The way she is his light (part2)

1.3K 44 1
                                    

Yung closeness namin ni Karylle hindi na napigilang lumalim at umabot na din outside showtime. Minsan random na kakain kami sa labas, o kaya manunuod ng basketball game sa UAAP. Parang naging normal na lang samin na magkatext, magkatawagan or magkatweet kami araw-araw at naging parte na kami nang sistema ng isa't-isa.

@Anakarylle I'm gonna miss you. For sure aabutan pa kita pag-uwi ko. :*

I tweeted her nung mabalitaan ko na magpapaalam na siya as hurado sa showtime. May offer kasi siya na gumawa ng kitchen musical sa singapore with Christian Bautista. Kaya mawawala siya ng 6months. Alam ko na malungkot siya at kahit gusto ko siyang yakapin to comfort her ay hindi pwede kasi nasa Japan ako para sa concert ko doon. Pinilit ko na lang makauwi kaagad para maidate siya bago man lang siya umalis papuntang singapore.

After she left nalulungkot din ako dahil nga nakasanayan ko na din na kasama siya araw-araw pakiramdam ko may hole siyang iniwan sa buhay ko pero hindi ko pinapahalata sakanya kapag magkaskype kami. Hanggang sa naging busy na siya sa araw-araw na shooting at ako naman sa pagdami ng mga raket na binibigay sakin aside from showtime. Nagsimula na din akong gumawa ng movie at recording sa bago kong album nun. Kaya nagising na lang ako isang araw na may bago na kong mundo at hindi na parte si Karylle nun. Nakuntento na lang ako na magfavorite ng mga tweet niya at mga post sa instagram.

Until that day na bumalik siya sa showtime at inanunsyo na magiging permanente na sila ni Billy sa show. Masaya ako at takot ng mga panahon na yun. Masaya dahil bumalik na yung kaibigan ko at takot dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya haharapin at ipapaliwanang kung bakit huminto na akong maging kaibigan sakanya dahil nawalan ako ng panahon. Nandun din yung takot na baka bumalik yung iniiwasan at pilit kong inaalis na pakiramdam ko para sakanya.

Viceyy! I miss you! I was stunned na bigla na lang akong yakapin ni Karylle sa backstage. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o hahayaan ko na lang siya. Nanaig din yung pagkamiss ko kaya niyakap ko siya.

Arayyyy! angal ko ng bigla niya kong sabunutan.

Para yan sa hindi mo pagpaparamdam sakin. Wag mo nang uulitin yun ha. Ang lungkot pala pag wala ka. she said bago yumakap ng mas mahigpit.

Wala sa sariling tumango ako. Sa isip ko ngayong yakap ko na siya nagsisink-in sakin kung gaano ko ba siya namiss at kung paanong araw-araw kung pinaglalabanan na pumunta ng Singapore para makita siya kahit sandali lang.

Nang maging part na si Karylle ng showtime mas lalong lumala yung friendship at closeness namin. Pati yung feelings na pilit kong iwinawaksi lumalala din. Hindi pa nakatulong yung pagsikat ng loveteam namin na Vicerylle para kumalma etong di kaaya-ayang pakiramdam ko.

Vice at Karylle maiwan kayo. kinabahan ako nung bigla kaming binilinan nI Direk na magstay after ng show. Iniisip ko kung ano ba yung nagawa namin na kasalanan.

Hala ka waklaaa! Tinulak mo kasi ako kanina isususpend ka siguro ni direk alam mo naman ako favorite sinasaktan mo ko. natatawang pang-aasar sakin ni Anne.

Napaisip ako dahil pabiro ko nga siyang tinulak nung nag-aasaran kami on-air kanina. Pero natural na din saming dalawa yung ganung gestures.

Ilusyunada! Tinulak ka din ba ni Karylle? Diba nga dalawa daw kaming maiiwan? pambawi ko at binelatan pa siya.

Whateverrrr! Goodluck waklaaa at K. Uuna nako at may date pa kami ni Erwan. Natatawang paalam niya bago bumeso kay karylle at sinabunutan pa ko bago bumeso sakin.

Arayyy! Etong ngangabu na to. Umamba na sasabunot din sana ako when K held my hand.

Viceyyy! Awat na yan. Pinatawag na nga tayo ni direk behave na muna. parang nanay nana pangaral niya sakin kaya tumahimik na lang ako.

The way she loved himWhere stories live. Discover now