[20] Girl Hunting

566K 12K 2.8K
                                    

[20] GIRL HUNTING

 

GAIL'S POV

Kunot-noong tinignan ko si Kurt sa tabi ko. Nakasimangot kasi siya at hindi kumikibo. Napatingin naman ako sa mga kasama namin, at napansin ko na nakatingin lang sila sa dance floor. SIla Sandy at Lovely nga pala, kasama ng mga dati nilang kaibigan dito. Hinila ko ang upuan ko palapit kay Kurt saka ko itinukod ang dalawa kong siko sa mesa at nangalumbaba. I looked to him intently and after some seconds ay napatingin na rin siya sa akin.

"Sorry na, baby love..." Naka-pout pa ako niyan para umubra. "Once a year lang kasi yun kaya 'di ko mapalagpas na panuorin."

Tinitigan niya naman ako ng seryoso. "Ano ba kasi yang PAPA awards na yan?"

PAPA awards daw?!

"Pffttt...It's MAMA not PAPA. M-A-M-A... MAMA stands for MNET Annual Music Awards. Hahahaha..." Di ko na napigilan ang tumawa. Ang MAMA, ginawang PAPA? 

"Whatever you say..." Saka siya sumandal sa backrest ng upuan niya kaya sumandal din ako sa akin. Nakatitig lang siya ng seryoso sa baso na nakapatong sa mesa sa harap niya.

"Sorry na nga eh..." 

He looked to me with his bored expression then later on, he heaved out a sigh, "Ang ganda mo, baby love." Then he smiled. So, does it mean we're cool already?

I guess my cheeks flushed red. Napangiti ako sa kanya saka niya ako hinapit sa bewang ko.

"Kung sports lang ang pagiging flirt, malamang champion na siya sa Olympics..."

Sabay kami ni Kurt na napalingon kay Kaye Anne. Bigla-bigla kasing nagsasalita eh. 'Di lang namin masyado nagets yung binulong niya. Masyado kasing malakas yung party music.

"What did she say?" Tanong ni Kurt pero nagkibit-balikat lang ako saka ko ulit tinignan si Kaye Anne na kunot-noong nakatingin sa dance floor. Napatingin tuloy ako sa tinitignan niya.

ASDFGHJKLZXCVBNMQWERTYUIOP!!!

"Oh my gosh!" I mumbled. I saw a girl kissed Nathan on the lips. 

"Is Nathan drunk?" Tanong ni Kurt sa akin.

"I don't know. Kakalabas lang kaya namin," sagot ko.

"Eh sino yung humalik sa kanya?" Tanong ulit niya.

"I don't know either. But wait, she seems familiar to me."

"Gail, samahan mo naman ako sa restroom." Napalingon ako kay Kaye Anne na halatang wala na sa mood. Tumingin ako kay Kurt para magpaalam pero nagets niya naman agad kaya tumango siya.

Tahimik kaming naghanap ng restroom. Mabuti nalang ay marami ng restrooms sa resort na 'to kaya mabilis namin ito nahanap. We did our thing sa cubicle at sabay din kaming lumabas ni Kaye Anne saka kami dumiretso sa sink para maghugas ng kamay.

I'm really curious about Kaye Anne. Gusto ko kasing malaman kung may gusto siya kay Nathan. I really want to ask that since Nathan told me that Kaye Anne kissed her before we left for Germany. And it's obvious to Kaye Anne that she's affected seeing Nathan kissed by a girl. And oh wait, ako din, wala rin akong naramdaman. Dahil siguro, nawala na yung feelings ko sa kanya dahil kay Kurt. Siya kasi ang nagparealize din sa akin na all this time, it's Kurt whom I love. I only see Nathan now as a friend.

A friend with lots of memories to cherish....

"Kaye Anne, can I ask you one thing?" Nakatingin lang ako sa reflection namin sa mirror. Mukha naman siyang nagulat pero nag-nod din siya eventually. "Ahhm, sana... Sana sabihin mo yung totoo. I'm your bestfriend slash cousin after all and you used to share your secrets with me back then."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon