The way she is his light

1.4K 50 3
                                    

Natapos ko na talaga agad tong update na to after nung JoseAndAndDay. But I can't post it yet kasi ewan ko ba parang eto yung favorite chapter ko so far kaya nakailang revision ako. So here you go Vice's POV I hope you'll like itttt! :*

Huy meme! Unakyat na si Karylle hindi mo paba susundan? Parang timang to kanina kapa diyan sa cellphone mo tinopak na yata yun.
sita sakin ni Archie na ikinangiti ko lang at hindi pinansin.

Sinadya ko naman talaga na hayaang umakyat mag-isa si Karylle hindi niya kasi dala yung cellphone niya kaya gusto ko na makita yung surprise ko sakanya. This decision is a big leap pero pakiramdam ko naman worth it.

Si Karylle yung pinakamalaking sugal ko sa buhay ko. Mas malaking sugal pa kesa nung nagdrop-out ako ng college para mafull time sa pagiging stand-up comediane. O kaya nung inamin ko sa mga kapatid ko na bakla ako.

Nakatingin ako sa picture na pinasa sakin ng hairstylist ko na si Ruben kanina. Kinuhanan niya pala kami habang nakahalik ako sa noo ni Karylle at nakayakap sa bewang niya while she's staring at me. Noong pinakita niya samin yun sabi ko kay Karylle favorite ko yun sa lahat ng stolen pictures namin together.

Hindi niya kasi alam kung gaanong buhos na buhos na yung nararamdaman ko sa picture na yun. Hindi niya alam na sa mga sandali na yun iniisip ko kung gaano ako kasaya at nagpapasalamat kasi dumating siya, kasi nangyari siya.

Nilagyan ko ng caption na eksakto sa nararamdaman ko at iniisip ko nung mga oras na yun. Na hindi ko na kukwestiyunin kung naririnig ba ng Diyos ang dasal ko. Dahil etong sandali na humihinga ako at yakap kita ay sapat ng patunay na naririnig at tinutupad niya ang isa sa mga dasal ko. You will always be an answered prayer. Those words were exactly what was playing on my head that time. Hindi ko lang talaga alam nana kukuhanan kami ng picture ni Buern and I thought sayang yung picture at yung iniisip ko kung ako lang yung makakakita.

Kaya ginusto kong ipakita sa mundo ano ba si Karylle para sakin. Bahala na kung ano man ang sabihin ng ibang tao. Naisip ko hindi ako magiging masaya kung patuloy kong iisipin silang lahat.

Sa duration nang relasyon namin ni Karylle puro ibang tao ang iniisip ko. Kaya hindi ko maipakita ng tama kung ano yung nararamdaman ko dahil panay takot yung nararamdaman ko. Takot na baka mapulaan siya dahil pumatol siya sa baklang katulad ko. Takot na baka mawala yung kasikatan na meron ako dahil sa intriga samin ni Karylle. Takot na baka magsawa din siya at iwan ako kung kelan nawala na lahat sakin.

Kung magiging mmk ang lovestory namin ni K at POV ko ang gagamitin malamang ang maging title nun "takot" kahit na dapat bagay ang title pag mmk diba?

Nung una kung nakilala si Karylle nandun yung takot. Takot na baka hindi naman niya ako gustong maging kaibigan at mareject lang ako. Kasi sino ba naman ako diba? Isang bakla na galing sa comedy bar nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa industriya. Samantalang siya sanggol pa lang kilala at bukambibig na ng ibang tao kasi anak ni Zsa-zsa na divine diva lang naman at sikat lahat ng mga kanta at album na ginawa at step-daughter ng comedy king ng Pilipinas lang naman. Tapos ang dinig ko graduate ng Ateneo samantalang ako FEU na lang di ko pa kinayang makagraduate. Pumasok siya ng showbiz naging singer at artista sa kabilang network nagkajowa ng pasok sa pamantayan ng lipunan na babagay para sakanya. Yung Dingdong Dantes sikat na artista, gwapo at ipinanganak na mayaman. Ewan ko ba sa dami ng nakasalamuha ko bakit iba yung dating ni Karylle hindi ako kinabahan kay Anne Curtis pero sakanya iba eh pero lakas loob kung sinubukan.

The way she loved himWhere stories live. Discover now