The way love is simple.

1.2K 45 9
                                    

"Kuys thank you talaga sa libre nabusog kami." nakangiting pasasalamat ni Jugs.

"Dapat lang naman na mabusog kayo nakakahiya naman magkano yung babayaran ko oh." pambabara ko na ikinatawa nilang lahat.

"Ayy makareklamo ka jan bestie ang dami pa ngang absent mas mahal yan kung kumpleto tayo."

"Sabi ko kasi sayo hati na lang tayo." Biglang sabi ni Karylle na ikinasimangot ko.

Kanina niya pa kasi inoffer na maghati kami sa gastos kasi treat naman namin yung dalawa pero nag-insist akong kaya ko na.

"Kurba naman kelan ba kita pinagbayad? Kaya ko na to inaasar ko lang sina Billy." malambing na bulong sakanya bago hinawakan ang kamay niya.

"Hoy Vicerylle nagsosolo na naman kayo diyan." pang-aasar ni Billy.

"Dami mong napapansin nag-uusap lang po kami itay." nakairap na sagot ko.

Tumawa lang si Billy bago ako hinampas. "Aray! Leche ka bully crawford. Ikaw magbayad niyang kinain mo ah." Nakairap na pagbabanta ko.

"Okay lang kay Karylle na lang ako papalibre." Ganti ni Billy na parang batang dumila pa.

"Vice behave."  Sita naman sakin ni Karylle bago ako kinunutan ng noo.

Tumahimik na lang ako at inabot na yung card ko. Pero pasimple ko pa din sinipa si Billy sa ilalim ng mesa bago inirapan.

"Para kang bata." Sermon ni Karylle bago kinurot ako sa tagiliran.

"Aray naman Karylle." Reklamo ko bago lumayo nang bahagya.

"Nagrereklamo kana? Sinisigawan mo nako?" Aniya na humalukipkip pa.

Napakamot na lang ako ng ulo. "Hala di kaya. Iniinform lang kita na masakit. Nilakasan ko lang marinig mo. Eto naman galit agad." Pagpapakumbaba ko bago naglalambing na humalik sa pisngi niya.

"Boom UNDER!" Kantiyaw ni Vhong na ikinatawa nang lahat.

Ngumiti na lang ako at napailing. Di na ko umangal dahil totoo naman. Under ako kay Karylle.
Wala eh kumander yun praybeyt lang ako.

We continued our lunch na puro tawanan at kwentuhan lang. Nandun din yung paminsan-minsang pang-aasar sakin nila Vhong at pasimpleng pamimisikal ko sakanila para makaganti.

Wala eh this is how we are wmapa oncam or offcam man. Panay harutan lang.

After we had lunch ay umuwi na kami ni Karylle. Ayaw niya pa nga sana akong isama sa condo niya pero nakuha ko sa pagdadrama.

I sighed contentedly habang pinapanuod ko si Karylle na magprepare ng snack namin. We decided na magmovie marathon na lang since wala naman na kaming ibang commitment ngayong araw.

Habang pinapanuod ko siya. Walang ibang tumatakbo sa isip ko maliban sa gusto kong ubusin yung mga susunod pang segundo, minuto, oras, araw, buwan, taon o dekada nang buhay ko na kasama ko si Karylle nang ganito.

Gusto ko nang mas marami pang moment sa buhay namin na kasama ko siya. Na aasikasuhin niya ko ng ganito.

Noong bawal pang ipakita sakanya kung gaano ko siya kamahal. Wala nang ibang tumatakbo sa isip ko kundi kung gaano ko kagustong pakasalan siya. And now that we are finally out in the open lalong tumindi yung kagustuhan ko ask her.

"Baka matunaw ako Viceral." Aniya na ikinangiti ko.

"Viceral talaga Karylle?" Nakairap na sita ko nang makalapit na siya sakin.

The way she loved himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon