Chapter 57

1.9K 67 0
                                    

Alyssa P.O.V

Andito ako sa isang napakatahimik na silid aklatan/library ewan ko kung bakit dito ang lugar sa huli kong pagsubok kaya naglakad
nalang ako at naghanap ng tao kung meron man at sa wakas ay meron nga kaya nilapitan ko ito

"Ahhm excuse me po" sabi ko sa matandang babae na nagbabasa sa isang lumang libro

"Nasaan po ako?" Sabi ko sa kanya

"Ahh ito ba? Nasa ikaw anim kang pagsubok" sabi naman niya
"So it means ikaw ang goddess of the wand"takang tanong ko sa kanya at tumango naman ito

"Ano naman ang ika anim kong pagsubok?" Sabi ko dahil paniguradong magbabasa ako
ng napalaking libro at maraming taon bago ako matapos

"Magbabasa po ba ng libro ang aking misyon?" Takang tanong ko sa kanya...alangan naman na mag combat kami ehh matanda na naman ito

Pero nakatanggap lamang ako ng iling at ngiti mula sa kanya

"Hindi...halika sumunod ka sa akin" sabi niya at nagsimula nang naglakad kaya sinundan ko naman ito

Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang whole size mirror kaya nagtaka ako at nagtanong sa kanya

"Ano naman po ang aking pagsubok dito?" Sabi ko at tinuro ang salamin

"Madali lang iha...i tuon mo lang ang iyong atensyon sa salamin" sabi niya at sumunod naman ako sa kanyang sinabi

Tiningnan ko ang salamin at nagconcentrate dito...sa isang iglap ay naka-upo ako sa isang pamilyadong kotse...

Nakita ko sa harap ang nga foster parents ko at sa likod naman ay ang batang ako at sa tabi ay ako na hindi man lang nila nakikita

'Ito ang araw kung bakit namatay ang aking mommy at daddy' sabi ko habang may namumuong luha sa aking mata

"Anak gising na malapit na tayo sa
pupuntahan natin" sabi ni mommy sa batang ako

"Oo nga anak" sabi naman ni daddy..

Gusto ko silang yakapin dahil miss na miss ko na sila...matagal na panahon ko nang hindi sila nakikita

Akmang yayakapin ko sila pero tila ba tumatagos lang ako kaya pinabayaan ko nalang na tanging tingin nalang ang magagawa ko

"Totoo nga ang sabi ng goddess of the light...mas masakit pa pala ito sa kahit sa anong pagsubok" malungkot na sabi ko at di
maiwasang maiyak na lamang

Maya-maya pa ay nakita kong umilaw ang.mga palad ng dating ako at ang tumingin ng aking nga foster family ay nasa atensyon ng
batang ako

"Mag-ingat kayo dahil mababangga
tayo!!!"pagbabala ko sa kanila at yun nga wala silang marinig

Gusto ko silang itulak at iligtas pero di ko magawa...

ito na nga ang masakit na parte
dahil wala akong magawa para mailigtas ang mommy at daddy ko

Ilang sandali nga ay nakita kong babangga kami sa isang ten wheeler truck...

hindi na ako nagulat dahil kahit na isang galos ay di ako nagkaroon...

Nasa isang gilid ako ng kalsada at nakita ang batang ako na tumayo habang may maraming galos sa katawan...

"Mommy...!!daddy!!!" Nag-iiyak na sabi ng batang ako at yun ang bagay na isinumpa ko na sana ay hindi na ako nagkaroon na kakaibang kapangyarihan..

Nang dahil sa puting liwanag sa aking palad ay namatay ang aking tumatayong ina at ama...

Nakita kong nahimatay ang batang ako at wala man lang akong naitulong sa kanilang sitwasyon

"Mommy..daddy"huling sabi ko habang umiiyak at bumalik na ako sa realidad..

Andito parin ako sa harap ng salamin at hindi pa maka move on..

Gusto kong makita ang mommy at daddy ko pero hindi sa ganung sitwasyon

"Ok kalang ba iha?" Malumanay niyang sabi pero hindi parin ako nagsalita

"Ok lang yan iha alam kong makakaya mong malampasan ang aking pagsubok" sabi niya kay tumingin muli ako sa kanya

"Alam mo ba kung bakit ito ang aking napiling sitwasyon o pagsubok para sayo?" Tanong niya kaya umiiling nalang ako

"Ito ang pinili kong pagsubok dahil gusto kong nalaman mo na imbes na iyong kamuhian ang angkin mong kapangyarihan ay dapat mo itong tanggapin dahil ito ay regalo at nakatadhana sa iyo" sabi niya

"Pero bakit kailangan madamay ang mommy at daddy ko" sabi ko at di mapigilang umiyak

"Alam mo iha..may dahilan ang lahat kung bakit ito nagawa...siguro ang dahilan na iyon ay upang mas makilala mo ang tunay na ikaw" sabi nya..

Tama naman ang kanyang sinabi dahil ngayun ay nakilala ko na ang tunay kong mga magulang at ang tunay na ako...

Alam ko din na masaya na sila mommy and daddy kung saan na sila ngayon dahil ito rin ang kanilang pangarap para sa akin..

Yung makilala ko ang aking tunay na ama at ina

"Tama ka nga po...siguro nararapat kong tanggapin ang mga bagay na meron ako dahil alam kong ito rin ang kanilamg gusto" sabi ko at yumakap sa kanya

"Tama nga iha...ganun nga at ngayun ay nakapasa kana sa aking ika limang pagsubok" sabi niya

"Ako ang goddess of the Wand ay sisirain ang seal na konektado sa wand magic" sabi niya at nagliwanag na ang aking katawan at ang dati kong suot ay naging kulay na pula at puti habang nag parang wizard ako sa ulo at may cyrstal wand din...akalain mong
talagang cute ako sa aking suot

"Para kanang isang dyosa mahal na
prinsesa" sabi niya at yumuko sa akin

"Naku salamat po" sabi ko naman sa kanya

"Ngayun ay tapos kana sa ika anim na pagsubok at pang pitong pagsubok naman ang susunod"sabi niya na ikinagulat ko...

"Teka akala ko ba anim lang?" Tanong ko sa kanya pero ngiti lang ang kanyang sinagot at nagbago na ang paligid...

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon