The way they are a family

1.9K 56 7
                                    

"Ready?" nakangiting tanong sakin ni Vice.

"I think so?" alanganin kong sagot na ikinatawa niya.

"Kung makatawa ka diyan. Iwanan na lang kaya kita at ikaw na lang kumausap sakanila?" pananakot ko kay Vice.

"Eto naman si Kurba hindi na mabiro. Sorry na mahal. Lika na nga." Hinawakan niya ang kamay ko at pakembot-kembot na naunang naglakad.

Naaasar na hinampas ko siya na ikinatawa lang niya. "Arayyy! Mapanakit kang babae ka. Magjojowa ng bakla tapos ayaw ng kekembot kembot maglakad ang jowa. Hala siya oh."  maarteng pang-aasar niya.

"Edi maghiwalay na tayo ng makahanap ako ng jowang hindi kekembot-kembot." balik pang-aasar ko bago marahang hinila ang kamay ko.

"Anong maghihiwalay? Walang maghihiwalay! Joke lang naman kasi mahal. Sorry na I love you." namumutlang sabi niya bago ako nang gigil na pinaghahalikan sa magkabilang pisngi.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pagiging parang bata niya today. Mas lamang kasi yung kinikilig ako sa I love you niya eh. Ilang beses din siyang nag I love you sakin kagabi pero ewan ko ba parang sabik pa din akong marinig ng paulit-ulit. Siguro ganun kapag ang tagal mong hinintay hindi ka magsasawa na marinig kahit paulit-ulit.

"Ay nalintikan na." natauhan ako nang bigla aking hinila ni Vice papasok at tumakbo papunta ng dressing room niya

Nagsimula na kasing dumami yung mga reporter na gustong kumuha ng interview kay Vice matapos yung pag-amin niya kagabi.

Pagdating namin sa loob ay mahigpit akong niyakap ni Vice. "Mahal sorry sa kanina. Aayusin ko to. Malalagpasan din natin to kapit lang sabi ng tarsier."

"Okay lang love. Maliit na bagay lang to kaya natin to." Pagpapagaan ko ng loob niya kahit na medyo nabigla din ako noong una.

Nagsisimula na din kasing mag sink-in sakin yung bigat ng sitwasyon na meron kami ngayon. Hindi biro yung kontrobersiya na dala nito at makakaapekto to sa career ni Vice. Kung ako lang hindi naman ganun kahalaga sakin lahat ng to. Kaya kung iwanan to for a peaceful life with Vice. Pero siya alam ko kung gaano niya kagusto at kakailangan to alam kong ginagawa niya to para sa pamilya niya at madami pa siyang pangarap para sakanila. At hindi yata kaya ng konsensya ko kung ako yung dahilan para mawala ang lahat ng meron siya ngayon.

"Mahal hindi kana nagsalita. Iiwan mo naba ako dahil lang dito?" napakunot ang noo ko at napatingin sakanya.

"Hindi no. Nag-iisip lang ako kung mga anong petsa mo ko bibitawan para makapagpaayos na ko." pagdadahilan ko ng makita ko yung takot sa mukha niya. Ang hirap masanay sa mga emosyon na ipinapakita ni Vice sakin. Parang mas sanay ako sa dati na poker face lang siya hindi gaya ngayon na nakaka overwhelm ang pag shift ng mood niya.

"Ay oo nga pala. Saglit at tatawagan ko muna sina Buern."

"Meme! Malandi kang bayot kang naging shiboli kana. Ang daming tao sa labas nakakaloka ka!" Tungayaw ng kakapasok lang na si Buern.

"Ayyy momshie kurbs nandito ka pala. Sorry si Meme lang yung sinesermonan ko ha. Fan ako ng Vicerylle." hinging-paumanhin niya na ikanatawa ko na lang.

"Okay lang Buern ganun ba talaga kalala yung situation sa labas?" Nag-aalang tanong ko.

"Kanina balyahan talaga para makapasok at ang daming reporter. Swerte niyo na nga lang at hindi nila alam yung condo ni Vice na bago.Pero ngayon baka hindi na at kumuha na ng Bouncer sina Russ." Imporma niya.

The way she loved himWhere stories live. Discover now