*SPECIAL CHAPTER*

2.6K 57 0
                                    

Alyssa Monique Gibston P.O.V

Andito ako sa hardin ng aming palasyo...

Hayys kay bilis ng panahon barang mas mabilis pa sa kidlat

Limang taon na kaming kasal ni axel at sa limang taon na iyon ay wla kaming nagiging problema maliban lang sa paglisan ng aking
amang hari...

Yes tama kayo ng nababasa,namatay ang aking ama kaya

Labis ang iyak ko noon dahil inisip ko na wala na nga akong ina ay mawalan pa ako ng ama...


Pero lumipas rin ang ilang taon ng namatay ang aking ama ay narealize ko na may natitira pa pala akong mahal sa buhay at
iyon ay si Axel ang mahal kong prinsepe..
Andyan siya pag nalulungkot ako at
namimiss sila mama at papa


Kinocomfort niya ako at nagawa niya akong pasiyahin at yun ang labis kong ipagpapasalamat


Dahil nga ako lang ang nag-iisang anak at prinsesa ng beautilandia ay kinoronahan ako bilang reyna at syempre hari ang aking asawa...

Maayos naming pinamamahalaan ang aming kaharian...

Napuno ito ng kapayapaan at katahimikan

Walang gulo-gulo sa aming nasasakupan at higit sa lahat ay ang nagiging friendly sila kaya hindi nagkakaroon ng malaking
problema..


Now back to reality:

Sa pagkakaalam ko ay busy ngayun ang aking asawa sa pamamahala sa aming kaharian at ngayun ay nandoon siya sa trono habang ako naman hindi nya muna pinayagang mamahala dahil nga

'buntis ako'
Yes bustis ako at ito ang simbolo ng punong puno naming pagmamahalan

Anim na buwan na akong buntis and guess what? Babae rin ang aking anak at sa tingin ko ay isa rin itong malakas at palaban na anak

Pero syempre maganda rin ito kagaya ng kanyang ina...

Hinahaplos ko ang aking tyan dahil
nagkorteng bilog naman ito...

Hindi na ako makapag hintay na darating ang araw na masisilayan ng aking anak ang mundo ng mahika at magiging prinsesa ng
beautilandia

"Wag kang mag-alala anak dahil
ipinapangako ko na masisilayan mo ang ating mundo at habang lumalaki ka ay mararanasan mo ang magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya " nakangiting
sabi ko pero kilaunan ay nalungkot rin dahil hindi ko man lamang naranasan kung paano magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya



Napatingala naman ako sa kawalan sabay sabing
"Alam ko na sinusubaybayan ninyo ako ama at ina, sana ay masaya na kayo ngayun kung nasaan man kayo" nakangiti kong sabi..


Kuntento na ako sa buhay ko ngayun dahil kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng away ng aking asawa at masaya naming haharapin ang masayang umaga

At syempre mas lalong kukumpleto at kukuntento ang aking pamilya dahil may dadagdag na isang myembro sa amin at mas lalong magpapasaya sa amin..

Nagulat ako dahil may biglang yumakap sa akin sa likod habang ang kanyang mukha ay nasa aking balikat

"Masaya yata ang aking asawa ngayun ahh" nakangiti nyang sabi

Kaya humarap ako sa kanya at ngumiti
"Naku ikaw talaga, alangan naman na malungkot ako...ngayun pa na dinadala ko ang anak natin" sabi ko sabay pisil nang kanyang ilong

Bigla naman siyang bumaba papunta sa akin tyan at sinabing
"Anak kunting panahon nalang at masisilayan mo na ang mundo natin, ang mundo ng mga mahika" nakangiti nyang sabi

"Naku eto talagang taong to parang timang" sabi ko

Tumayo naman siya pero hawak hawak parin ang aking tyan

"Syempre, dapat niyang malaman na ng anak ko na gwapo at matapang rin ang kanyang
ama" sabi niya kaya kinutusan ko na ito

"Ikaw talaga ang feeling mo, ang totoo nyang ay saakin talaga nagmana ang ating anak"
sabi ko

"Oo na, kaya nga nahulog ako sayo ehh" mahinang sabi niya kaya hindi ko yun narinig

"Ano? Anong sabi mo?" Takang sabi ko sa kanya

"Wala...sabi ko ikaw ang masusunod" sabi niya

"Yun pala ehh..mabuti nang magkakaintindihan tayo" sabi ko naman...

Ganyan kaming mag-asawa nagbabangayan pero hindi naman nauuwi sa malaking awayan
dahil sguro siya ang palaging nanghihingi ng tawad

Yes...sabihin na ninyong isip bata kami pero anong magagawa namin ganyan talaga kami maglambing sa isat isa..

Bigla namang sumipa ang bata na nasa aking sinapupunan at maging siya rin ay naramdaman iyon

"Naramdaman mo iyon" nakangit niyang sabi

"Malamang, sa tyan ko galing ehh" sabi ko...

Bigla namang sumimangot ang kanyang mukha..sguro magpapalambing lang ito

"Sorry na mahal kong asawa" sabi ko sabay yakap sa kanya


"Naku, kung hindi lang kita mahal ehh" sabi niya at ngumiti sa akin...

Ito na naman kami mata sa mata habang nagkakatitigan

Bigla niya akong hinalikan pero humiwalay na rin naman ito at sinabing
"Mahal kita mahal kong reyna" sabi niya sabay yakap sa akin kaya yumakap narin ako sa kanya...

Wala na akong mahihiling pa
Masaya na ako sa Anong buhay ko ngayun at may mas maisasaya pa kung dadating ang aming mahal na anak...

Pinapangako ko pag lumabas na ito sa aking sinapupunan ay mararanasan niya ang mundong puno ang kasiyahan at
pagmamahalan....






-WAKAS-♥♥

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon