Chapter 64

2K 72 0
                                    

Alyssa P.O.V

Biglang umakyat ako kung nasaan ang mga hari't reyna at humarap sa dalawang impostora

"Ano bakit hindi kayo maka pagsalita?" Sabi ko at lumakad pa sa kanilang likod habang may binulong

"Bakit kayo parang bato dyan? Ano na? Kung talagang kayo ang mga prinsesa at reyna dapat hindi kayo kabahan" sabi ko pa at lumakad pa harap...

Tiningnan ko naman ang mga hari at reyna pero para din silang mga bato dahil hindi sila makagalaw habang tumitingin sa akin pati
ang mga prinsesa at prinsepe ay gulat na gulat dahil sa kanilang nasaksihan

Maging ang escort ni fake princess ay parang bato rin sa kanyang kinatatayuan at kita sa kaniyang mga mata ang lungkot at saya
kaya nginitian ko nalang ito at humarap na sa dalawang peke habang naka smirk

"Ohh bakit kayo natahimik dyan your highness?" sabi ng aking ina habang papalapit sa akin

Bigla namuo ang itim na bola sa palad ng pekeng prinsesa at itinapon ito patungo sa akin pero walang hirap hirap ko naman itong
tinapatan ng light ball kaya nagtama ito sa gitna at nagkaroon ng malakas na pagsabog

"Papaanong?" Sabi ng pekeng reyna pero pinutol naman ito ng aking ina

"Nakalimutan mo ata na ang aking anak ang.pinakamalakas" sabi ni mama habang naka smirk din...

Halatang napipikon at nagalit ang pekeng reyna at bigla namang nagbago ng anyo ng pekeng reyna at ngayun ay hindi na sila
magkamukha ng aking ina..

Nagsummon rin ito ng espada sa kanyang kamay at inatake si mama pero malayo.palang siya ay itinapat ng aking ina ang kanyang kamay kaya bigla nalang tumilapon sa
malayo ang pekeng reyna at lumapit nman dito ang pekeng prinsesa

"Alam nyo nakakatuwa..alam nyo naman na wala kayong talo sa amin" sabi ko at nag flip.ng aking bahagharing buhok..

Yeah alam kong naging masama na ang.aking ugali pero anong magagawa ko nararapat lang na mabigyan sila ng leksyon.para matuto sila at mabawi sa kung ano ang sa amin..

Hindi rin naman panghabang buhay na maging mabait ako...kailangan ko ring lumaban at
makamit kung ano ang nararapat...

"Ina!! Anong ginawa niyo sa aking ina" sabi ng pekeng prinsesa habang papalapit sa kanyang ina at kita sa kanyang mata ang itim na aura habang naka tingin sa amin

"Magbabayad kayo sa inyong ginawa" sabi niya at lumutang habang may pumapalibot dito na itim na aura at malakas na hangin..

Bigla namang dimilim ang kanyang katawan at sa isang iglap ay nagbago siya ng kanyang anyo...

Ang kaninag magandang gown ay naging itim habang may koronang itim din sa kanyang ulo kaya napangiti ako pero ramdam parin
ang kaba kaya i use telepathy para kausapin.ang aking ina

"Nay, dalhin mo ang mga tao sa ligtas na lugar pati narin ang mga royalties at si amang hari"

"Pero anak---" sabi ng aking ina pero pinutol ko na ito

"Ako na ang bahala dito ina, oras na para magtapat kami prinsesa sa prinsesa, maharlika laban sa maharlika" sabi ko kaya nag-aalanganin man ay tumango nalang
aking ina

"Mag-ingat ka anak" sabi niya kaya tumango nalang ako at sa isang iglap ay naglaho na ang lahat at tanging an gpekeng reyna at
prinsesa nman ang tanging nakikita ko

Napangiti nalang ako at sinabi sa aking isip

'Oras na para magtapat ang prinsesa ng kadiliman at kasamaan laban prinsesa ng liwanag at kabutihan'....

The Beautiful Princess of Beautilandia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon