, kailangan ko pa ring mag-focus sa paglalaro. Pero hindi gumagana sa'kin eh. Imbes na sa laro yung tutok ko, paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko yung nangyari. Ganito pala talaga 'pag Heartbroken yung isang tao. Bakit ngayon pa nangyayari 'to? Bakit ngayon pa kung kailan kailangan kong patunayan ang sarili ko.

4th quarter. 2 seconds left. DLSU Ball. Lamang ang FEU ng one point, 48-47. Pinasa sa'kin ni Jed yung bola. Maglalay-up na sana ako nang biglang nablock ni Terrence, with a Foul. 
 

Andun na ako sa freethrow line. Kailangan kong mapasok yung dalawang freethrow. Kinakabahan ako kasi hindi ko ba alam kung magagawa ko. Nakaka-pressure eh. Yung feeling na sayo lahat umaasa para magpapanalo sa team niyo. Idagdag na rin yung ang pangit ng laro ko kasi wala ako sa focus. 
 

Tumingin ako sa paligid at nakita ko kung gano yung kagustuhan ng DLSU crowd na ma-shoot ko yung bola. Nakita ko rin yung mga FEU supporters na nagwawagayway ng mga towel para hindi ko mashoot yung dalawang freethrow. Mas lalong nakakadagdag sa pressure.
 

Pinasa sa'kin ng referee yung bola para makapag-freethrow na ako. This is the first ball. Huminga ako ng malalim bago ko ishoot yung bola. Pero... hindi ko natira ng maayos dahil hindi ako maka-focus. Masyado akong kinabahan. At 'yun hindi pumasok yung bola. Damn.
 

Nakita ko yung mga reaksyon ng mga tao. Tuwang tuwa yung mga supporters ng kalaban namin; samantalang yung mga DLSU crowd, nadisappoint. Yung iba naman medyo nagalit yung reaksyon. 
 

Here comes the second ball. Damn Jeron, you need to shoot this. Don't be affected by the things that's going on right now. You need to win this. 



I took a deep breath. I dribbled the ball and I'm ready to shoot. I released the ball... but then, I  saw her standing at the Patron seat. Is it really her or it is just me imagining that she's watching me play right now? I don't know. I don't know if it's real or if it's just my imagination. By that, I lost my focus.  

The ball didn't get in.

We lost.

We lost because of me.

The Perks of being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon