The way his love for her is a mixture of reality and fairy tale.

2.5K 57 20
                                    

Karylle's POV

"Hey di ka sasama sakin sa taas?" nananantyang tanong ko kay Vice matapos niya akong ihatid sa may elevator.

Agad naman siyang umiling. "Hindi na mahal may importante pa akong pupuntahan eh." Aniya bago humalik lang sa pisngi ko.

Malungkot na tumango na lang bago pumasok na sa elevator. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may nag-iba. Gusto kong magtiwala sakanya pero ilang buwan na din na ganito hindi ko alam kung may problema ba kami dahil pakiramdam ko nawawalan na siya nang oras sakin.

Gaya ngayon kadadating ko lang galing sa ilang linggong concert tour namin ni Vhong sa America and Vice fetch me from the airport. Pero imbes na magstay sinabi niyang may importante siyang aasikasuhin na parang mas importante pa yun sakin.

Naiinitindihan ko naman na masyado siyang maraming iniintindi. He just launch his own make-up line, may movie shooting siya at may mga mini concerts din siya. And I'm trying to understand him kaya kahit na hindi niya ako halos tinatawagan nung nasa America hinahayaan ko lang siya. Pero matagal na din ganito yung sitwasyon namin. Magmula nung magpropose siya sakin napansin kong may nag-iba na. Halos lagi na siyang abala at wala nang oras sakin. Akala ko nung una dahil lang sa busy siya pero pakiramdam ko hindi nauubos yung mga kailangan niyang gawin at halos hindi na kami magkita kung hindi lang dahil sa showtime.

Gustong-gusto ko siyang tanungin kung may problema ba kami pero baka pagsimulan lang nang away naming dalawa at natatakot din ako sa isasagot niya sakin.

Ilang buwan na after nung proposal niya sakin pero hindi pa din namin napag-uusapan yung tungkol sa kasal. Kapag nagkikita kami para lang kaming casual na magkaibigan at nagsisimula na akong mainis sakanya sa totoo lang. I tried to open up with him regarding the wedding nung kasal ni Divine pero ang tinamaan nang magaling iniba lang yung usapan. Sobrang pagpipigil na lang yung ginawa ko para hindi siya prangkahin na tanungin kung nagsisisi ba siya na nagpropse siya sakin at nagbago na yung isip niya na pakasalan ako.

I sighed and went to sleep with a heavy heart.

Icheck yung cellphone ko yung unang bagay na naisipan kong gawin at ganun na lang yung pagkadismaya ko nang wala man lang kahit isang message sa cellphone ko galing kay Vice.

Iniisip ko kung papasok ba ako today may part na tinatamad ako at parang ayokong makita si Vice dahil hindi ko alam kung kaya kong maging cool sakanya ngayong araw na to. Pero biglang nagring yung phone ko.

"Hi mahal goodmorning." Agad na bati niya sa kabilang linya.

"Sorry hindi na kita natext o natawagan kagabi sobrang busy ko na nakatulog na ko agad after nang shooting. Kagigising ko lang." paliwanag niya bago pa man ako makapagtanong.

I sighed nang ganun lang ay nalusaw na yung inis ko sakanya.

"Okay lang. Kumain kaba on time last night? Sobrang dami mong ginagawa don't skip your meal magkakasakit ka niyan." Paalala ko na tinawanan niya lang.

"I like this concept love. You nagging at me early in the morning. Kinikilig mga pimples ko love."

"Viceral! Ang aga-aga usapang pimples tayo?" nakasimangot na sermon ko.

"Miss na kita mahal." Maya-maya ay hirit niya.

"Busy ka kasi." Medyo bitter na sagot ko.

He just laugh from the other line.

"Sorry na mahal babawi na lang ako pag naayos ko na yung schedule ko." Naglalambing na pang-aalo niya sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The way she loved himWhere stories live. Discover now