The way she is his light (part3)

1.3K 52 3
                                    

After that incident umiwas na din sakin si Karylle. Hinayaan ko na lang muna siya dahil naalala ko yung usapan namin ng mommy niya. Ang inisip ko na lang magtrabaho at mag-ipon para mapadali na makaalis ako sa mundong ginagalawan namin para pwede ko na siyang ligawan.

Showtime host Karylle Tatlonghari at Spongecola Lead Vocalist Yael Yuzon nagkakamabutihan na nga ba?

Nagulat ako ng mabalitaan ko na napapadalas ang paglabas ni Karylle kasama yung bokalista ng banda na ang balita ko ay nakilala niya nung birthday party ni Jugs.

Noong una dedma lang naman ako sakanilang dalawa kasi may tiwala naman ako nung sinabi ni Karylle na mahal niya ko kaya hinahayaan ko lang. Until one day narinig ko sila ni Anne na nag-uusap about him.

What's the deal between you and that Yael guy? natigilan ako sa pagpasok sa dr ni karylle when I heard Anne.

I don't know. We are dating I guess. She simply said.

Oh my gosh! As in seriously dating? Tili ni ngangabu. I wanted to barge in para matigil na yung usapan nila dahil nagsisimula na kong mairita na nakikipagdate siya kay Yael but I felt like I need to hear this.

Not that serious naman. I mean the guy that I want obviously don't want me. So imbes na mag-emote dahil dun I'm making myself available  for dating para madivert yung attention. she said bago bumuntong-hininga.

Soo Yael is the rebound guy? Sino ba yang gusto mo na yan. Ang dayaa you are so malihim. Pang-iintriga pa ni Anne.

Just someone. Let him live a peaceful life hindi mo tatantanan yung tao pag nalaman mo kung sino I know you. Kapag ok nko at nakamove-on na I'll let you know. As for Yael hindi naman rebound I'm trying to give him a chance. mahabang paliwanag niya.

I don't know what gotten into me pero lakas loob ko siyang nilapitan nun at niyayang lumabas.

K hang-out naman tayo mamaya? I asked her nung commercial gap.

Ahh. May lakad kasi kami ni Yael mamaya. she said ng hindi tumitingin sakin.

Edi wow! I answered sarcastically kaya napatingin siya sakin.

Huh? confused na tanong niya

Sabi mo mahal mo ko. Pero after mong sabihin yun nakikipagdate ka sa bokalistang yan. Tapod ngayon na lang kita niyaya tumatanggi kapa. Ang paasa mo! I blurted into her. Hindi ko alam pero sumabog na lang talaga ko. Yung takot ko na baka maagaw siya ng iba at yung inis na hindi man lang niya ko maipaglaban.

Hindi ako paasa! she shouted back at me.

Kung hindi ka paasa eh di idate moko mamaya! hamon ko.

May lakad nga ko mamaya. She reasoned na halatang naiinis na.

Edi makipagdate ka kay Yael mo. Ang bottomline dito paasa kpa din.

oo na! Itext mo na lang kung saan tayo mamaya. Hindi ako paasa.Manhid ka lang talagang letse ka!  sigaw niya saken bago nagwalk-out.

I smirked when she left hindi pa din talaga siya nagbabago alam kong eventually papayag din siya kapag ginamitan ng reverse psychology. Humanda kang kulot ka wala ka ngna kawala.

That night niyaya ko siya na sa condo na lang kumain at manuod ng movie. Niyaya ko din siyang uminom at dahil yata sa badtrip niya sakin napadami yung nainom niya.

Vice tanggap ko naman na magulo yung preference mo eh. Pero ako sigurado akong mahal kita at sigurado din ako na gusto ko ng magmove-on please let me! Ang hirap mong mahalin one minute pkiramdam ko gusto mo din ako pero one minute umiiwas ka at pinapatay mo lahat ng pag-asa ko.  pagmamakaawa niya sakin.

The way she loved himWhere stories live. Discover now