The way he tells the whole world

1.7K 58 4
                                    

K's POV

Here comes reality. I thought habang nasa van kami pabalik ng Manila. Sinulyapan ko yung baklang prenteng nakasandal sa ulo ko habang natutulog at kung makalingkis eh akala mo anytime tatalon ako pababa ng van.

Hindi mabura yung ngiti ko dahil sa eksena niya kagabi. Malapit na akong magselos dahil akala ko may katext or kachat siya pero yun pala may pakulo siya sa instagram. Speaking of that picture naging viral na yata yun at most liked na post niya sa account niya at papasa din yatang most controversial.

Wala pa man kami sa Manila naghahyperventilate na yata ako sa kaba. Alam ko na kakabit ng saya ko ay yung kontrobersiya na naman na haharapin namin ni Vice. Mas kinakabahan ako for him dahil lately matinda na yung bato sakanya ng mga bashers sakanya lalo na siguro ngayon at alam ko na kahit hindi siya magsalita ay apektado na din siya.

Pero nakakagulat lang ang pagiging kalmado niya kagabi.

"Viceyy! Ano to?" tanong ko agad sakanya after niyang magshower.

"Ahm picture? Instagram post?" pamimilosopo niya sakin.

"Vice ang lakkng issue nito sayo. Pano na naman yung mga bashers mo?" I asked na natetense na.

"Hayaan mo sila. Bakit ayaw mo ba sa post ko? Akin na at buburahin ko na." he said na medyo napikon na din.

"Gusto ko Vice okay? Naappreciate ko pero hindi mo naman kailangan na gawin pa to kasi naiintindihan ko nman na umiiwas ka din sa intriga."

"Karylle ang point dito nagustuhan mo yung ginawa ko. Napasaya kita at yun lang yung importante na napasaya kita. Dahil kahit walang ganyang post may magbabash at magbabash saken. So might as well do something para mapasaya ka. Akin ka karylle at hindi ako magsasawang magpost para malaman ng lahat yun kahit na mamatay pa sila kakabash". He said na medyo masungit na.

Nagdadabog pa siya nahiga na.

"Patay! Tinopak na naman ang bakla."

I sighed bago tumabi na sakanya. "Vice." Tawag ko pero dedma. "Viceyy sorry na." Paglalambing ko but still no response. "Love sorry na I love you." Pagsubok ko at ng hindi pa din siya natinag at tatalikod na sana ako but he turned at hug me closer to him
"Okay na. Basta magtiwala ka lang sakin Karylle. You have trusted me for three years kahit na puno ng uncertainties ang relasyon natin. Please don't loose it. Dahil ilalaban ko na to Karylle at yung tiwala mo ang pinaka kailangan ko." He gently said habang pinaglalaruan ang buhok ko.

I nodded. "Hindi lang tiwala yung binibigay ko Vice pati yung pagmamahal ko. Binibigay ko ng buo. Just don't waste it again. I love you love."

"I won't waste it K. And I'll get there soon." He said and kissed my forehead.

Napapikit na lang ako to feel the moment. Yung pakiramdam ko secure na secure ako at mahalaga ako kay Vice.He said he'll get there and I have this feeling that he will finally reach it. Na hindi nako maghihintay ng matagal. With that thought I slept peacefully.

"Mahal nandito na tayo oh. Gising kana." Naalimpungatan ako sa mumunting halik ni Vice sa buhok. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaalala ng nangyari kagabi.

"Love baba kana naghihintay na sina Leo at Sidney. Pag hindi kapa bumaba malalate na tayo." Anunsiyo ni Vice kaya napatingin ako sa cellphone na hawak niya. Napangiti ako ng makita ko na yung picture namin sa Nagsasa ang lockscreen niya.

"Huyy kurba anyare dedma ka?" He said bago pumitik pitik pa ng daliri sa harap ko.

"Yeah. Tara na." I said kahit medyo disoriented pako sa nangyayari sa paligid ko.

The way she loved himWhere stories live. Discover now