The way he is stealing his Cinderella

1.3K 47 4
                                    


I came to see her daddy
in a sit down man to man.
It wasn't any secret
I'll be asking for her hand.

I sighed as I listened to this song. Hindi ko alam kung bakit LSS ako dito. Gago kasi sina Billy at Vhong. Idagdag ko daw sa playlist ko nang malaman nilang pupunta ako ng Laguna to talk to Karylle's father. Hindi ko sana iintindihin dahil alam ko namang pinagtitripan na naman nila ko. Pero ng aksidente kong maiplay kanina nang nakashuffle yung pinapatugtog na LSS nako dito.

Hindi ko alam kung ano ba ang aasahan ko sa pagpunta ko sa tatay ni Karylle. The last time we talked masyadong halata na hindi niya parin ako gusto para kay Karylle.

Pero ngayon lakas loob na pumunta ako sakanya para magpaalam na gusto ko nang pakasalan yung prinsesa niya. Na kahit hindi ako sapat para kay Karylle sa paningin niya. Unti-unti kong papatunayan yung sarili ko.

Nang makita ko yung puting gate nila Karylle ay parang naiihi na ako sa kaba. Kung pwede lang sanang umatras. Mas kinakabahan pa ako dito kesa sa mga audition ko dati. Pakiramdam ko kapag pumalpak ako dito baka mawala sakin si Karylle.

Pero ayokong bastusin yung tatay niya. Gusto kong ipakita na deserving ako para sa prinsesa niya. And someday magiging tatay din ako baka makapatay ako kung yung fiance nang anak ko eh hindi man lang magawang humarap sakin.

Matapos huminga nang malalim ay bumaba na ako. Pinagbuksan ako nang tita yata ni Karylle na hindi ko pa nakikilala.

"Good afternoon po." Magalang na bati ko.

"Hi Vice. Tuloy ka." Aniya bago niluwangan yung bukas nang maliit na gate.

"Hindi mo kasama si Karylle?" Usisa niya.

Pilit naman akong sumagot kahit abala ako sa pamimilit nang paa ko na humakbang palapit sa bahay nila.

"May meeting pa po sila nung manager niya eh. Susunod na lang daw po siya dito. Gusto ko lang po makausap si Sir Modesto." Paliwanag ko.

Maya-maya ay napansin kong nasa front door yung daddy niya at nakatingin samin.

"Kuya. Nandito si Vice kakausapin ka daw." Aniya sa daddy ni Karylle nang makalapit samin.

Karylle's dad motioned me to follow him inside the house. Hindi nagsasalita na sumunod lang ako sakanya.

Nagulat ako nang tumuloy sa pinto sa gilid nang bahay at tumuloy sa clinic yata nang daddy niya.

Lumingon siya sakin bago binuksan ang pinto. "Pasok ka. Upo ka muna dito." Aniya bago itinuro yung sofa sa parang receiving area nang clinic.

"Ah. Sir." Panimula ko pero tinaas niya lang yung kamay niya as if stopping me bago lumabas ng silid.

Boom Basag. Parang nakikinita ko nang kantiyaw sakin nila Vhong at Billy kung nandito man sila.

I guess that's why he left me waiting.

In a living room by myself.

With at least a dozen pictures of her

Seating on a shelf.

Parang nakakaloko na tumutugtog sa isip ko yung kanta sa kotse kanina. At hindi ko napigilang tignan yung mga picture ni Karylle sa clinic nang daddy niya.

She was playing Cinderella (Kanta ko sa isip ko habang nakatitig sa picture ni Karylle sa Cinderella play niya. May something na kami ni Karylle nun. Parang maiihi pa nga ako sa kaba nung nakita ko yung tatay niya. Kung si Ms. Z na laging nakangiti sakin eh hindi boto sakin yung tatay niya pa kaya na laging formal lang kapag nagkakaharap kami. Ang ginawa ko dumikit na lang ako kina Anne buong gabi para makaiwas.)

She was riding her first bike.

Bouncing on the bed and looking for a pillow fight

Running through the sprinklers with a big Popsicle grin.

I couldn't help but smile habang nakatitig ako sa mga litrato ni Karylle. May mga pictures siya nung bata na sobrang cute nang pagkakulot nang buhok niya. Meron may hawak siyang teddy bear na mas Malaki sakanya. May tinuturuan siyang magbike nang daddy niya habang sobrang laki nang ngiti niya.

Meron na may yakap siyang unan tapos tumatawa siya habang tumatalon yata siya sa kama. Yung isa naman naka bathing suit siya na blue tapos may hawak na garden hose.

Habang nakatingin ako sa mga pictures niya hindi ko maiwasang maisip kung gaano siya kamahal nang tatay niya.

Dancin with her daddy, lookin up at him.

I sighed habang nakatitig sa picture nung debut yata ni Karylle. She was dancing with her father at kitang-kita kung gaano niya din kamahal yung daddy niya. After seeing this lalong tumindi yung kagustuhan ko na pakasalan si Karylle.

I felt giddy dahil naiimagine ko yung mini-me ni Karylle na ituturing ko ding prinsesa pagdating nang araw.

"Tapos kana bang tumingin sa mga pictures?" untag sakin nang tatay niya kaya napatalon ako sa gulat.

Napailing na lang siya bago umupo sa sofa. Pilit kong hinamig yung sarili ko bago umupo sa tapat niya.

"So tell me what can I do for you? Magpapabunot kaba?" basag niya sa katahimikan.

"A-ano po kasi. Nagpunta po ako dito para hingin po yung basbas niyo. Gusto ko pong pakasalan si Karylle." Tuloy-tuloy na sabi ko bago napapikit.

Hinintay ko ang violent reaction niya at nang hindi siya sumagot ay dinilat ko ang mata ko. Nakita kong hinihilot niya yung noo niya.

"Let me see. You came here to my turf to ask for my daughter's hand. Ikaw na nakilala ko lang bilang kasamahan niy asa trabaho."

"The last time laman nang buong bansa yung tungkol sa pag-amin mo na may relasyon kayo nang anak ko. Ikaw ulit na ni hindi man lang nagsabi sakin na nililigawan mo na ang anak ko." Aniya na halatang nagpipigil lang nang galit.

"Sir mahal ko po yung anak niyo-"panimula ko pero bigla niya akong pinutol.

"Narinig ko na yan may lalaki na din na nagsabi sakin niyan. Mahal na mahal daw niya yung anak ko. That boy had the decency na kausapin ako bago niligawan yung anak ko. At bilang tatay na gusto lang maging masaya yung anak ko I believed him. Pero sa huli nasaktan lang yung anak ko diba? Tapos heto ka. Sinasabing mahal mo yung anak ko and you wanted me to believe you? Don't you think you are three years late for that? Baka kung noong bago mo niligawan ang anak ko sinabi mo na yan I may have believed you. But now." Umiling lang siya at tumayo na. "Have a good day Mr. Viceral."

"Sir siguro nga po huli na to. Hindi po ako lumapit noon kasi ano po ba yung maipapangako ko sainyo noon? Ayoko ho kayong lokohin. Ayokong ipangako yun lalo na kung alam ko hindi ko matutupad. Nasaktan kop o si Karylle noon dahil kailangan. Kasi sa mundong ginagalawan namin hindi sapat na mahal ko lang siya. Pero po sana sa inyo maging sapat na yun. Na sana kahit huli na po hayaan niyo kong mangako sa inyo na hinding-hindi ko sasaktan yung anak niyo. Kasi ngayon po sigurado na akong matutupad ko na yun." Pakiusap ko na hindi ko namamalayang tumutulo na pala yung luha ko.

Si sir Modesto naman ay umupo na ulit sa sofa bago inabot yung picture sa tabi ko. Yung naka Cinderella costume si Karylle. "I guess that's it. Mukhang may kukuha na sa Cinderella ko." Aniya at nang mag sink-in sakin lahat ay napangiti na lang ako at nakahinga nang maluwag.

"Salamat po sir."

"Don't thank me yet. Hindi pa din ako boto sayo. Pero gusto kong magtiwala sayo dahil alam kong ikaw ang nagpapasaya sa anak ko." Aniya bago ako tinapik sa balikat at iniwan ako para magpakuha nang meryenda.

I sighed. Mukhang yun na ang pinaka pwede kong makuha na approval sa tatay ni Karylle. Okay na din may habang buhay ako para patunayan ang sarili ko at tuparin ang pangako ko.

.

Hiiiii! I'm so kiwig sa magandang buhay kanina kaya nakasulat ako nang mabilisang update. Guys super salamat sa mga nagbabasa pa din nito kahit madalang pa sa patak nang ulan ang update ko. :))

The way she loved himWhere stories live. Discover now