Chapter 51

1.9K 75 0
                                    

Alyssa P.O.V

Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko..para bang gusto kong maiyak pero hindi dahil naguguluhan pa ako

"Ina? Papano ka nakakasiguro na ako nga ang inyong anak"takang tanong ko sa kanya

"Binabantayan kita sanggol ka palang ay nasa tabi mo na ako pero di mo ako nakikita dahil ako ay patay na"malungkot niyang sabi kaya may parte ng ekspresyon ay nalungkot dahil sa mga narinig ko

'kahit pala ang totoong ina na kahit patay na ay binabantayan parin ang kanyang anak'lungkot kong saad sa isip ko

Hindi ko mapigilang yakapin siya dahil sa kanyang mga sinapit at naramdaman ko rin na may lukso ng dugo sa pagitan naming dalawa dahil sinuklian din niya ako ng yakap at humiwalay kami dahil may sinabi siya..

"Alam mo anak para mas maintindihan mo ako ay kailangang gawin ko ito" sabi sabay tapat ng palad sa aking noo...

~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa isang iglap lang ay napunta ako sa isang kaharian... sa kwarto ng isang nanganganak na babae

"Mahal malapit na!!!" Sabi ng isang babae na nakita ko kanina sa gubat na ngayun ay malapit nang manganak

"Tiis lang...malapit na natin makita ang ating anak"sabi ng lalaki habang hawak hawak ang kamay ng babae

"Ere lang po mahal na reyna ere!" Sabi ng nagpapaanak sa kanya

Kaya umere siya ng malakas at maya maya pa ay may narinig akong iyak ng sanggol

Tila ba hindi nila ako makikita dahil sa lapit ko sa kanila

"Mahal na reyna..babae inyong anak...isang napakagandang babae"masayang sabi ng kumadrona at agad na binalutan ng lampin tska itinabi sa nanganganak na babae kanina

"Tingnan mo mahal, ang ganda ng ating mahal na prinsesa" saad ng babae at tiningnan naman ito ng hari

"Oo nga mahal ko, kamukhang kamukha mo"sabi ng hari

Nakita ko ang bata, ang mga maliliit na buhok nito ay kulay bahaghari kapareho ng kanyang ina habang ang gintong mata naman nito ay nagmana sa kanyang ama

'Pero bat may ginto rin akong mata at nung nag levelling kami ay baghari din ang buhok ko'pagtataka kong tanong sa aking isip dahil hindi ko parin maintindihan ang pangyayari

Nagbago naman ang paligid at nakita ko na ang dating kwarto ay naging isang hardin at may babaeng nanganak kanina ay malakas na at nakamasid sa may hardin

Maya-maya pa ay may lumapit sa kaniyang isang babae na ang alam ko ay katiwala niya at malapit na kaibigan

"Mahal na reyna pinatulog ko na po ang inyong anak" magalang na sabi ng babae

"Salamat Cecilia dahil andito ka palagi sa akin" sabi ng babae habang hawak ang kaniyang kamay

"Walang ano man po aking mahal na reyna" sabi ng babae at pumunta sa likod ng sinabi niyang reyna

Laking gulat ko dahil sinaksak niya ito patalikod kaya hindi nakalaban ang reyna

"Pero ang iyong salamat ay hindi ko kailangan"bulong niyang sabi sa tenga ng reyna

Ang sarap niyang sabunutan pero hindi ko magawa dahil tumatagos lang ako sa kanila...agad namang humarap ang babae sa reyna

"B-bakit?" Sabi reyna

"Matagal ko na itong gustong mangyari pero ngayun lang ang tamang panahon" sabi ng babae habang tumatawa

"Wag kang mag-alala dahil may lason yan at isusunod ko ang iyong anak para maging akin na ang hari"dagdag niyang sabi

'Ahh kaya pala, may gusto ito sa hari'sabi ko naman pero hindi niya ako narinig

"Walang hiya ka" sabi ng reyna at sampalin nya sana ang babae pero lumuhod nalang ito dahil sa hinang hina na ito

Gusto ko sana itong tulungan pero diba nga tumatagos lang ako sa kanila kaya wala akong makagawa kundi ang tumingin sa nakakaawang babae na may luha sa aking mata

"Maaring mapatay mo ako pero di mo mapapatay ang aking anak" dagdag niyang sabi at naging puting ilaw ang babae tska pumasok sa kwarto para iligtas ang kanyang anak at yung pumatay sa reyna ay naging kamukha niya

'Shafeshifting pala ang kaniyang ability' sabi ko kaya di na makapagtataka na sa isang iglap lang ay nagbago ang kaniyang mukha

Ang babaeng pumatay sa tunay reyna na ngayun ay naging.kamukha na ng reyna pero peke

Ang pekeng reyna ay biglang naglaho patungo sa isang kubo at may kinuha siya ditong isang sanggol

Nagcast siya ng spell at naging kulay ginto ang mata nito

"Wag kang mag-alala anak dahil simula ngayun ay ituturing na tayong kataas taasan at pinakamalakas na tao sa beautilandia" sabi niya habang tumatawa pa

"At ikaw aking anak ay maging isang pinakamagandang prinsesa ng beautilandia" sabi niya at kinuha siya at binalot ng lampin na may nakasulat na kapareho ng aking pangalan at yun ay 'ATHENA RUIZ GIZON'....

Nagbago na ang lugar at Andito na ako sa kwarto kung saan may natutulog na sanggol at may puting ilaw

"Wag kang mag-alala anak dahil ililigtas kita" sabi ng puting ilaw

Agad namang lumapit ang puting ilaw sa sanggol at sa isang iglap ay andito na sila sa isang gubat kasama ako

"Teka alam ko ang lugar na ito ahh" sabi ko habang tumitingin sa paligid

Nilapag ng puting ilaw ang sanggol sa damuhan at sinabing

"Wag kang mag-alala anak dahil sa oras ng iyong ika-19 edad babalik ka rito at pupunta ka kung saan ka nanggaling at ako ay mabubuhay sa araw bago darating ang iyong ika-20 kung saan ay sabay tayong pumunta sa ating kaharian at bawiin ang ating trono" mahaba niyang sabi at nagtago sa puno kung saan ako nahulog dati

Agad namang nagbago ang buhok ng bata at naging itim na may highlights na ginto...

Iyak lang ng iyak ang sanggol na nakabalot sa lampin

Maya-maya pa ay dumating ang isang kotse at nakita ko sina

"Mom? Dad? Tatay ben?" Takang tanong ko sa kanila pero syempre hindi nila ako marinig

"Tingnan mo hon ang ganda ng bata"sabi ng aking ina na nag ampon sa akin

"Oo nga hon ang ganda niya ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya"sabi ng foster dad ko

"Teka hon parang may nakasulat sa lampin 'PRINCESS ATHENA RUIZ DIZON" basa niya sa lampin at nakita kong lumakad na sila kasama ang bata pero ako ay nakatayo parin habang gulat na gulat

"Ako ba yung bata na yun?.. kung ako yun edi ako ang totoong prinsesa ng beautilandia at hindi ang fake na yun" sabi ko

~~~~~~~~~~~~

Dumilat na ako at ngayun ay nasa harap ko na ang aking tunay na ina

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya umiyak nalang ako at yumakap sa kanya

"Tahan na anak...alam kong kaya mo yan" sabi niya habang taas baba niyang hinihimas ang buhok ko

Tumigil na ako sa pag-iyak pero humihikbi parin at humiwalay sa kanya

"Hayaan mo ina dahil sa oras na sasapit ang ika-20 kong kaarawan ay babalik tayo sa kaharian kung saan tayo nararapat"sabi ko at tumango nalang siya

"Pagbabayaran nila ang kanilang pagpatay sa iyo...hindi nila yata alam na ikaw ay may pangalawang buhay" sabi ko pa at yumakap muli sa kanya....

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon