Chapter 62

1.9K 70 0
                                    

Alicia monterde P.O.V

Umaga na kaya naisipan kong bumangon na sa aking higaan para mag-luto...

Ewan ko ba kung bakit maganda ang umaga ko ngayun..

Sguro dahil ito ang araw na
makikita ko na muli si Alyssa ay este ang totoong Prinsesa Athena pala...

Tumayo na ako at pumunta na sa kusina para magluto

"Ano kaya ang lulutuin ko?" Tanong ko sa kawalan at tiningnan ang ref. Kung ano ang maluluto And 'bingo!'

Sabi ko ng makita ang isang
malinis na manok na nakabalot sa supot kaya kinuha ko ito at pati kasangkapan sa pagluluto

Nagsimula na akong magluto ng makitang bumaba na rin si nevy

"Good morning ate" ngiting sabi niya at kumusot kusot pa sa kanyang mata

"Good morning din nevy...ohh bat ang aga mong nagising?" Tanong ko sa kanya

"Wala lang ate, excited kasi akong makita muli si ate Alyssa ehh" sabi niya kaya tumango naman ako dahil parehas kami ng
iniisip..

Bigla naman ito tumingin sa niluluto ko at nagtanong

"Teka ano ang niluluto mo ate?" Takang tanong nito sa akin

"Ahh tinolang manok..yun lang kasi nakita ko sa ref ehh" sabi ko at ngumiti pa

"Naku...ang sarap niyan gusto ko nang kumain" nakangisi nman niya sabi kaya wala na akong magawa kundi ngumisi rin

Maya-maya pa ay tapos na ako sa aking pagluluto kaya naghain na ako at tinawag si nevy para kumain na kaya mabilis naman itong tumayo at umupo sa upuan

"Ayy ang sarap nga gusto kung tumikim"sabi niya at humigop na ng sabaw

"Mmmm...sarap" sabi niya kaya umupo na siya at kumain na

Napailing naman ako dahil sa kakulitan nitong si nevy dahik kahit papano ay may nakakasama akong tao dito sa dorm kaya umupo narin ako at kumain na

Tahimik kaming kumain kaya mabilis kaming natapos at nagpresenta si nevy na siya na
daw ang maghuhugas ng pinggan..

Well hindi na ako tumanggi..ehh alangan naman na ako lang ang magtrabaho dito sa dorm nohh at tsaka hindi naman ako kasing
bait ni alyssa ehh kaya tumayo na ako at pumunta sa sala...

Natapos na siyang maghugas kaya sumunod na siya sa sala at nagkwentuhan lang kami
ng kahit na ano-ano...

aminin ko kahit na dalawa lang kami ay naging masaya parin
ako dahil kahit papaano ay naibsan ang pag-alala ko kay alyssa...

Makalipas ang ilang oras naming pagku kwentuhan ay biglang may kumatok sa pinto..

"Ms alicia and Ms. Nevy magbihis na daw po kayo dahil ngayun na ang araw ng kaarawan ng ating mahal na prinsesa " sabi ng
babaeng boses na napag-alaman kong assistant ni H.M Lisui kaya sumagot nalang kami ng ok at tumayo na...

Hapon na nang natapos kaming magbihis ng aming susuotin..

Tiningnan ko ang aking mukha at suot sa aking whole size mirror na napanganga dahil hindi makapaniwala sa aking nakita

"Wow...ako ba talaga ito?"tanong ko sa aking sarili ng makitang bagay sa akin ang aking gown
At winave ko rin ang aking buhok para mas bagong bumagay, naglagay din ako ng
lipstick at light make-up na akma sa akin tsaka nagpabango at lumabas na ng kwarto para magtungo naman sa kwarto ni nevy
upang tingnan siya...

Pagpasok ko palang ay napanganga ako dahil ang ganda ni nevy ngayun para siyang isang half greek goddess dahil sa mas bumagay ang kanyang gown habang ang
buhok naman niya ay naka hairdo (parang kay elsa sa frozen)

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Where stories live. Discover now