Chapter 52

1.9K 74 0
                                    


Alyssa P.O.V

Nang malaman ko ang katotohanan ay hindi na ako mapakali dahil para akong bata namimiss sa yakap ng isang tunay na ina.. kaya araw-araw kong yinayakap si mama

Kahit na hindi nagkulang ang umampon sa akin dahil minahal din ako ng lubos...

Andito parin kami sa gubat ng sajigunbe kung saan tutulungan ako ni mama kung paano palalabasin ang aking kapangyarihan

"Anak bago tayo nagsimula ay dapat muna tayong mag meditate dahil makatulong ito sa iyo para maiclear at mapayapa ang iyong kaisipan"sabi niya kaya tumango nalang ako

Pero bago yun ay nilagyan nya ng barrier ang aming paligid para daw hindi maramdaman ang aming lakas

Umupo na siya habang nagmemedidate at sa isang iglap ay lumutang na siya

Kaya ako naman ang sumubok at nagmeditate at makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko nalang na lumutang na ako

At sa iglap ay napunta ako sa isang napakaputing lugar at tanging ako lang at si mama ang nandirito

"Magaling anak at mabilis kang natuto" masayang sabi ni mama

"Oo naman mama tinuruan ako nung nasa academy pa ako" sabi ko naman sa kanya habang nakangiti pa

"Ngayun dito tayo mag-eensayo kung paano natin mailalabas ang iyong lakas" sabi niya

'Huh dito?' Takang tanong ko sa isip

"Oo anak dito" sabi niya

"Teka nababasa mo ang isip ko?" Sabi ko sa kanya

"Oo isa yun sa ability na meron ka pero di mo payun mailalabas dahil naka seal yan sa katawan mo" sabi niya pa

"Ehh papano naman mapuputol ang seal" takang tanong ko

"Ako ang gumawa ng seal para hindi ka maramdaman ng mga malakas na dark users ang iyong kapangyarihan at mapuputol lang ang seal pagtungtung mo ng ika-20 kaarawan "saad naman niya

Tumango nalang ako dahil wala naman akong magawa

"Pero ang iyong elemental powers ay pwede nating paisaisahin na maipalabas"sabi niya at nagbago naman ang paligid at nandito na ako sa gubat pero hindi ito ang gubat ng sajigunbe

Hindi ko rin nakikita si mama pero rinig ko parin ang kanyang mga sinasabe

"Ang una nating ipapalabas ay ang iyong land magic" sabi nya kung saan

"Ma paano po palabasin ang land magic" sabi ko pero hindi ko na siya narinig kaya nagalakad nalang ako sa gubat na ito pero puro halaman nalang ang aking nakikita

Maya maya pa ay may nakita akong isang malaking higante..hindi ito isang tao kundi isang bato at tumingin sa akin ng nakakatakot kaya napaatras ako dahil sa takot

Bigla siyang lumakad papunta sa akin habang tumatakbo naman ako palayo sa kanya pero aabotan parin niya ako kaya hinawakan niya ako at sa sobrang liit ko ay nagkasya ako sa kanyang kamao

"Sino ka!" Galit niyang sabi

"Wow grabe galit agad?" Sarkastiko kong sabi kaya sa galit niya at itinapon niya ako

Kaya malakas ang pagkabagsak ko at sa sobrang lakas ay naputol ang mga kahoy na napagbagsakan ko

"Aray! "Sabi ko habang hinihimas ang balakang ko

Marami na akong mga gasgas at dumudugo na rin ang gilid ng labi ko

Lumapit muli ako sa kanya
"Teka bakit mo ba ako inihagis ahh?..ang sakit nun ahh" sabi ko

"Sino kaba huh"sabi ko naman

At umatake sa kanya kahit Hindi sya tinatablahan ng aking mga atake pero natigil nalang ako at hinihingal na

"Teka timeout muna...bakit ba kasi hindi ka nasasaktan sa mga atake ko?"sabi ko

'Ayy oo nga pala bato pala siya' sabi ko habang hawak hawak ang noo ko

Bigla naman siyang nagliwanag kaya napapikit ako...nang humapa na ang liwanag ay tumingin ako sa kanya at nagulat dahil ang kaninang higanteng bato ay isang napakagwapong lalake

Ang kulay ng kanyang buhok ay green at ang mata nman nito ay brown....nakangiti itong lumapit sa akin kaya hindi ko maiwasang mapaisip

'Oh my ang gwapo nya para siyang isang god of the land' sabi ko at nang lumapit ito ay nagsalita naman siya

"Heheh...naririnig ko ang sinasabi ng iyong isip at oo ako nga ang god of the land" sabi niya na ikanagulat ko

"Kay galing ng iyong determinasyon kaya ikaw ay aking binabasbasan upang maisara ang seal sa pagitan mo at iyong land magic" sabi pa nya habang ako naman ay naramdaman ang malakas na aura na nasa katawan ko kaya hindi ko maiwasang maramdaman ang sakit

"Ahh!" Sigaw ko habang naramdamang lumulutang na ako at umiilaw ng kulay berde ang aking kamay...

At nang humupa na ay nagulat ako dahil nagbago na ang aking damit dahil kulay green na ito at may linings na brown habang ang buhok ko naman ay brown na may highlight na green iwan ko nalang sa mata ko kung naging green rin ba ito

"Magaling dahil nakaya mong ipalabas ang iyong kapangyarihan" sabi nya

"Ngayun ay kasinglakas mo na rin ako" dagdag niya naman

"So kaya ko nang kontrolin ang kahit anong bagay?"sabi ko at tumango nman siya

"Oo at hindi lang kontrolin..kaya mo ring maipalabas ang kahit ano ang nanaisin mo na konektado sa land magic"sabi niya

"Mag-ingat ka dahil ako ay una pa lamang at marami pa ang pagsubok na inyong madadaanan"dagdag niyang sabi at naglaho na

"Teka" sabi ko

Pero huli na dahil naglaho na ito at nagbago na ang paligid...

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Where stories live. Discover now